“Oh, Keith napatawag ka?” kaswal na bati niya rito nang sagutin niya ang tawag nito kahit pa nga binubundol ng kaba ang puso niya.
Kinuha niya ang nakasabit na bathrobe para hindi siya ginawin at sinuot iyon. Nilapitan niya ang bathtub at dahan-dahang binuksan ang faucet. Nilagyan niya ito ng bath bomb para hindi na niya kailangang maghintay nang matagal para matunaw ito. Inilublob niya rin ang kanang kamay sa bathtub para masiguro niyang nasa tamang timpla ang temperatura ng tubig bago siya lumapit ulit sa lababo. Sumandal siya doon habang hinihintay na mapuno ang bathtub.
“Nagkausap ba kayo ng pinsan mo?” tanong nito sa kanya. Mukhang nasa loob na rin ito ng kwarto dahil ‘di na niya naririnig ang ingay ng nagkakasiyahan sa may pool area nila.
“Ni Tasha?” takang tanong niya. Ba’t nito hinahanap si Tasha?
“Sira, hindi si Tasha kung hindi si Kay,” natatawa pa nitong sagot.
Napakagat siya sa hinlalaki niya. Ang dami ng mga scenario ang naglalaro sa isip ni Avon. Pangalan pa lang ni Kay na siya naman ang may gawa ay para na siyang kakatayin sa kaba.
“Hindi naman kami laging nag-uusap. Nakakausap lang namin siya kapag nag-vi-video call sina Tito sa amin.” Which is true. Ganoon naman talaga ang kumustahan nila ng pinsan dahil hindi ito mahilig mag-cellphone. “Hindi nga iyon mahilig mag-cellphone, eh. I’m surprised dahil nakikipag-chat siya sa’yo.”
Sige ganyan nga, Avon. Siguro mas maganda kung ma-turn-off si Keith kay Kay para hindi mo na kailangang magsabi ng totoo. Piping kausap niya sa sarili.
“Wow, jackpot pala ako kasi nakikipag-usap siya sa akin.” Rinig na rinig niya ang tawa nito na tila ba amazed na amazed sa nalaman. “Siguro, tulog pa siya ngayon kaya ‘di pa siya nag-re-reply.”
She facepalmed. “Kaya mo ba ako tinawagan dahil kay Kay?”
“Oo, ‘di na kasi ako makapaghintay hanggang bukas. Medyo na-excite ako na magkamag-anak pala kayo. Kwentuhan mo naman ako ng tungkol sa kanya.”
“Mukhang nakuha talaga niya ang interes mo, ano? Maliligo lang muna ako. Tawagan mo na lang ulit ako mamaya,” aniyang lumapit na sa bathtub para i-off ang faucet.
“Maligo ka lang habang nagku-kuwento ka ng about sa kanya,” ungot nito.
“Diyos ko, Kian! Ang awkward ng request mo.”
“Sige na o ‘di kaya ‘wag ka ng maligo. Magwisik-wisik ka na lang,” patuloy na pangungulit nito sa kanya.
Imbes na matuwa na gusto siyang makausap ni Kian ay mas nakaramdam pa si Avon ng pagkairita. Siya ang kausap pero iba naman ang hinahanap. Huminga muna siya nang malalim bago sumagot. “Hay nako ang kulit, ha? Sige na, mamaya na lang baka lumamig na ‘tong tubig ko sa bathtub. Tatawagan na lang kita.”
“Grabe! Pinagpapalit mo na ako sa pagligo? Minsan nga lang ako maglalambing sa’yo, eh,” anitong may himig na pagtatampo.
Nakonsensya naman siya agad. Tinapik-tapik ng paa niya ang sahig. Iniisip niya kung paano takasan si Kian. Umaandar na naman kasi ang kakulitan nito at alam niya kung bakit.
“Teka nga!” Min-ute niya muna ang tawag at pumunta sa Catfish app. Isang paraan lang ang naiisip niya para tantanan siya nito pansamanatala. Mabilis niyang pinatipa sa keyboard ang mga daliri para makapagpadala ng mensahe rito. Nang mai-sent na niya ay agad niyang in-unmute ang tawag. “Paliguin mo muna ako. Lumalamig na ang tubig sa bathtub.. Tapos sasagutin ko lahat ng tanong mo about sa kanya.”
“Teka, saglit lang may nag-message.” Nanahimik ito saglit. Maya-maya pa ay nagsalita ulit ito. Halata ang excitement sa boses ng binata. “‘Ayan nag-message na siya. Sige na nga maligo ka na. Online na rin naman siya. Sige ba-bye na.”
Hindi na siya nito hinintay na makasagot dahil agad nitong pinutol ang tawag. Nakasimangot na tumingin na lang si Avon sa screen ng cellphone niya. “Kita mo ‘to. Kanina kinukulit ako. Ngayong nag-message si Kay, ‘di na ako pinansin.”
Inismiran niya pa ang cellphone na para bang ito si Kian sa sobrang asar. Hinubad na niya ang suot na bathrobe at dahan-dahang inilublub ang sarili sa tubig. Agad siyang nakaramdam ng kaginhawaan nang dumampi sa balat niya ang maligamgam na tubig. Nang maging komportable na siya sa pagkakaupo ay tiningnan niya ang hawak na cellphone at binuksan ang Catfish app. Unti-unti niyang binasa ang mga message ni Kian sa kanya mula pa kanina.
Kak 2nd: Hi, Kay!
Kak 2nd: Are you still awake?
Kak 2nd: I know it’s been awhile. I’m sorry kung ‘di na ako nakapag-chat sa’yo. I just got busy dahil birthday ng nanay ko ngayon. I was helping set up the party. I hope you didn’t think that I’m no longer interested in you. Actually, ‘di rin talaga ako nagparamdam para ma-miss mo ako. And I hope it was effective.
Umismid si Avon sa nabasang mensahe. “Diyos ko! Ang landi-landi mo talaga, Keith! Mga linyahan mo talaga! Ang sarap mong sakalin, promise!” gigil na wika niya. Ipinagpatuloy niya ang pagbasa.
Kak 2nd: Do you mind if I ask you something personal? Are you in the Philippines ?
Kak 2nd: Alam ko nakukulitan ka na sa akin. You may answer it. Pero okay lang rin kung hindi.
Kak 2nd: I guess you’re really busy. I’ll be waiting for you, Kay. Please message me when you get these messages.
Kak 2nd: I miss you…
Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Avon. Nakaramdam siya ng kalungkutan habang binabasa ang mga mensahe ni Kian. Siya ang gumawa ng persona ni Kay pero nagseselos siya rito dahil alam niyang never magiging ganito ang turing sa kanya ni Kian. Hanggang kaibigan lang talaga ang papel niya sa buhay nito.
Bigla niyang naalala ang sinabi ni Kian. Oo at observant ito at marahil ay totoo ang sinabi nito sa tunay na nararamdaman ni Keith. At kung totoo nga iyon ay dapat na siyang tumigil sa ginagawa niya. Besides, what good does it make her pretend to be someone she is not?
Wala. Kung meron man ay sakit sa puso lang.
Napagpasyahan ni Avon na ititigil na ang pagpapanggap. Tama si Kian at Tasha. Gulo lang ang dala ng plano niya. Ang dapat niyang gawin ngayon ay i-turn off si Kian para ‘di na nito i-push ang panliligaw.
Ang akala ni Avon ay madali lang gawin iyon… Nagkakamali siya…