Chapter 11

1155 Words
“Alam ko, Tash. ‘Di na ako nagpasama sa’yo kanina dahil parang may sarili ka ng mundo habang kumakain. Mukhang gutom na gutom ka na nga. Pero ikaw ha? Ang daya mo. Wala ka bang balak ichika sa akin kung anong meron sa inyo ni Kristoff? Mukhang marami-rami kang ikukuwento sa akin,” ani Avon na tinaasan pa ng kilay ang pinsan. “Nako! Next time na natin pag-usapan. Ikukwento ko rin naman sa’yo. Pero sa ngayon focus muna tayo sa love life mo, ano?” sagot niyo na halatang iniiwasan ang topic tungkol sa kanila ng kakambal ni Keith. “Asus, palusot ka pa,” pasaring ni Avon dito. Ngumisi lang sa kanya si Tasha at umabrisyete sa kanya. “Binasa mo ba ang mga messages niya?” pag-iiba nito ng topic “Hindi pa. Mamaya ko na babasahin kapag nakauwi na tayo. Alam mo naman na delikado kapag binasa ko ngayon. Lalo na at nasa paligid lang siya. Iniisip ko kasi baka kapag nakita niyang online, ‘di na niya tatantanan sa pag-chat.” “Kung bakit naman kasi sa BFF mo pa ikaw nahulog.” “I can ask the same thing to you too, you know?” sarkastikong sagot niya rito na ang tinutukoy ay si Kristoff. “Nako, ‘wag muna natin siyang pag-usapan please lang. Atupagin mo muna ‘yang kahibangan mo kay Keith. Alam na alam mong sa oras na malaman niya na ikaw at si Mary Kay ay iisa, luluha ka talaga ng dugo.” Kinurot ni Avon ang pinsan at inilagay ang hintuturo sa ibabaw ng labi niya. “‘Wag ka ngang maingay baka mamaya may makarinig sa’yo,” saway niya rito. Itinikom ni Tasha ang bibig at pinaglandas ang dalawang daliri sa labi nito hudyat na mananahimik na ito at tikom na ang bibig sa anumang nais ikomento tungkol kay Keith. Napailing na hinila na ni Avon ang pinsan palabas ng kusina nang pareho silang matigilan. May nakita silang bulto ng tao na nakahilig sa island counter. Mukhang kanina pa ito doon dahil nang makita sila nito ay agad itong umayos ng tayo. Medyo dim ang kusina kaya ‘di nila agad mapagsino kung sino ang nakatayo doon. Humigpit ang kapit ni Tasha sa braso niya at ganoon din siya sa pinsan. Lumakas ang t***k ng puso niya sa matinding kaba. Alam niyang hindi si Keith ang lalaking kaharap nila ngayon dahil iba ang suot nito. Naka-blue poloshirt ito at naka-khaki na na slacks. At mas lalong hindi si Kristoff dahil naka-pulang polo ito. “K-Kian… Nandiyan ka pala. Kanina ka pa ba diyan?” nanginginig ang labing tanong ni Avon. “You can say that,” simpleng sagot nito na hindi man lang kinikitaan ng kung anumang emosyon ang mukha. Sa triplets, si Kian ang tahimik at mahilig mag-obserba. Istrikto rin ito sa magkakapatid. According kay Keith mas istrikto pa ito sa tatay nilang si Ken. “Mauna ka na, Tash.” Kinalag niya ang pagkakaabrisyete sa kanya ng pinsan at mahina itong itinulak para iwan sila ni Kian. Pakiramdam niya kasi ay may kailangan silang pag-usapan ni Kian. Seryosong titig palang nito ay parang inaarok na ang pagkatao niya. Ibang-iba sa mapaglarong mga tingin ni Keith. “Are you sure? Ayoko namang iwan kang nag-iisa,” bulong ni Tasha. “Okay lang ako saka parang ‘di mo naman kakilala si Kian. Sige na…” pagtataboy niya rito. Ayaw pa sanang umalis ni Avon pero katagalan ay nahikayat na rin niya itong iwan silang dalawa ni Kian. nakatingin lang siya sa pinsan na palingon-lingon sa kanilang dalawa habang papalayo. Nang ‘di na niya ito nakita ay hinarap niya si Kian na nakaupo na sa bar stool ng island counter. Nangalong baba ito habang nakatingin lang sa kanya na para bang hinihintay nito kung ano ang gusto niyang sabihin. Tumikhim muna si Avon bago umupo sa katabi nitong bar stool. “I-I’m sure na narinig mo ang pinag-uusapan namin ni Tasha.” Hindi sumagot si Kian at sa halip ay patuloy lang siya nitong tinitigan. Mga titig na wala naman halong panghuhusga or galit. Pero ito ‘yung klase ng titig ni Kian na kinakabahan siya. Para bang mahuhuli siya nito agad kung magsisinungaling siya. Ipinatong niya ang mga kamay sa ibabaw ng island counter at marahas na napabuntong hininga. Ni hindi niya alam kung saan magsisimula. Gusto niyang magpaliwanag kahit ba hindi niya naman alam kung ano at hanggang saan ang narinig nito. “I know that you are in love with my brother, Avon,” mahinang sabi nito makalipas ng ilang minutong pananahimik. “My brother is just so dense that he didn’t even notice it.” Napatingin si Avon kay Kian na ngayo’y hindi na nakatingin sa kanya kung hindi sa labas na ng bahay kung nasaan nagtitipon ang mga bisita. Ngayon alam na niya na narinig talaga ni Kian ang pinag-usapan nila ni Tasha. At mukhang narinig nito ang lahat. She scoffed. “Ganoon na ba ako kahalata?” “Yep! And I don’t blame you if you resorted to that kind of plan. However, you know my brother, Avon. You know him better than everyone else. Even though he is playful, he doesn’t really appreciate liars and manipulative people. But that’s your hustle. You have your reasons and who am I to judge you?” He sighed. “What I’m trying to say is that think a million times before you pursue whatever plan or plans you have. Keith may be playful, but you don’t want him mad. You know how crazy he can get.” “Alam ko naman ‘yun. And I appreciate it, Kian. I know I’m being stupid right now. Pero what can I do? Ayoko naman kasing sabihin sa kanya kasi baka magbago ang lahat sa amin,” aniyang napayuko. Naiiyak na siya sa takbo ng usapan nila ni Kian. Deep inside she knows that Kian is right. Pero sobrang desperada lang talaga siya. “You’re getting desperate,” mahinang komento ni Kian. Tumango siya rito bilang pagsang-ayon. “My brother already has his eyes on you, Avon. You just didn’t notice it or I guess you fail to see the signs.” Mahina siyang napatawa. “‘Wag mo nga akong utuin, Kian. Sa tagal kong nakatingin sa kanya, ni minsan hindi ko siya nahuling nakatingin sa akin sa paraang gusto niya akong tingnan.” “How would you know when he was secretly looking at you from afar?” “Kian… ‘Wag mo akong paasahin, please.” “I don’t have plans in doing so. I’m just telling you what I saw. I don’t have plans forcing you to believe me either. I’m just giving you a warning, that everything will crumble if you continue what you are doing. And don’t worry your secret is safe with me.” Tumayo na ito at iniwan siyang mag-isa sa kusina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD