Kanina pa nagpabago-bago ng posisyon si Avon sa kama. Naroong tatagilid siya, dadapa o ‘di naman kaya ay titihaya. Malalim na ang gabi at alam niyang siya na lang ang bukod tanging gising sa bahay nila. Sa kasamaang palad ay hanggang ngayon, kahit ano ang gawin niya ay hindi pa rin siya nakakatulog. Naiisip pa rin ni Avon ang mga ganap sa kanila ni Keith noong araw na iyon. Ang masaklap pa ay hindi na sila nakapag-usap ni Keith dahil naka-focus na ang usapan about kay Angel. Ang daming tinanong ni Cheska kay Tasha about kay Angel samantalang si Keith ay matamang nakikinig lang. Sobrang halata na interesadong-interesado ito tungkol sa pinsan nila pero wala naman itong tinatanong. Minsan ay nahuhuli niya pa itong nakatingin sa kanya tapos ay ngingiti. Hindi alam ni Avon kung para saan an