“Ba’t mo ako tinatanong pabalik? Ba’t ‘di mo sagutin?” nakangising tanong ni Tasha kay Keith na para bang pino-provoke ito na magsabi ng saloobin. “Tasha!” saway ulit ni Avon. Kahit gusto niyang malaman ang sagot ni Keith may part pa rin sa puso niya na ayaw marinig ang sagot nito. Pakiramdam niya ay mawawasak ng tuluyan ang puso niya kung ang hinahangad niyang marinig ay kabaliktaran sa sasabihin nito. Mapaglarong nginitian ni Keith si Tasha. “Ano ba ang gusto mong malaman, Tash?” Nagpalipat-lipat ng tingin si Avon sa dalawa. Nagsusukatan ng tingin ang mga ito at parang hindi siya nag-e-exist. “Why don’t you spill it, Keith?” hamon ni Tasha. “Sure, kung sasabihin mo rin ang sekreto ninyo ni Kristoff. Fair deal, ‘di ba?” nakangisi nitong sabi. Bahagya pang idinukwang ni Keith ang s