“So, ‘ayun nga sa bahay na raw maninirahan si Angel pansamantala habang inaalam nina Tito Kors ang dahilan kung bakit naging ganu’n ang pinsan naming iyon,” pagtatapos ni Avon. Ikwenento niya lahat kay Kian ang sinabi ng mommy niya about sa sitwasyon ni Angel. Kasalukuyan silang nasa mall at naglalaro ng basketball sa arcade na madalas nilang gawin kapag magkasama sila. Napaaga kasi ang pagtatapos ng klase nila kaya napagpasyahan nilang magliwaliw. It was a perfect timing dahil bibihira lang na pareho silang walang klase sa hapon lalo na at magkaiba ang course nila. And of course, they took advantage of it to spend more time together. Buti na lang rin at wash day sa eskwelahang pinapasukan nila kaya hindi sila naka-uniform. I-shin-oot muna ni Keith ang hawak na bola sa ring bago tumingin