Inaamin ni Avon na sobrang interesting ng movie na pinapanood nila. Ni hindi niya na napansin si Keith sa sobrang focus ng kanyang panonood, not until the bed scene comes. Pakiramdam niya ay uminit ang buong mukha niya at ‘di makatingin sa big screen sa sobrang awkward ng scene. Kasi ba naman ang kaninang naghahalikan sa gitna ng silid ay nasa shower na ngayon at parehong nakahubad. It was a very intimate scene. At ‘di rin nakatulong ang pagkakadikit nilang dalawa ni Keith na ngayon ay nakasalo na rin sa kumot na gamit niya. Nakaakbay pa rin ito sa kanya at siya naman ay nakasandal ang ulo sa balikat nito. Ano ba naman ‘yan ang tagal matapos ng bed scene! piping reklamo niya. Paano ba naman kasi, detalyadong-detalyado ang pagkakakuha ng mga scenes. Kung tutuusin ay para na iyong isang s