Buong araw na wala sa sarili si Avon pagkatapos malaman mula kay Tasha ang tungkol kay Angel. Buti na lang at busy si Keith sa practice nito sa basketball at nagkaroon lang silang magkasama ulit noong mag-lunch. Ni hindi na rin siya nito naihatid pauwi pa. Sumakay na lang siya ng taxi dahil si Tasha ay kailangan pang mag-stay ng matagal sa eskwelahan. Pagkarating niya ng bahay nila ay agad niyang nakita ang nanay niyang nag-eenjoy sa panonood ng tv. Mukhang maaga itong nakauwi mula sa trabaho. Minsan kasi ay natatagalan ito dahil panay overtime nito. “Mommy!” masayang bati ni Avon sa nanay niya. Nilapitan niya agad ito at nakipagbeso-beso bago umupo sa tabi nito. “Ang aga niyo ho yata dumating ngayon? ‘Di po busy sa work?” pagbubukas niya ng usapan. “Busy naman pero umuwi lang ako nang