Chapter 17

2002 Words
Taleigha’s POV Hinawakan ako nila Briella Montero at Kali Revamonte. Hindi raw ako puwedeng umalis nang ganoon-ganoon lang. Hindi rin puwede ang sorry lang. Dapat daw akong malagot kasi isang Cressida Ross raw ang ginawan ko ng kasalanan. Ni hindi nga raw ito nangyayari sa kaniya nung nag-aral siya ng elementary at highschool, tapos ngayong college, saka pa raw ito mangyayari sa kaniya. Kitang-kita ko sa mukha kanina ni Cressida Ross ang galit niya sa akin. Sinampal pa nga niya ako bago pumasok sa cafeteria. Sa mga oras na ito, habang hindi ako pinapakawalan nila Briella Montero at Kali Revamonte ay kabadong-kabado na ako. Ang dami na ring student ang nakaabang sa gagawin sa akin ni Cressida Ross. Nasa loob na kasi siya ng cafeteria at bumibili na ng pagkain na tila isasaboy niya rin sa akin. Nakangiti ang lahat ng student na nagkukumpulan dito. Inaabangan ang mangyayari sa akin. Na para bang masaya sila na sa unang pasok namin dito sa school ay may magaganap na agad na katuwaan. Kung bakit naman kasi napakatanga ko at nadapa pa ako kanina. Sobrang malas lang at si Cressida Ross pa ang na-timing-an na natapunan ng kape. Ang isa sa mga babaeng kinakatakutan nila. “Sa tingin ko ay nakita na namin ang magiging favorite naming student dito sa Vanguard University,” sabi ni Kali habang pangisi-ngisi. “For sure, it’s really her. So, expect your life here to be a living hell starting today. You just had the misfortune of spilling coffee on Cressida Ross,” natatawang sabi ni Briella. “Nadapa kasi ako. Nabitawan ko ang kape. Hindi ko naman sinasadyang maihagis ang kape sa kaniya. Aksidente lang ang nangyari. Maawa naman kayo sa akin,” paliwanag ko sa kanila pero parang walang saysay iyon kasi mga walangya rin talaga ang mga ito. Hindi lang din talaga ako makaangal kasi may mali rin ako. “Accident or not, you’re still in trouble with us. Didn’t you see the expression on our friend’s face? On the first day of school, she looked foolish because of the coffee that splattered on her face and uniform. Do you think she’ll let you off the hook? No. So brace yourself because she’s sure to do more than just coffee on your face and body. Just wait and see, she’s already buying food to pour over your entire body,” maangas na sabi ni Kali kaya lalo na akong kinakabahan. Sana pala inubos ko na ang kape sa loob ng cafeteria. Kung hindi siguro nangyari ‘yon ay baka naroon na ako ngayon sa dorm ni Calista at nagpapalamig na lang. Nasaan na ba ang babaeng iyon? Kailangan ko ng tulong niya. Kung bakit naman kasi saka pa may class na ngayon si Alvar, walang magtatanggol tuloy sa akin. Si Harvy kaya, nasaaan siya? Baka naman mapagtanggol niya ako. O kahit si Zeshawn. Kailangan ko ang mga kakilala ko. Kailangan ko ng backup. Takot na takot na ako dito. “Look, Kali. Do you feel the trembling of her body?” Tanong ni Briella sa katabi niya habang hawak pa rin nila ang braso ko. Sa sobrang kabado ko, nanginginig na rin kasi talaga ako. Tumawa si Kali. “Yes, I can feel her body trembling. This stupid girl is really scared, that’s why,” sagot ni Kali at saka ngumisi. Mas dumami pa ang mga student na pumunta dito para manuod sa mangyayari sa akin. ‘Yung iba nakangisi agad. Habang ang iba naman ay nagkukuwentuhan tungkol sa katangahang ginawa ko. Ang iba ay naka-ready na ang mga camera para ma-video-han o ma-picture-an ako. Sa kabilang banda, nakita ko si Mcaiden na tahimik na nakatingin sa akin. Mag-isa siya, wala ang ibang kasama niya. Seryoso siyang nakatingin sa akin. Walang ngiti, walang pang-aasar o kahit na ano. Gusto ko sanang manghingi ng tulong sa kaniya kaya lang alam kong gusto niya rin itong mangyayari sa akin. Baka isa pa siya sa tatawa mamaya kapag nakita niya ang gagawin sa akin ni Cressida Ross. Sakto, lumapit na sa amin si Cressida Ross habang dala-dala ang isang supot na may lamang iba’t ibang pagkain. “Guys, are you ready for the first student we're going to bully this year at Vanguard University?” sigaw na tanong ni Cressida Ross sa lahat ng student. Ngayon palang naiiyak na ako sa mangyayari sa akin. Tingin ako nang tingin kay Mcaiden, umaasang sasaklolohan niya ako pero parang wala siyang balak na gawin ‘yon. Sigawan at palakpakan ang mga student. Panay na rin ang sagot nila ng oo kay Cressida. “Here we go, I’m starting now. I’ll shower her with all sorts of food. You’re such a damn girl!” galit na sigaw ni Cressida Ross at saka ako binato ng supot na may lamang kape. Mainit-init pa ‘yon kaya napasigaw agad ako sa sakit. Tumama ito sa mukha ko at doon pumutok at sumaboy ang buong kape. Agad itong kumalat sa mukha at katawan ko. Ang sakit pa nang pagkakatama niyon sa mukha at ilong ko. “Tama na, please!” sabi ko habang parang nahihilam sa kape na pumasok na rin sa mata ko. “Hoy, gaga, nag-uumpisa palang ako. Marami pang laman itong supot ko oh,” sagot ni Cressida at supot naman ng spaghetti ang binuksan niya. Binuhos niya ito sa ulo ko. Mukhang pinadagdagan pa niya ito ng sauce kasi tumutulo sa buong mukha ko ang lahat ng sauce. Ang iba ay pinahid pa niya sa suot kong uniform. Pagkatapos niyon, cake naman at tinapal niya sa buong mukha ko. Pati ang buhok ko ay hindi niya pinalampas. Dinig na dinig ko ang tawanan ng lahat ng student. Awang-awa ako sa sarili ko kasi dinanas ko agad ang ganitong pambu-bully sa unang araw ng pasok ko dito sa Vanguard University. Tinanggap ko na lang ang halos sampung klaseng pagkain na pinaligo nila sa katawan ko. Hindi pa nakuntento ang tatlong bully, tinulak pa nila ako para madapa sa simento. Nakatingala ako sa kanilang lahat habang mangiyak-ngiyak. Iniwasan ko na lang nang tingin si Mcaiden na seryoso pa ring nakatingin sa akin kasi pati sa kaniya ay nahihiya rin ako dahil sa itsura ko ngayon. Wala manlang siyang ginawa para tulungan ako. Sa isang sabi lang kasi niya sa tatlong ito, tiyak na titigil sila at hindi na itutuloy ang plano nila sa akin. Pero wala, gusto niya ring manuod na pagkatuwaan ako kaya wala siyang ginawa. Dumating si Harvy. Sumigaw siya nang malakas na naging dahilan para matigil ang tawanan at sigawan. “Ano ‘to! Bakit ninyo ginanito si Taleigha?!” Nagulat ako kasi tinulak niya si Cressida Ross kahit na babae pa ito. Nabuwal tuloy ito sa simento. Lahat ng mga tumatawa ay natahimik at natigil dahil sa galit na si Harvy. “You’re already in college but your minds are still as small as mosquitoes. You’re all grown up but still engage in such foolish acts. Is this, are these the famous beautiful girls you all look up to here in our school? Where should they be admired, when what they’re doing is just foolishness? They’re bullying their fellow girls. Idiots!” Tinuro niya sina Kali at Briella. May natira pang isang supot ng pagkain sa simento. Pinulot niya iyon at akmang ibubuhos sa dalawa kaya nagtatakbo na sila palayo sa amin. Tumayo naman agad si Cressida. Pati siya ay tumakbo na rin. Ganoon din ang ibang student, naglayasan na rin. “You, you didn’t even do anything to stop them. You’re also stupid, Mcaiden. You son of a bítch!” galit na sabi ni Harvy kay Mcaiden nang makita niyang nakatayo pa rin ito sa may gilid ng puno. Hindi siya sumagot. Hindi niya inaway si Harvy. Patuloy pa rin siyang kalmado. Tinulungan akong tumayo ng mga kaibigan ni Harvy. Ang mga magaganda at mababait niyang babaeng kaibigan ang nagsama sa akin sa banyo para tulungan akong maglinis. Habang pinapaliguan nila ako, panay pa rin ang iyak ko. Panay din naman ang comport nila sa akin kaya hindi nagtagal ay naging okay na ako. Mabuti na lang at may extrang uniform si Calista. Siya na lang ang nagpahiram sa akin ng uniform para makapasok pa rin ako sa class namin. Nagpasalamat ako kay Harvy at sa mga kaibigan niya kasi hanggang sa classroom namin ay hinatid niya ako. Pumasok pa nga doon si Harvy para balalaan ulit ang tatlong bruha. Sinabi niya sa mga ito na sa oras na galawin nila ulit ako ay malalagot sila sa kaniya. Tumayo naman agad si Zeshawn. Sinalubong niya ako at inalalayang maupo sa upuan ko kaya nakatingin na naman ang lahat sa amin. Siyempre, bulungan na naman sila. “Huwag mo ngang lapitan ang loser na ‘yan, Zeshawn,” sabi sa kaniya ni Cressida pag-alis nila Harvy. “Shut up, Cressida. Hindi niyo dapat ginanoon si Taleigha. “Delete the videos you’re planning to spread on social media if you don’t want me to report you to your parents,” galit niyang sabi sa mga ito. “Sa akin, wala na. Bura na po.” “Sa akin din, Zeshawn, inalis ko na po.” “Same here.” “Inalis ko na rin ang akin.” “Masusunod po, crush.” “Tatanggalin ko na rin ang akin.” Ganito ‘yung hinihintay kong gawin kanina ni Mcaiden. ‘Yung isang sabi niya lang ay titigil na silang lahat. Ang laking tulong ni Zeshawn kasi ikakalat pa pala ng mga ito ang video ko habang binu-bully ako, kung hindi niya pinigilan ang mga ito, pati sa buong Pilipinas ay tiyak na pagtatawanan ako. “KJ ka, Zeshawn. Nagpapaka-hero ka sa loser na ‘yan,” natatawa namang sabi ni Aatos. “Don’t compare me to you, you lunatic and idiot,” sagot ni Zeshawn sa kaniya na kinagulat ng lahat. Tatayo na dapat si Aatos para awayin si Zeshawn, pinigilan lang siya ni Mcaiden. “Gago ka, Zeshawn. Dahil sa babaeng ‘yan mag-aaway pa tayo,” sabi na lang ni Aatos. “Next time, if I see anyone mistreating or bullying Taleigha, I will never forgive you,” banta ni Zeshawn sa kanila. Hinubad pa niya ang suot niyang jacket at saka pinasuot sa akin. Sigawan naman ang lahat dahil sa ginawa ni Zeshawn. Parang nainggit ang ilan o kinilig dahil sa kabaitang ginawa niya sa akin. Hindi talaga ako nagkamali nang pagkakakilala sa kaniya. Mabait talaga ang isang Zeshawn. “Taleigha?!” Sigaw naman ni Alvar na dumating din dito sa loob ng room namin. Lahat tuloy ng atensyon nila ay sa kaniya naman napunta. Sigawan din ang iba kasi pogi rin itong isa pang dumating para kumustahin ako. Hinanap ng mga mata niya ang puwesto ko. Nang magtama ang mga mata namin, agad siyang pumasok sa loob para lapitan ako. “Are you okay? I saw what they did to you. They did terrible things to you. But it’s okay. I saved the video. I will report them to the Chancellor. I will also send the video to the parents of Kali, Cressida, and Briella. So they can see what foolish children they have,” sabi ni Alvar kaya napatayo agad sina Aatos at Makali. “Gago ‘to ah!” sigaw ni Aatos. “Go ahead, come closer. Challenge me to a fight right now. I’ll make sure to smash your face into pieces!” pananakot ni Alvar sa kanila. Sa tangkad at laki ng katawan ni Alvar, ewan ko na lang kung lumaban pa silang mga bansot sila. “Tama na, huwag mong siraain ang mukha mo diyan,” sabi naman ni Makali na biglang nawala ang angas. “Ang sarap naman maging si Taleigha. Ang daming guwapong tagapagtanggol. Kanina si Harvy, sunod si Zeshawn, tapos ngayon si Alvar naman. Sana all na lang,” sabi ng isang kaklase namin kata napangisi ang ilan. Mabuti na lang din at may mga tagapagtanggol ako dito. Kung wala sila, wala na. Lalo siguro akong kaawa-awa dito sa school.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD