Chapter 16

1665 Words
Taleigha’s POV Nandito kami ngayon ni Calista sa dormitoryo. Pagkatapos ng orientation ay dito kami pumunta. Gusto daw niya kasing mag-ayos ng dorm niya kaya sinamahan ko na siya. Pinagbuhat pa nga niya ako ng iba niyang gamit na kinuha pa namin sa kotse niya. Kumuha siya ng solo na dorm dito sa Vanguard University kasi malayo ang inuuwian niya. Hindi niya kayang mag-uwian araw-araw kahit pa sabihing may kotse siya. Nakakamangha nga kasi parang hindi na dorm itong dorm dito sa school namin. “Ang laki at ang ganda nitong nakuha mong dorm. Parang bahay na rin. May mini sala, may bedroom, may banyo at may kusina na rin. Ang tanong, magkano ang kuha mo sa ganitong dorm dito sa school natin?” tanong ko kay Calista habang pinapanuod ko siya. Naglalagay na kasi siya ng mga damit niya sa cabinet niya rito. Sa totoo lang, parang nakakatakot kumuha ng dorm sa ganitong school. Sa gabi kasi ay parang nakakatakot. Kapag pa naman school, kinakatakutan kapag gabi kasi marami raw ligaw na kaluluwa ang lumilitaw. Alam ko namang kathang-isip lang iyon pero hindi ko pa rin maiwasang matakot. “My mom paid around five hundred thousand pesos for this dormitory. That’s already a year’s worth of p*****t,” sagot niya kaya nalula ako bigla. Hindi na ako nagtaka kasi Vanguard university ito. Baka nga sa kanila ay mura pa iyon. “Ang mahal pero okay na rin kasi maganda at malaki naman itong dorm mo,” sagot ko sa kaniya. Gusto ko sanang makitulog dito minsan kaya lang narinig ko kanina sa orientation na bawal magsama ang dalawang student sa iisang dorm. Kailangan may sariling dorm talaga ang bawat student. Gusto lang nilang kumita kaya bawal ‘yung may kasama sa iisang dorm. Grabe, saan naman ako kukuha ng kalahating milyon para makapag-dorm ako dito? Saka, hindi rin puwede kasi may trabaho pa ako sa manisyon. Mamaya nga after class ay need ko pang mag-work sa mansiyon. Nang maburyo na ako sa kakabantay kay Calista sa dorm niya, nagpasya akong mamasyal na lang mag-isa dito sa university namin kasi marami pa raw siyang gagawin. Nakakainis kasi two hours pa ‘yung bakanteng free time namin. Nagpunta ako sa malaking cafeteria namin dito. Ang daming masasarap na pagkaing mabibili roon kaya natuwa ako. Marami akong gustong ma-try pero sa ngayon ay magtitimpi muna ako. Mahaba-haba pa ang magiging aral namin dito kaya sigurado naman akong matitikman ko ang lahat ng pagkain dito. Pumunta rin ako sa library, ang laki at ang daming mga libro. Kapag may time ay doon ako tatambay para magbasa ng mga libro, sa ngayon kasi ay hindi pa ako makapag-stay dito dahil gusto kong maglibot talaga ngayong araw dito sa school namin. Bawat lugar nga dito sa school ay nagse-selfie ako kapag alam kong walang nakatingin na student sa akin. Mamayang gabi ay saka ko ito ipo-post para ipagmagara sa mga bashers ko sa street namin. Kahit kasi mga basher ko ang mga iyon, naka-follow sa akin ang mga iyon. Mga naka-follow lang kasi hindi ko ina-accept ang friend request nila. Hanggang sa makarating naman ako sa Research Centers at Laboratories. Ang laki at ang daming magagarang kagamitan dito. Tapos pumunta rin ako sa Sports Facilities. Lahat ng mga nadaanan kong ay pinapasukan ko para lang matapos ko ang dalawang oras na free time namin. Nung makabalik ako sa campus, dumami na naman ang mga student. Dito sila halos nakatambay lahat. Ayokong makihalubilo sa kanila kaya naisip kong balikan na lang si Calista sa dorm niya. Para rin makatambay ako doon kasi malamig dahil naka-aircon siya. Papasok na ako sa building ng mga dorm nang makita kong palabas naman doon si Alvar. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako. Akala ko hindi pa niya ako papansinin, kaya lang bumilis ang lakad niya para lapitan ako. Nakita ko rin na nakatingin sa kaniya ang ilang babaeng student. Mukhang gaya nila Mcaiden, marami na rin agad ang nagkaroon ng crush sa kaniya. Hindi na ako magtataka kasi guwapong-guwapo naman din talaga itong kaibigan ko. “What are you doing here, Taleigha?” tanong niya. “Did you really come here ba para makipagbati na sa akin?”dagdag pa niyang tanong. Inaya niya akong pumunta sa tahimik na lugar. Sa cafeteria kami tumuloy kasi kakaunti pa ang tao doon. Um-order siya ng kape at cupcake kasi hindi raw niya nakuhang mag-almusal kaninang umaga. Hindi raw kasi siya sanay kumain nang maagang-maaga. Habang kumakain na kami, doon ko na binulgar sa kaniya ang katotohanan. “Hindi kita ginala dito para makipagbati. Nandito ako kasi dito rin ako mag-aaral,” sabi ko sa kaniya. Muntik pa niyang mabuga ang iniinom niyang kape nang sabihin ko ‘yon. “Taleigha naman, alam mo naman mainit ang kapeng iinom ko tapos magpapatawa ka pa. ‘Yung totoo, bakit ka nga nandito? Ang layo-layo nito ginala mo pa talaga ako. Siguro miss mo na ako ‘no?” Hindi siya naniwala kay umirap ako at saka ko binuksan ang bag ko. Nilapag ko sa lamesa ang class schedule card ko. Agad naman niya itong dinampot at saka tinignan. Nang sa wakas ay makita niya ang pangalan ko at ang course na kinuha ko, doon na niya ako tinignan nang nanlalaki ang mga mata. “Ano, nagulat ka ‘no?” “Seryoso ba ito, Taleigha? Dito ka na rin mag-aaral?” tanong niya na para bang ayaw pa rin maniwala kahit na may pruweba na ako. “Oo, seryoso na nga ‘yan. Kaya maniwala ka na, please dahil naiinis na ako sa ‘yo, ginagawa mo akong siraulong sinungaling,” sabi ko naman. Kitang-kita ko tuloy sa mukha niya ang pagkatuwa kasi mukhang naniniwala na siya. “Sandali, paano? Hindi naman sa minamaliit kita, pero kasi hindi lang ako makapaniwala na nakapag-enroll ka dito. Friend naman tayo kaya magiging prangka na ako. Sa mahal ng tuition fee dito, hindi ko talaga inaakalang dito ka mag-aaral,” sabi niya. Hindi na niya tuloy makuhang uminom ng kape at kumain ng cupcake. Halatang nabigla siya sa binuglar ko. “Mga amo ko ang nag-enroll sa akin dito. Gusto nila ay sabay kaming mag-aral dito ni Mcaiden, iyon ang totoo kaya nakapag-aral ako dito,” sagot ko kaya agad namang nawala ang ngiti niya. “Tang-inang ‘yon, dito rin ba siya mag-aaral?” tanong niya habang nakakunot na ang noo. Bigla tuloy siyang napahigop ng kape niya. Napalaki rin ang pagkagat niya sa cupcake na para bang kitang-kita sa pagnguya niya sa tinapay na galit na naman siya. “Alvar, hindi ko talaga puwedeng sundin ang gusto mong mangyari. Kasi isa rin ito sa dahilan, pag-aaralin nila ako dito sa magarang school na ito. Sa school na pangarap ko rin talagang pasukan. Maka-graduate lang talaga ako, sige, susundin ko ang gusto mo. Aalis na ako sa pagiging katulong sa mansiyon na iyon at maghahanap na ako ng magandang trabaho. Pero sa ngayon, magtitiis na lang muna ako. Habang hindi pa ako tapos, magtitiyaga na lang muna ako sa pagiging kasambahay doon,” paliwanag ko sa kaniya. “Ako kasi ang hindi kayang magtiis kapag naiisip ko na binu-bully ka lang nung Mcaiden na iyon. Kuliling-kulili nga ang tenga ko sa pangalan nila kanina. Bukambibig sila palagi ng mga student. Sikat na sikat sila. Hindi ko naman inaasahan na ang Mcaiden pala na ‘yon ang anak ng mga amo mo na nambu-bully sa iyo ang Mcaiden na naririnig ko pangalan na maraming nagkaka-crush na babaeng student dito. Lalo tuloy akong naiirita ngayon sa kaniya,” sabi niya habang galit na naman sa pagnguya ng cupcake. Nagmumukhang badboy tuloy siya dahil sa istura ng mukha niya. “Pero masaya ako kasi dito ka rin mag-aaral. Feel ko ay mas madalas na tayong magkakasama kasi iisa lang ang school natin. Saka, may sasabihin nga pala ako. Puwede bang sa iyo na ako sumabay pumasok kapag magkasabay tayo ng oras nang pasok dito sa school?” tanong ko pero agad naman siyang umiling. “Ayoko nga, bakit hindi ka sa Mcaiden na iyon sumabay? Tutal gusto naman pala ng mga magulang niya na sabay kayong mag-aral, sa kaniya ka na sumabay at huwag sa akin,” iritado niyang sagot kahit ang totoo ay alam kong binibiro niya lang ako. Kinuwento ko sa kaniya ang ginawa ni Mcaiden sa akin kaninang umaga para maawa pa siya lalo sa akin. Para rin isabay na niya ako nang tuluyan sa pagpasok dito sa school. Mainam na rin kasi na makasabay ako sa kaniya para malibre ako ng pamasahe. “Gago talaga ‘yon. Mabuti na lang at mabait ang ate niya,” sabi niya habang gigil na naman ang mukha. “Kung ganoon ay, sige, sumabay ka na sa akin kapag sabay tayo ng oras nang pagpasok dito sa school, huwag ka nang sumabay sa lintek na ‘yon at baka sa susunod ay sa highway ka pa niya ibaba, mas kawawa ka kapag ganoon ang ginawa niya,” sabi pa niya kaya napangiti na ako. Mabuti na lang din ay okay na kami nitong bestfriend ko. Kahit pa paano, nakahinga na ako ng maluwag. Pagkatapos naming mag-usap at magkaayos, nagpaalam na siya kasi papasok na siya sa isang subject niya. Naiwan akong mag-isa sa cafeteria para tapusin ang kinakain kong cupcake. Nang palabas na ako sa cafeteria habang hawak-hawak ang pina-takeout kong kape kasi gusto ko sanang sa dorm na lang ni Calista ito iinumin ay bigla akong natapalok. Nadapa ako at aksidente kong naihagis ang hawak-hawak kong kape. Saktong pagkasubsob ko sa semento ay narinig ko ang malakas na sigaw ng isang maarteng babae. Agad tuloy akong napatingala upang tignan kung sino ‘yong natapunan ko ng kape. Namilog ang mga mata ko nang makita kong si Cressida Ross ang babaeng aksidente kong nahagisan ng kape. Kitang-kita ko ang mukha at buhok niya na punong-puno ng kape. Hindi totoo ‘to. Sa dinami-rami ng babaeng matatapunan ko ng kape, bakit siya pa?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD