Chapter 15

1759 Words
Taleigha’s POV Nagsigawan na ang mga student sa labas kaya mukhang nandiyan na sina Mcaiden. Napairap ako kasi tayuan naman tuloy ang ibang girls na kaklase namin. Tila mga excited ding makita ang mga ‘yon. Ang co-cool nilang tignan kanina nung pumasok ako kasi parang ang aarte nila, pero sa ginagawa nilang pagsigaw para lang makita ang mga mokong na ‘yon ay natatawa na lang tuloy ako. “I’m excited to see them, our handsome classmates are on their way to our classroom,” sabi naman ng katabi kong si Calista. Isa pa siya e. Sabagay, hindi ko rin naman sila masisisi kasi hindi pa naman nila kilalang lubos ang mga lalaking ‘yon. Nang mas lumakas pa ang sigawan ng mga student, alam kong nasa malapit na sila. Pati itong si Calista na nasa tabi ko nakitayo na rin para abangan ang mga bundol. Ako lang ata ‘yung walang pake na nakaupo pa rin. Nag-cellphone na lang tuloy ako kasi mas nakaka-enjoy pang mag-cellphone kaysa abangan at panuorin ang mga pasikat na iyon. Akala ko sa mga movie at palabas lang nangyayari ito. Pati pala sa mga ganitong bonggang school ay nangyayari. Nung elementary at highschool kasi ako ay wala namang ganitong mga ka-OA na student. Para silang mga patáy na patáy sa mga lalaking ‘yon. At dahil first day of school ngayon, nag-selfie na lang ako kasi ito na rin ang time para mag-post ako at ipagmalaki na dito ako mag-aaral sa Vanguard University. Unang selfie, maganda na agad. Ang galing din talagang mag-makeup ni Ate Micai kasi ang fresh ng look ko ngayon. Nag-post naman agad ako sa Starbook account ko. Naglagay ako ng caption na first day of school, tapos nilagay ko na rin ang location nitong school ko kasi ‘yon ang magpapaganda ng post ko. Tiyak na magugulantang ang mga dati kong kaibigan, mga ka-street at mga dati kong kaklase kapag nakita nila itong post ko ngayon. Magugulat sila na ang palaging outcast noon sa school ay nag-aaral na ngayon sa yayamanin na university na ‘to. Saktong tapos na akong mag-post nang pumasok na sila dito sa room namin. Gaya kanina sa gate, mga pa-cool pa rin ang mga ‘to hanggang dito sa room. Mga nakangiti at parang ang babait kung tignan. Nagtama ang mga mata namin ni Mcaiden. Nakakainis kasi patingin-tingin pa siya sa akin. Ako na nga itong umiiwas, siya naman itong parang nanunukso. Gusto kong umirap pero ako na lang ang umiwas nang tingin sa kaniya kasi naiirita ako sa pag-iwan niya sa akin kanina. Humanda talaga siya mamaya sa mga magulang niya kapag nagsumbong na si Ate Micai. “Hala, hindi ba ako namamalik-mata, nakatingin ba sa ‘yo si Mcaiden?” tanong sa akin tuloy ni Calista. “Hindi, baka namamalik-mata ka lang,” sagot ko naman sa kaniya. Hindi nila dapat malaman na magkakilala kami ni Mcaiden. Ayokong magkaroon ng haters, lalo na’t sikat pala ang mokong na ‘yon. Napatingin naman ako kay Zeshawn, nagulat ako nang bigla siyang ngumiti at kumaway sa akin. Napatingin ang lahat sa akin dahil sa ginawa niya. Nagulat silang lahat kasi kumaway at ngumiti sa akin si Zeshawn. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko. Nakakahiya naman kung hindi ko siya papansinin kaya ngumiti na lang din ako at saka kumaway sa kaniya. “Oh, my gosh! Magkakilala kayo ni Zeshawn?” tanong na naman ni Calista habang parang kumikinang ang mga mata niya. “Sandali nga, Taleigha, sino ka ba at ano bang mayroon ka magkakilala kayo ni Zeshawn? Siguro napakayaman mo rin,” dagdag pa niya kaya doon na ako kinabahan. Ito ang dahilan kung bakit ayoko sanang makita nila na parang kilala ko ang mga heartthrob na ito. Paano na lang kapag nalaman nila na kasambahay lang ako nila Mcaiden. Yes, tama naman ang sabi ni Harvy noon na hindi dapat ikahiya ang ganoong trabaho kasi marangal naman na trabaho ang mayroon ako. Kaya lang hindi sa lahat nang pagkakataon kasi ay kayang umunawa ng mga tao. Dito sa school na ito ay parang ang nakikita ko ay pasosyalan, pasikatan at payamanan. Mukhang marami rin sa paligid ang mga bully kaya sobrang nakakatakot kapag nalaman nila na kasambahay lang ako nila Mcaiden. Kung maaari nga ay ayoko na lang magdidikit sa mga sikat na ‘to kasi baka kung ano pang mangyari sa akin. “Hindi ‘no, Calista. Hindi ako sobrang yaman. Mayaman lang ako sa kabaitan, iyon lang ‘yon,” sagot ko na lang sa kaniya. “She’s so lucky. I wonder how it feels to be smiled at and waved at by someone like Zeshawn?” dinig kong sabi ng isang kaklase namin na hindi naman namansin kanina. Ngayon nakatingin siya sa akin na parang gusto na akong batiin. “Saka, nakita ko rin na nakatingin sa kaniya nang matagal kanina si Mcaiden. Hindi ako puwedeng magkamali, siya rin ‘yung tinignan ni Mcaiden. Sino ba kasi siya? Bakit hindi ata natin siya kilala? Mukhang ka-close pa naman siya ng mga heartthrob na ‘yan?” dinig ko namang tanong ng isang kaklase rin naming babae. “Maybe she’s Zeshawn’s girlfriend? Oh, no! That can’t be. She doesn’t seem sophisticated enough,” dinig kong sabi naman ng isa sa kanila. “Girl, look at her clothes, bag, shoes. They seem like luxury items, so it’s possible that she’s Zeshawn’s secret girlfriend,” sabi naman ng isa sa kanila. Lalo na akong napasama. Napagkamalan pang girlfriend ni Zeshawn. Mga baliw ba sila? Nakuha ko na rin tuloy ang atensyon ng iba dahil sa ginawa ni Zeshawn. Kinikilatis na rin nila pati ang mga suot at gamit ko. Mabuti na lang pala at ‘yung mga bigay na damit at gamit ni Ate Micai ang sinuot at ginamit ko ngayon. Hindi ko naman kasi alam na ganito sila kagaling kumilatis ng mga luxury items. Pero nakakatuwa rin si Ate Micai dahil mga luxury items pala itong mga pinagbibigay niya sa akin. Lalapit sana sa akin si Zeshawn pero bigla akong tumayo. Pumasok ako bigla sa loob nitong comport room namin. Ni-lock ko ang pinto para hindi niya ako masundan. Dapat muna akong umiwas sa kanila sa ngayon. Gusto ko ng tahimik. Ayokong makihalo sa mga pagiging famous nila. Humarap na lang muna ako sa harap ng salamin nang matagal. Inayos ang sarili ko habang nandito ako. “Hey, Taleigha, come out there. Our professor is here, and all our classmates are already seated,” sabi ni Calista habang kumakatok sa pinto ng banyo. Hindi ko namalayang inabot na pala ako ng ilang minuto dito sa loob ng banyo. Paglabas ko, tahimik na ang lahat. Nakatingin na rin sila sa prof namin. Naupo na kami sa upuan namin ni Calista. Tinignan ko sina Mcaiden, seryoso na rin silang nakatingin sa harap. Tinignan din ako ni Zeshawn pero umiwas na ako nang tingin sa kaniya para tumigil na rin siya. Hindi na rin kasi natigil ang pagtingin sa akin ng mga kaklase namin. Maya maya, mag-uumpisa na sanang magsalita ang prof namin nang biglang dumating ang tatlong magaganda at sexy na mga babae. Pa-main character ang atake ng mga ito nang pumasok sa loob ng pinto ng class room namin. “Ayan na sila,” sabi ni Calista na nakangiwi ang mukha. Nakangiti ang mga ito na tumingin sa buong classroom. Umikot ang mga tingin nila hanggang sa huminto sa mga heartthrob. Lalong lumawak ang ngiti nila sa mga ito kaya napapangisi tuloy ako. Gaya lang din sila ng iba na parang mga uhaw na uhaw sa atensyon ng mga lalaking iyon. “Hello, Mcaiden, Aatos, Makalu at Zeshawn,” bati ng babaeng blonde ang buhok. “Ayan si Kali Revamonte. Ang numero unong bully queen,” bulong sa akin ni Calista. Mas inuna pa talaga nilang batiin ang mga mokong kaysa sa prof na nasa harap na namin. Kung ako ‘yan hihingi agad ako ng sorry kasi late na akong dumating dito. Kaya lang, parang wala silang nakikita sa harap kung mga umasta sila. Lumakad pa sila papalapit sa mga heartthrob na para bang nasa fashion show. Ang gaganda ng mga suot nilang damit. Ayos na ayos ang mga mukha at buhok nila. Para silang mga model sa sobrang ganda at sexy ng mga katawan nila kaya confidence silang mag-agaw eksena sa prof na nasa harap na naming lahat. “Kinakabahan na talaga ako sa room na ito. Sa tingin ko, dapat na ata akong magpalipat ng ibang section,” sabi pa ni Calista. “Girls, come on, please sit down, and I’ll start speaking,” sita sa kanila ng prof pero hindi manlang nila ito pinansin. Patuloy lang sila sa pag-uusap nila Mcaiden na para bang nagsalita sa hangin ang prof namin. Bastos din ang mga pasikat na heartthrob na ‘to. Hindi rin nila iniintindi ang prof. Si Zeshawn lang talaga ang matino sa kanila. Nakikita ko kasi na sinasaway niya ang mga ito habang tumuturo sa prof namin. “Hey, what’s going on? I said sit down and I’m about to start speaking! Are you all being rude? Well, that kind of behavior is not acceptable here at the university!" sigaw na ng prof sa kanila kaya natigil na tuloy sila. “Chill manang, nagagalit ka naman agad diyan,” sagot sa kaniya nung long curly hair. “Ang bastos din nitong si Briella,” bulong ni Calista. Kilalang-kilala na rin niya ang mga pangalan ng mga bruhang ito. “Hey, I’m not a manang. I’m a professor here. You’re being rude. Go outside. I don’t need disrespectful students like you!” galit na sabi sa kaniya ng prof namin kaya napapailing na lang tuloy kami. Mabuti nga sa kaniya. Sobrang bastos niya kasi, e. “Okay. I don’t want to be here in the room right now while listening to these pointless rules and regulations of this school. It’s too boring to listen to things like that,” sagot pa nito sa prof namin kaya nagugulantang nalang tuloy kaming lahat. “Hey, Kali and Cressida, let’s just meet outside later. I don’t want to be here, there’s a noisy old lady!” sabi pa niya kaya napapailing na lang din ang prof namin. Grabe ang pagkabastos niya. On the very first day of school, Briella already showed her attitude. Paano pa kaya kapag ito nang sina Cressida at Kali ang nagmaldita. Idagdag pa sina Mcaiden, Aatos at Makalu. Pakiramdam ko parang nagsama-sama na ang mga demonyo dito sa classroom namin. Natatakot na rin tuloy ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD