Taleigha’s POV
Naglakad ako at sumingit sa mga babaeng student na nagkakagulo dito. Pagdating ko sa may bandang gitna, natanaw ko ang apat na lalaki. Seryoso ba sila? Sila lang pala ang tinitilian ng mga ‘to. Para silang mga tanga.
“Mcaiden Calvry is really handsome. I only used to see him on social media before, but now, I see him every day. I have a huge crush on him!” dinig kong sabi ng isang nerd na babaeng tila bulateng inasnan ng asin sa kakakibot dito sa harap ko. Kung alam niya lang ang tunay na ugali ng lalaking ‘yan, ewan ko na lang kung magka-crush pa siya diyan.
“Look at Aatos Sison, he’s really hot and hunky in person. Just by his stance alone, he looks extremely cool. He seems like a bad boy but he’s incredibly attractive to me. It’s like I’ve seen the man I’m going to marry,” dinig ko namang sabi ng isang babaeng blonde ang buhok na sobrang kapal ng makeup. Naalala ko, bastos din ang isang ‘yan. Ayoko rin sa lalaking ‘yan. Feel ko ay wala silang pinagkaiba ni Mcaiden. Parehong gago.
“Makalu Vincente is my top pick among the four of them. He’s so handsome! He looks serious, like he wouldn’t do anything wrong. Just to taste him, I could leave this world,” sabi naman ng isang babaeng mukhang rakista, itim na itim kasi ang pormahan niya tapos mukha pa siyang panda sa kapal ng itim niyang eyeshadow. Yes, I agree, pogi rin itong si Makalu, pero hindi ko pa siya masyadong kilala. Pero feel kong may tinatago rin itong kawalangyaan. Nakakatakot kasi siyang ngumiti.
“Sa inyo na silang lahat, dito na lang ako kay Zeshawn Mallari. Siya ang pinaka-angat sa kanilang apat. Siya ang pinakapogi, pinakamabait, pinakamagalang para sa akin,” sabi naman ng isang babae na nasa gilid ko. Sa lahat ng narinig ko sa kanila, parang sa kaniya ako sang-ayon. Tama naman kasi siya. Mas angat nga naman si Zeshawn sa kanilang apat. Siya lang kasi ang pinakamatino, mabait at magalang.
Nang makita ko na kung anong pinagkakaguluhan nila, umalis na ako doon kasi ang OA lang pala ng mga student dito. Akala ko mga artista na ang pinagkakaguluhan nila, silang apat lang pala. Feel ko nasayang lang ang ilang minuto ko roon.
Pero hindi ko inaasahang ganito pala kasikat ang bundol na Mcaiden na ‘yon. Parang mas natakot pa tuloy ako sa mga maaari niyang magawa sa akin. Baka gamitin pa niya ang mga fans niya rito para ma-bully pa ako ng husto. Huwag naman sana.
Naglibot na lang ako ulit sa school habang maaga-aga pa. Nagtanong-tanong ako sa mga student na nakakasalubong ko kung saan ba ang building ng mga student na kumuha ng course na Business administration. Tinuro naman nila sa akin iyon kaya hindi na ako nahirapan.
Habang papunta ako sa building namin, patingin-tingin ako sa mga student dito na nakakas. Walang-wala ang suot ko sa mga suot nila. Actually, parang fashion show ang first day of school na ito. Ang gagara ng mga suot nila. Pagaraan ng dress, t-shirt, pantalon, bag, sapatos, alahas at ng makeup. Kahit saan tuloy ay napapatingin ako. Siguro nga ay ganito na ang normal na eksena sa mga ganitong school. Pero may iilan pa rin naman na gaya ko na simple lang. Kung may makeup, sobrang light lang. Pero ang dami ring cute na lalaki dito. Nakakatuwa na kung minsan ay tinitignan nila ako. Ang daming ring mga magagandang babae. May nang-iirap na nga agad pero may ngumingiti rin.
Hindi lang ako sa mga student na-a-amaze kundi pati na rin sa mga matatas na building na mayroon dito. Pagpasok ko naman sa loob ng building namin, tumambad sa akin ang mga malalawak at mahahabang hallway na may nagkalat na ring mga student. Ang lamig kasi pagpasok mo palang ay naka-aircon na. Ang galing nga kasi may mga kaibigan na agad ang ilan sa mga student na nakikita ko dito. Siguro sila ‘yung mga magkakaklase nung highschool tapos nag-usap-usap na sama-sama pa rin kapag nag-college na. Mayroon ding gaya ko na tahimik na mag-isa lang na naglalakad. Gaya ko rin na nagto-tour din dito sa loob ng building.
Nakakakaba at nakaka-excite ang ganitong experience. ‘Yung tipong nandito na ako ngayon sa city, wala na sa probinsya. Kaya sigurado akong mga kakaibang student talaga ang makaka-encouter ko dito.
“Guys, alam niyo ba na Business administration din ang kinuhang course nung mga bruhang sikat na mga malditang bully?” dinig ko sa isang babae na nag-uusap sa likuran ko. Napabagal tuloy ako sa paglalakad para makinig.
“Totoo ba? Baka naman fake news lang ‘yan?”
“Seryoso, totoo na nga raw talaga. Dito sa building na ito natin makikita ang mga bully na sina Cressida Ross, Briella Montero at Kali Revamonte.”
“Fvck, hindi magandang balita ‘yan. Dapat tayong umiwas sa mga ganiyang klaseng mga tao.”
Hindi ko na lang inintindi ang mga pinagsasabi nila kasi mas nagtuon ako ng pansin sa paligid. Sinisilip ko ang mga room kasi ang ganda rin ata sa loob ng mga room dito.
Kinuha ko na tuloy sa loob ng bag ko ang printed class schedules ko para makita ko kung saang room ako ngayon. Ngayong alas otso ng umaga ay orientation program muna pala. Ang room namin para sa orientation program ay matatagpuan sa ikalimang palapag nitong building kaya sumakay ako sa elevator para makarating doon.
Pagbukas ng pinto ng elevator, tumambad sa akin ang mas maraming student. Nakakatuwa silang tignan kasi ang sasaya nila. Naglakad ulit ako sa hallway hanggang sa makarating ako sa harap ng room namin. Nagulat ako kasi sobrang daming student dito sa tapat ng room namin. Feel ko tuloy ay sila na ang mga kaklase ko. Pero kung sila na nga ang mga kaklase ko, bakit nasa labas pa sila at hindi pa pumasok sa loob?
Nung una ay nahihiya pa ako kaya sumilip muna ako sa bintana para makita ang loob ng room namin. Pagtingin ko sa bintana ay marami-rami na ring student ang nakaupo doon. Kaya bago pa ako mawalan ng upuan, pumasok na rin ako sa loob. Nung buksan ko na ang pinto, lahat sila ay nakatingin sa akin. Ngumiti ako kahit hindi ko pa sila kilala upang ipakita na hindi ako bad girl, mabait ako pero may iilan na walang pake. May iilan din naman na ngumiti sa akin. Naghanap ako ng upuan na gusto kong upuan.
Pag-upo ko sa upuan ko, bigla akong kinausap ng katabi kong babae na kulot ang buhok na nakasuot ng eye glasses. Itsura palang ay nerd na ang tingin ko sa kaniya/ “Hi,” bati niya sa akin. Maganda naman siya, ‘yung salamin at kulot na buhok niya lang ang parang nagbibigay ng nerd awra sa kaniya.
“Hello,” sagot ko naman. Mukha naman siyang mabait kaya nakipag-usap na rin ako.
“I’m Calista Bride,” pagpapakilala niya saka nilahad ang kamay niya sa akin.
Tinanggap ko naman ang kamay niya kasi confirm na okay ang isang ‘to. Ramdam ko na magiging friend ko siya sa una palang kaya nakuha niya agad ang loob ko. “Ako naman si Taleigha Sandovez,” pagpapakilala ko na rin sa kaniya.
“I’m happy na may tumanggap din sa kamay ko. Ang dami ko na kasing kinausap sa kanila pero tila ayaw nilang makipagkilala sa akin. Ang daming maarte sa mga kaklase natin kaya mag-ingat ka sa kanila,” sabi niya kaya nalungkot ako bigla. Kaya pala ang dami sa kanila na hindi manlang ngumiti nung mag-smile ako sa kanila kanina.
“Ah, matanong ko lang, Calista, kaklase din ba natin ‘yung maraming student na nasa labas?” tanong ko naman sa kaniya. Kanina pa kasi ako curious kung bakit mga nakatambay pa silang lahat doon.
Umiling siya at saka ngumiti. “Hindi, mga nag-aabang lang ang mga iyan kasi kalat na sa buong university na dito ang room ng mga hearthrobs na sina Mcaiden, Aatos, Makalu at Zeshawn, kaklase natin ang mga sikat ng guwapong ‘yon kaya dapat na maging masaya ka,” sabi niya kaya natawa naman ako. Kung alam niya lang ang mga ugali ng mga ‘yon, hindi rin siya dapat matuwa. Kung si Zeshawn lang ang naging kaklase namin, oo, mas matutuwa pa siguro ako.
“Mas masaya ako kung hindi,” biglang sagot ko sa kaniya kaya nagtaka siya.
“H-ha? H-hindi mo ba sila kilala?” tanong niya tuloy.
Kilalang-kilala ko na. Kaya nga mas gusto kong hindi na dapat sila naging kaklase ko e. Kasi problema lang ang hatid nila. Hindi ako mag-e-enjoy kung kasama ko sa room na ito ang bully lord na si Mcaiden.
“Maiba tayo, Calista. Gusto kong mag-tour mamaya dito sa school natin. Kapag free time natin, gala tayo sa buong university?” aya ko sa kaniya. Ayoko na rin kasing pag-usapan sina Mcaiden at kapag sila kasi ang naiisip ko, ina-anxiety ko kaya iniba ko na ang topic.
“Guys, totoo ang balita,” sabi bigla ng baklang pumasok sa room namin. Naagaw niya tuloy agad ang atensyon naming lahat. “Kaklase din pala natin sina Cressida Ross, Briella Montero at Kali Revamonte,” sabi pa niya na agad namang kinagulat ng lahat.
“No!”
“Joke lang ‘yan ‘no?”
“Hindi puwede. Hindi magandang joke ‘yan, accla!”
“Guys, totoo. Tinanong ko na ang isa sa mga staff ng university, legit na magiging kaklase natin silang tatlo,” sabi pa niya kaya lalo na silang naging maingay.
“Oh my, gosh. Katapusan na nating lahat, Taleigha,” sabi naman ni Calista kaya nagtaka na rin ako.
“B-bakit? Anong mayroon sa tatlong ‘yon?” tanong ko tuloy sa kanila habang nakakunot ang noo.
Umiling-iling siya tapos parang namutla ang mukha niya. Pakiramdam ko tuloy ay dapat na rin akong kabahan at matakot.
“Sila ‘yung mga sikat na magaganda nga, pero grabe naman mam-bully. Wala silang kinakatakutan. Lahat ng trip nilang pag-trip-an ng student, pagti-trip-an nila hanggang gusto nila. At ang alam ko pa, kada mag-aaral sila sa isang school, naghahanap sila ng favorite nilang student na bu-bully-hin nila hanggang sa maka-graduate sila o hanggang sa matapos ang school year. Ganoon kalala ang kamalditahan nila,” sabi niya kaya tuluyan na akong natakot.
Si Mcaiden palang natatakot na ako, tapos may tatlo pa palang mas grabe.
Oh, lord, gabayan niyo po sana ako sa school na ‘to. Ilayo niyo po ako sa mga taong sasaktan at ipapahamak ako.