Taleigha’s POV
Naalimpungatan ako nang makaramdam ako ng uhaw. Pagdilat ng mga mata ko, naramdaman ko ang masakit kong ulo. Doon ko na lang napagtanto na nasa kuwarto pala ako nila Manang Beth. Tumingin ako sa paligid, wala ni isa dito, lahat sila ay wala na at mukhang umuwi na. Agad kong dinukot ang cellphone sa bulsa ko. Pagtingin ko sa orasan, alas dos na pala ng madaling-araw.
Lumabas ako doon para pumunta sa kusina kasi uhaw na uhaw talaga ako. Nagugutom din ako kasi kanina, hindi manlang ako nakatikim ni isang pagkain sa mga handa ni Sir Riven. Kung may natikman man ako, wine lang na bigay ni Zeshawn. Tama, nalising nga pala ako kanina dahil sa wine na binigay ni Zeshawn. Oh, my God. Ano kayang mga nagawa ko kanina habang lasing ako? Sana wala naman. Ah, siguro inalagaan at inalalayan ako nila Manang Beth kaya ako naroon sa silid nila.
“Oh, Taleigha, gising ka pa pala. Kumusta ang pakiramdam mo? Hindi ka na ba lasing?” tanong ni Ate Micai na nakapantulog na. Mukhang hindi manlang siya nalasing.
“Nagising ako kasi nauuhaw ako,” sagot ko sa kaniya. “Ah, Ate Micai, wala naman siguro akong ginawang hindi maganda kanina habang lasing?” tanong ko pa sa kaniya.
Ngumiti siya at saka tinapik ang balikat ko. “Actually, may ginawa kang maganda kanina. Proud ako sa ginawa mo kanina kaya natutuwa ako sa iyo kanina,” sabi niya kaya napangiti naman ako.
“Mabuti naman po pala. Salamat kung ganoon.”
“Ay, teka, hindi ka pa kumakain ‘no? Parang hindi kasi kita nakitang kumain kanina. Sabi rin kasi ni Harvy kanina ay hindi ka raw sumabay sa kanila na kumain. Pero, kumain ka na nga ba?” tanong niya sa akin.
“Nanunuod ako kanina ng fireworks nang makita ko si Zeshawn sa garden. Kinausap niya ako. Mabait ‘yon sa mga kaibigan ni Sir Mcaiden kaya nakipag-usapan naman ako. Inabutan niya ako ng wine glass. Sa anlig ko sa panunuod ng fireworks, natungga ko tuloy ‘yung wine na bigay niya. Hindi ko naman inaasahang malakas pala ang tama nung wine na kinuha niya. Ayon, kaya hindi ako nakakain, dahil nalasing ako sa wine na ‘yon,” kuwento ko sa kaniya kaya natawa siya.
Nakakahiya kasi pinag-ready niya ako ng pagkain ko. Sabi ko nga ay ako na ang gagawa niyon kasi kaya ko naman. Pero hindi siya pumayag. Pinaupo niya lang ako at siya naghanda ng mga food ko.
Nang ready na ang mga pagkain, sinabayan pa niya akong kumain kasi ang totoo, gaya ko pala ay nagising lang din siya dahil sa uhaw. Nagutom na rin daw siya kasi ang totoo ay hindi rin siya kumain kanina dahil sa kakaasikaso sa mga kaibigan at kaklase niya.
“Taleigha, nakuha mo ang loob ni Harvy ah. Hindi ko inaakalang magiging ka-close mo siya. Sa lahat pa naman ng kaibigan ko, siya ang seryoso, suplado, masungit at palaban,” sabi ni Ate Taleigha kaya nagulat ako.
“Ha? Totoo po ba ‘yan? Parang hindi naman po ata ganiyan si Harvy. Ang bait-bait nga po niya e,” sagot ko sa kaniya.
“Naging kaibigan ko siya sa school. Kahit hindi kami naging magkaklase dahil mas matanda ako, naging magka-close kami kasi siya ang nagturo sa akin na mag-edit ng mga vlogs ko. Oo, siya ang nag-message sa akin nun nang maghanap ako ng editor. Ang galing nga niya kasi ang dami niyang alam sa pag-e-edit ng mga video. Marami akong natutunan sa kaniya. Hanggang sa ayon, naging magkaibigan na kami,” kuwento niya habang abala naman ako sa pagkain. Ang sasarap kasi nung mga food.
“Siguro rich kid din po si Harvy?” tanong ko pa sa kaniya. Imposibleng hindi kasi hindi naman din siya magiging kaibigan nitong si Ate Micai kung hindi siya mayaman.
“Yes, mas mayaman iyon kaysa sa akin,” sagot niya saka nilulon ang pagkaing nasa bibig niya. “Anak ng senador si Harvy, Taleigha. Bukod doon, may pagawaan pa sila ng mga eroplano. Biruin mo ‘yon, eroplano. Ganoon sila kayaman,” sabi pa niya kaya nagulat ako. Ang gusto ko kay Ate Micai, kung makipag-usap siya sa akin parang magkaibigan lang din kami.
“Grabe, ganoon pala kayaman si Harvy. Biglang tumaas ang balahibo ko tuloy. Pero, Ate Micai, sobrang bait niya. Pinagtanggol niya kasi ako kanina kay Sir Mcaiden nung dapat ay paliliguan na naman niya ako ng tubig gamit ang hose sa garden. Kung hindi siya dumating, baka nasira ang makeup at gown ko,” sabi ko na rin sa kaniya. Maganda na rin na alam niya ang nangyari kanina para pagalitan niya ulit si Mcaiden na bundol.
“Pero, sandali lang. Hindi mo ba talaga naaalala ang ginawa mo kanina?” tanong niya kaya nahinto tuloy ako sa pagsubo ng pagkain ko. Napatingin tuloy ako sa kaniya at saka napaisip. Ano nga bang nagawa ko?
“Ang huling naaalala ko lang kasi ay ‘yung kausap ko si Zeshawn sa garden, nung malasing ako, wala na. Hindi ko na alam ang sunod na mga nangyari,” sagot ko sa kaniya. Wala naman kasi talaga akong naaalala. Ano bang ginawa ko kasi? Kinakabahan tuloy ako.
“Ang totoo kasi ay inaway mo si Mcaiden kanina. Sinabihan mo siya ng bububwit kaya galit na galit siya sa iyo. Mabuti na lang at nandoon ako nung gawin mo ‘yon kaya naawat ko siya nung gusto ka na niyang sugurin,” sabi pa niya kaya lalo ko nang nabitawan ang isa pang tinidor.
“Hala, ginawa ko po ‘yon? Hala, Ate Micai, lasing lang ako. Hindi ko naman talaga gustong sabihin sa kaniya ‘yon. Ate, tulungan mo ako. Natatakot ako sa kaniya. Baka kung anong gawin sa akin ng kapatid mo,” sabi ko sa kaniya.
Ngumiti siya at saka hinawakan ang kamay ko. “Huwag kang mag-alalala, akong bahala sa iyo,” sagot niya kahit ang totoo ay kinakabahan pa rin ako.
Nag-decide ako na dito na magpalipas ng gabi. Tinuloy ko na lang ang tulog ko sa kuwarto nila Manang Beth. Day off ko bukas, kaya puwedeng sa umaga na lang ako umuwi. Binigyan na rin ako ng damit ni Ate Micai kaya bago ako matulog ulit ay nagbihis na rin ako.
**
Alas nuebe na ng umaga nang magising ako. Tinapik lang ako ni Manang Beth kaya ako magising. Sinabi niya na umuwi na raw ako kasi kagabi pa ako hinahanap nila nanay at tatay. Pagkagising ko, naghilamos lang ako at pagkatapos ay umalis na rin ako sa mansiyon. Nasa labas na ako ng mansiyon nang biglang dumating ang kotse ni Sir Mcaiden. Huminto ito at saka niya binuksan ang bintana ng kotse niya.
“Gising na pala ang matapang naming yaya,” sabi niya. Halatang lasing pa siya. Siguro ay kakauwi lang niya galing sa gimikan. Nakita ko pa na si Zeshawn ang driver ng kotse niya.
“Sorry kung may mga nasabi ako kagabi nung lasing ako,” sabi ko agad sa kaniya.
“Anong sorry, humanda ka. Tandang-tanda ko ang mga sinabi mo sa akin. Lasing lang ako ngayon kaya hindi ako makababa, pero sa oras na maging matino na ulit ako, humand—”
Hindi na natuloy ang sasabihin niya kasi bigla nang binaba ni Zeshawn ang bintana at saka pinaandar ang kotse papasok sa loob ng mansiyon. Natawa na lang tuloy ako kasi alam ni Zeshawn na maoy na ang kaibigan niya. Imbis matakot ay tatawa-tawa na lang tuloy ako habang pasakay na sa tricycle.
Day off ko, today, kaya sa ibang araw na lang tayo magtuos, Mcaiden.