Chapter 9

1309 Words
Taleigha’s POV Nung mag-agaw na ang liwanag at dilim, nag-start na talaga ang totoong party. Kumakanta na rin ngayon ang guest na sikat na rock band habang nag-start na rin ang pagpapaputok na fireworks. Marami na ang umuwi, ang mga natira na lang ay ‘yung mga bisitang gustong uminom at mag-party. Napanganga ako kasi sobrang ganda ng mga fireworks. Parang new year tuloy ngayon dito sa mansiyon. Ako namang si gaga, pa-main character kasi hindi ko pa talaga hinuhubad ang gown na sinuot ko kanina. Kasi naman, wala na akong pamalit na damit. Wala akong dalawang extra na damit. ‘yung kaninang sinuot ko naman na dami ay malibag na at pinagpawisan na kaya hindi ko na puwedeng suotin ulit. Naglakad pa ako sa may gitnang bahagi ng garden kasi mas kita dito ang fireworks. “You look amazing today,” sabi bigla ng isang lalaki na bigla ring nagsalita dito sa may garden. Nagulat ako kasi nakaupo pala sa mahabang bench itong kaibigan ni Mcaiden na seryoso at mukhang mabait. “Ikaw pala, pasensya ka na kung napadpad ako dito. Pinapanuod ko kasi ang fireworks,” sabi ko naman sa kaniya. “Ang sabi ko, you look amazing today. Ang ganda mo kanina sa stage. Hindi ko inaasahang kapag may ayos ka at maganda ang suot mong damit ay magniningning ka na parang bituin,” sabi pa niya. Sa tingin ko ay medyo tipsy na siya kasi parang lasing na itong magsalita. “Salamat, natutuwa ako na nagustuhan mo ang performance namin kanina,” sabi ko naman sa kaniya. “Maupo ka dito, nakakangawit kayang tumingala diyan habang nakatayo. Mas magandang manuod ng fireworks kapag nakaupo dito sa bench,” sabi niya kaya naupo na ako sa tabi niya. Tama siya kasi mas magandang manuod kapag nakaupo kaya napangiti tuloy ako lalo pag-upo doon. “Nakakatuwa na kahit pa paano, may isa sa mga kaibigan ni Sir Mcaiden na mabait. Ikaw tuloy ang pinaka guwapo lalo sa paningin ko sa inyong magkakaibigan,” sabi ko sa kaniya kaya nakita kong napangiti siya. “Kilala mo na ba ako at pinupuri mo na ako ngayon?” tanong niya kaya napatingin ako sa kaniya. Ang pagkakatanda ko, nabanggit na ni Mcaiden ang pangalan niya sa mall kahapon. “Oo, ikaw si Zeshawn ‘di ba?” sagot ko kaya lalo siyang napangiti. “Ang galing ng memorya mo, kahit kahapon mo palang narinig ang pangalan ko, natandaan mo na agad ako. Ang nice mo, Taleigha. Hindi ko tuloy ma-gets kung bakit binu-bully ka ni Mcaiden,” sabi niya kaya ako naman ang napangiti sa kaniya. Nakakatawa lang na maraming hindi gets kung bakit ako ginaganoon ni Mcaiden. Bakit kaya hindi maisip ‘yon ni Mcaiden? “Huwag kang mag-alala, pareho tayong hindi ko rin gets kung bakit binu-bully niya ako. Ang pagkakatanda ko, wala naman akong kasalanan sa kaniya,” sabi ko sa kaniya. “Oh, subukan mong uminom,” sabi niya sabay abot sa akin ng wine glass na hawak niya. Lasing na siya kasi random na ang mga pinagsasasabi niya. “Zeshawn, ayokong uminom. May work pa kasi ako,” pagtatanggi ko sa kaniya. “Hindi ka kasambahay ngayon, performer ka ngayon kaya wala ka ng work,” sabi niya saka kinuha ang kamay ko. Sapilitan niyang inabot sa akin ang wine glass niya. “Ayoko na rin kasing inumin ‘yan at may tama na ako. Kaya ako nandito ay para magpababa na rin ng tama ng alak,” sabi pa niya. Kinuha ko na lang ang wine glass at saka ako nag-stay dito para samahan siya. Halatang lasing na nga siya kaya wala naman sigurong masama kung samahan ko siya. Isa pa, wala rin naman akong kausap at ka-close sa mga bisita ngayon dito. Si Harvy, ayon, busy na sa pakikipag-usap kay Ate Micai at sa mga kaibigan nila, nag-iinuman na rin sila. Nakakahiya namang maki-bonding kaya naisip kong mapag-isa na lang. Hindi ko naman inaasahang matatangpuan ko dito si Zeshawn. Habang abala pa rin ang mga mata ko na nanunuod ng fireworks, hindi ko namalayan na tinutungga ko na pala ang wine glass na binigay ni Zeshawn. Masarap siya, matamis, kaya tinuloy-tuloy ko na ang inom. Ang hindi ko alam, malakas pala ang tama ng ininom kong ito. Kaya nang maramdaman kong umikot na ang paningin ko. Tumayo ako at saka humarap kay Zeshawn. “H-hoy, b-bakit hindi m-mo sinabing m-malalasing pala ako sa ilang lagok n-nitong w-wine?” Tumawa si Zeshawn. “Bakit mo kasi inubos, dapat isang lagok lang. Matapang talaga ‘yan. Ako nga nalasing e, ikaw pa kaya na babae?” Naupo ulit ako sa tabi niya. Hindi na ako nahiya nang isandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Kapag hindi ko kasi ginawa iyon ay bubuwal talaga ako dito. “Kasalanan mo ito kaya pasandalin mo muna ako sa balikat mo,” sabi ko sa kaniya pero tumawa lang siya. “Ikaw ang bahala,” sagot naman niya. ‘Yung fireworks sa langit, naging tatlo tuloy sa paningin ko. Tang-inang wine ‘yon, naliyo talaga ako ng husto. “Zeshawn?” “Yes?” “Kapag nag-aral na ako sa Vanguard University, puwede bang ipagtanggol mo ako sa mga bu-bully sa akin doon?” Ngumisi siya. “Doon ka rin mag-aaral?” “Oo, doon din ako in-enroll ni Ma’am Delia. Para raw may kasama si Sir Mcaiden,” sagot ko sa kaniya. “Sige, titignan ko kung hanggang saan ang makakaya ko. Si Mcaiden kasi, minsan hindi ko kaya. Pero, sige, gagawin ko ang makakaya ko para hindi ka niya mapag-trip-an ng husto. Kawawa ka rin naman kasi.” “Salamat, Zeshawn.” Maya maya, nakita kong nagtatakbo palapit sa akin si Manang Beth. Nang makita niyang dikit na dikit ako kay Zeshawn, bigla niya akong hinatak palayo doon. Narinig ko pa na humingi siya ng pasensya kay Zeshawn. Naamoy niya rin na lasing ako kaya inalalayan niya akong maglakad papasok sa mansiyon. “Bye, Zeshawn, see you soon,” sigaw ko pa sa kaniya. “Bye, Taleigha, good night,” sagot naman niya. Pagpasok namin sa mansiyon ay nakasalubong ko si Sir Mcaiden. Bigla naman akong pumiglas kay Manang Beth nang makita ko si Sir Mcaiden. “Hoy, lagot ka, hindi mo na ako mabu-bully sa Vanguard University. May magtatanggol na sa akin doonn,” sabi ko sa kaniya kaya nakita kong tumawa siya. “Lasing ka ba? Baliw na ‘to, lakas ng loob na maglasing at kausapin pa ako,” galit niyang sabi. “Pinainom ako ni Zeshawn ng wine. Doon kami uminom sa garden. At siya rin ang nangako sa akin na magtatanggol sa akin sa school natin kaya hindi mo ako maaapi doon, Mcaiden. Belat nga sa ‘yo.” “Pasensya na, Sir Mcaiden. Lasing na talaga siya, daldahin ko na lang sa room namin,” sabi ni Manang Beth at saka ako ulit hinila. “Bakit ba takot na takot ka doon, Manang Beth. Bubuwit lang naman si Sir Mcaiden, ah!” malakas kong sabi na narinig pa pala ni Mcaiden. “Anong, bubuwit? Anong akala mo sa akin, daga?!” galit na sabi ni Mcaiden kaya tumawa ako nang malakas. Lalapitan niya sana ako kaya lang biglang dumating si Ate Micai. “Hayaan mo na, Mcaiden, kita mo naman na lasing si Taleigha. Doon ka na sa labas ay asikasuhin mo lang ang mga kaibigan mo. Lasing na si Zeshawn, nakahiga na siya sa may bench sa garden,” dinig kong sabi sa kaniya ni Ate Micai kaya napangisi na lang ako aksi alam kong tiklop na agad siya pagdating sa ate niya. Paghiga sa akin ni Manang Beth sa kama ay nilamon agad ako ng dilim. Pero narinig ko pa ang sinabi niya bago ako makatulog. “Humanda ka bukas. Tiyak na lagot ka kay Sir Mcaiden.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD