Chapter 1

1683 Words
Taleigha’s POV Pinaalam ko agad sa nanay at tatay ko ang pagpapaaral sa akin ng mga amo ko sa Vanguard University. Mas tuwang-tuwa sila kaysa sa akin kasi dati, tuksuhan lang namin nila nanay na soon, kapag yumaman at sinuwerte kami sa buhay, doon daw nila ako pag-aaralin. Kasi, lahat talaga ng mga tao, lalo na ng mga mahihirap na gaya namin, Vanguard University talaga ang pangarap na pasukan. Kasi, sure na maganda na ang kinabukasan mo kapag doon ka nag-aral. Maraming trabaho ang maghahabol sa iyo, hindi mo na kailangan pang mag-apply sa kung saan-saan. Kaya ngayong matutupad na ang pangarap kong mag-aral doon, gagalingan ko talaga ang lahat para sa kinabukasan ko. “Dahil sa magandang balita na ‘yan, kakain tayo ng masarap na ulam ngayon, anak,” sabi ni nanay at saka ito naghain ng fried chicken at porkchop sa lamesa. “Oh, heto naman ang gravy, ako na ang gumawa para masarap lalo ang hapunan natin,” pagmamalaki naman ni tatay habang nagsasalin ng gravy sa mangkok sa lamesa. Sa bahay, kapag alam nilang pagod ako, sila na ang kumikilos. Pero kung minsan, kapag hindi naman ako pagod at kaya ko pang kumilos, tumutulong pa rin ako. Pare-pareho naman kasi kaming pagod dito. Si nanay namamasukang labandera, kahit maliit ang kita niya, nagsisipag pa rin siya. Ilang beses ko na siyang sinabihan na huwag nang gawin ‘yon kasi malaki naman sahod ko sa pamilyang Calvry, kaya lang matigas ang ulo niya, alis pa rin siya nang alis at lasyaw nang lasyaw para maghanap ng pamilyang lalabhan niya ng mga malilibag na damit. Si Tatay naman, pagod din sa pagiging konduktor ng bus. Pagod na, maliit din ang kita. Isa pa ‘yan, sinasabi ko na tumigil na sa trabaho niya, pero gaya lang din ni nanay, matigas din ng ulo. Sa tingin ko kasi ay parang nasanay na lang din sila sa mga ganoong ginagawa nila. Na kapag nasa bahay lang sila at walang ginagawa, nanlalata lang daw sila. “Teka nga po, nasaan na naman ba si Kuya Richmond?” tanong ko sa kanila. “Eh, nasaan pa, eh ‘di nasa basketball court. Nandoon na naman at nagpapapansin sa mga babaeng nanunuod kapag may game,” sagot ni tatay habang napapailing. “Natanggap na po ba siya sa in-apply-an niyang trabaho? Akala ko ay papasok na siya sa pagiging service crew diyan sa bayan?” tanong ko pa. Sinabihan ko kasi siya na huwag puro hingi ng pera sa amin nila nanay at tatay, dapat magtrabaho na rin siya para may pangtustos siya sa mga nagiging girlfriend niya na panay uto lang naman sa kaniya. Ang ending kasi kapag wala siyang work, sa amin nanghihingi nang pang-date nila. Sa amin nanghihingi ng pambili ng bulaklak at chocolate. Pero, kahit ganoon si Kuya Richmond, mabait naman siya at hindi gaya ng ibang tambay diyan na basag-uloero. Ang pangit nga lang sa kaniya ay tamad, ayaw pang magtrabaho kahit tapos naman siya ng kursong HRM. “Uy, sakto, kakain na pala.” Speaking of the devil. Dumating na si Kuya habang basang-basa sa sarili niyang pawis. Naka-jersey siya kaya mukhang nakasali siya sa game ngayon. Sa galing kasi nitong mag-basketball, madalas napuprutesta siya ng mga kalaban. Kapag kasi si Kuya ay naging team mate mo na, sure ball na ‘yan. Automatic ay panalo na kayo hanggang sa huli. “Magpalit ka na at saka umupo dito,” sabi naman sa kaniya ni nanay. “Opo, sandali lang po,” sagot niya at saka ngumiti sa akin. Kinabahan ako, natatakot ako sa ngiti niyang iyon. Alam ko kasing may kailangan siya sa akin kapag ganoon ang mga ngitian. Nang nakaupo na kaming lahat sa maliit naming lamesa, nag-start nang mag-pray si tatay bago kami kumain. “Lord, maraming salamat po sa mga biyayang dumarating po sa amin. Lord, salamat din po kasi mag-aaral na ang anak ko sa school na pangarap niyang pasukan, sa Vanguard University—” “Wow, totoo po ba ‘yan?” putol ni Kuya sa dasal ni tatay kaya napadilat tuloy kaming lahat. “Oo, pero huwag ka munang magulo, nagdadasal si tatay o,” saway ko sa kaniya. “At sana po, Lord, makapatapos siya ng maayos at walang problema. Sana rin po, Lord, matanggap na sa work niya ang isa ko pang anak na si Richmond, nauubos po kasi ang ipon naming mag-asawa dahil sa kakahingi niya ng pera. At ingatan niyo po sana kaming lahat sa araw-araw na trabaho namin.” Pagkatapos magdasal ni Tatay, doon na ako inusap ni kuya. “Totoo ba iyon, Taleigha? Paano, eh, ang mahal-mahal kaya ng tuition fee doon?” hindi pa rin makapaniwala si Kuya. Halata sa mga mata niyang namimilog ang pagkagulat nang malaman iyon. “Pag-aaralin ako doon ng mga amo ko, iyon ang totoo. Sabay nila kaming pag-aaralin doon ni Sir Mcaiden,” masaya kong sagot sa kaniya. Tumayo bigla si kuya saka kinalampag nang malakas ang lamesa. “Hoy, Richmond! Ano bang nangyayari sa iyo,” saway sa kaniya ni tatay. “Oo nga, maupo ka nga, para kang tanga diyan,” sabi naman ni nanay sa kaniya. “Sandali lang po, nanay at tatay, may natuklasan kasi ako sa amo niyang si Mcaiden. May nabalitaan ako sa anak ni Manang Beth na binu-bully lang daw niyang si Mcaiden si Taleigha natin. Madalas daw apihin at paglaruan si Taleigha sa mansiyon nila,” sabi niya kaya nagulat ako. Pahamak talaga kahit kailan si benok. Sabay tuloy na napatingin sa akin sina nanay at tatay. Halatang nagulat sa sinabi ni Kuya Richmond. “Totoo ba ‘yon, anak?” sabay din nilang tanong. Hindi agad ako nakasagot. Ayokong magsinungaling, pero kailangan. Sige na nga, magsisinungaling ako kahit kaunti lang. “Minsan lang naman, saka trip lang niya iyon. Ganoon lang siya mang-asar. Wala lang iyon para sa akin, mabait naman si Sir Mcaiden,” sabi ko na lang. “Naku, ang sabi pa nga sa akin ni Benok ay grabe ‘yun mam-bully. Minsan nasasaktan ka na raw talaga at naiiyak pa,” dagdag pa ni kuya kaya kinakabahan na ako. Isa pa si Manang Beth e, hindi naman malalaman ni Benok iyon kung hindi niya kinukuwento. Hindi kasi alam nila nanay at tatay ang mga nangyayaring ganoon sa mansiyon. Hindi ko na pinapaalam kasi baka patigilin nila ako sa work. Eh, hindi naman ako puwedeng tumigil kasi malaki nga ang kinikita ko doon. “Mabait si Mcaiden. Kung ano man ang sinabi sa iyo nung bundol na anak ni Manang Beth, loko-loko lang iyon. Ayos ako sa mansiyon. Kung nasasaktan at nahihirapan ako doon, ‘di sana matagal na akong umalis doon,” pangangatwiran ko para ayusin agad itong eksena ni kuya. “Sabagay, tama si Taleigha. Oh, siya, siya, kumain na tayo. Tumitigas ang fried chicken kapag lumalamig,” sabi ni tatay. Dahil doon ay nakahinga na ako ng maluwag kasi pinutol agad ni tatay ang usapan doon. Nakaligtas na tuloy ako. ** Pagkatapos naming kumain ng hapunan, ako na ang nag-ugas ng mga pinggan. Sina nanay at tatay kasi ay maagang natutulog. Maaga rin kasi silang umaalis sa bahay. Nung nasa kalagitnaan ako nang pag-uugas ng mga pinggan, biglang lumapit sa akin si Kuya Richmond. “Totoo o hindi, binu-bully ka ba talaga ng gago na iyon?” tanong niya habang seryoso na ang tono nang pananalita. “Kuya, hindi mo na dapat pinaalam pa sa kanila ang tungkol doon. Totoo man iyon, ayos lang, malaki ang sinasahod ko sa mansiyon kaya hindi ako puwedeng mawala doon. Isa pa, pag-aaralin na nila ako sa Vanguard University kaya pagkakataon ko na ito para maging maganda ang kinabukasan natin,” sagot ko sa kaniya. “Pero kapag sobra na, tama na. Huwag kang magpaka-hero. Matatanggap naman na ako sa work ko. Ako naman ang magiging breadwinner ng pamilyang ito. Kapag nangyari iyon, sige, tumigil ka na sa pagiging yaya mo doon. Ang ganda-ganda mo tapos katulong ka lang doon. Sa totoo lang, bilang kuya mo, naaawa ako sa princessa namin. Tapos, mababalitaan ko lang na aapihin ka lang ng gagong iyon. Humanda talaga siya sa akin kapag na-meet ko siya,” galit niyang sabi. Ito naman ang gusto ko sa kuya ko, minsan bubundol-bundol siya pero pagdating naman sa pagmamahal bilang kapatid, damang-dama ko siya palagi. Kaya para sa pamilya ko, gagawin ko ang lahat para maging maganda ang kinabukasan naming lahat. Titiisin ko ang lahat ng paghihirap ko para sa kanila. “Pero, Taleigha, pahiramin mo nga pala ako ng three hundred pesos, inaya ko kasing mag-carnival ang syota ko bukas,” sabi niya na kinaganga ko. “Ayon, pangaral-pangaral kapa diyan, pero ang ending manghihingi lang pala ng pera,” sagot ko habang napapailing. “Hiram iyon, hindi hingi,” pagtatama pa niya. “Hiram, eh, dati mo nang sinasabi ‘yan. Hindi ko na nga mabilang kung nakailang hiram ka na nga e.” “Ah, basta, babayaran ko na lang ‘yan kapag may work na ako,” sabi naman niya habang pangiti-ngiti sa akin. Umirap ako at saka ko dinukot ang pera sa bulsa ko. Binigyan ko na lang siya ng pera para matigil. Nagpasalamat naman siya at yumakap sa akin, pagkatapos saka na ito lumabas ng bahay para tumambay pa sa kanto. Mamaya, uuwi na namang lasing ang bundol na ‘yon. Pagkatapos kong mag-ugas ng mga pinggan, naalala ko na sinabihan nga pala ako ni Madam Delia na i-ready ko na ang mga papel na ipapasa bukas sa Vanguard university. Bukas kasi ay isasabay na raw niya ako sa enroll ni Mcaiden sa school na iyon. Excited na talaga akong mag-aral doon. Ilang linggo pa bago ang pasukan pero ngayon palang, iisa-isahin ko nang bilhin ang mga gamit at mga dami na kailangan ko. Kailangan kong magkaroon ng magandang bag, mga dami at sapatod kasi ang balita ko doon, pagaraan daw ng porma. Wala kasing uniform doon. Hindi naman problema iyon, marami namang damit na may taktak sa ukay-ukay, mamaya titingin na rin ako doon para makapag-ipon ako ng mga damit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD