Taleigha’s POV
Kinuha ko na ang mga pagkain na naluto na ng kusinero para ilagay sa dining area. Anumang oras kasi ngayon ay mag-aalmusal na ang pamilyang Calvry. Ngayon kasing araw ay darating na ang buwisit na si Mcaiden. Ang lalaking anak ng mga amo kong sina Madam Maria Delia at Sir Riven.
Suwerte ko kasi sa mayaman na pamilya na ‘to ako nakapag-trabaho. Salamat kay Manang Beth na kaibigan ni nanay na nagpasok sa akin dito. Kahit katulong lang kasi ako dito ay malaki ang sahod ko. This is a big help to my family.
The Calvry Family is very wealthy because they own a luxury car manufacturing plant both inside and outside the Philippines. Aside from that, they also have large malls in various parts of the Philippines. Their land holdings are also staggering.
Sobrang suwerte nga nila Mcaiden at Ate Micai. Kasi, sure na sure na napakaganda ng kinabukasan nila. Bagay na nakakainggit kasi kahit hindi na sila mag-aral ay mabubuhay na sila. Baka nga hanggang sa mga anak at apo nila buhay na rin kasi sa dami ng kayamanan nila, hindi ito basta-basta mauubos na ganoong kadali. Ang maganda pa sa pamilyang ito ay puro business at work lang sila. Walang sugarol kaya sure din akong walang bankrupt o paghihirap silang dadanasin kasi matitino silang lahat dito.
Nagbakasyon si Mcaiden sa New York. Nandoon kasi ang ibang mga pinsan niya. Halos tatlong buwan siyang naroon kaya tatlong buwan din akong natahimik dito sa mansiyon. Sana nga doon na lang siya nag-aral. Kaya lang kasi ito uuwi sa Pilipinas ay para mag-enroll na sa Vanguard University. A school that everyone dreams of. A school where only the wealthy can afford to study.
“Bilisan mo diyan, Taleigha, nandiyan na raw si Mcaiden, kaya tiyak na mag-aalmusal na sila ngayon,” sabi ng mayordoma dito sa mansyon na si Manang Beth, siya ‘yung kaibigan ni mama na nagpasok sa akin dito. Siya ang parang nanay ko dito sa manisyon kaya malaki talaga ang kapit ko dito.
Nagmadali tuloy ako sa paglalakad para kunin pa ang ibang pagkain sa kusina. Pagdating doon dalawang tray na ang dinala ko para mabilis ang trabaho ko. Aligaga ang lahat kasi pinakamaarte sa lahat si Mcaiden. When he has breakfast, there should be plenty of food options on the table. Because if he doesn’t like the food served on the table, all of us will have a hard time in the kitchen when his parents are not in the mansion. Ganoon kagago ang lintek na bully lord na ‘yon.
Sa dalawang taon na pagiging yaya ko dito sa pamilyang Calvry, nakatulong ako sa pamilya ko. Ako na ang nakakapagbayad ng bills sa bahay at ako na rin ang nakakabili ng mga pagkain namin. Bukod doon, nakakapag-aral pa ako. Dahil sa pagiging katulong ko dito ay napag-aaral ko rin ang sarili ko. Mabuti nga at pumayag ang pamilyang Calvry na kapag may pasok ako sa school, sa gabi na lang ako tutulong sa mga gawain dito sa manisyon. Mahirap ang ginagawa ko, oo, pero para sa pangarap at kinabukasan ko, gagawin ko ang lahat. Alam ko kasing hindi naman sa lahat ng oras ay puro hirap ang dadanasin ko. Mayroon din bagong umaga na naghihintay sa akin na puro magagandang pangyayari naman ang mangyayari sa buhay. Iyong tipong lahat ng pangarap ko sa buhay ay matutupad ko. Hindi man sa ngayon, pero hihintayin ko ang araw na mangyari ‘yon. Kaya sisipagan ko lang palagi ang ginagawa kong pagtatrabaho at pag-aaral.
“Finally, I’m back at the mansion. Hello, Philippines, and hello mansion,” Mcaiden said as I saw him sitting at the dining table. Nagtama ang mga mata namin. I saw him smirk. Just from that smile, I knew he had another malicious plan in mind.
“Taleigha, penge nga ako ng grapes juice,” utos agad ng bundol sa akin. Kakarating palang pahihirapan na agad ako.
“Mcaiden, wala tayong grapes juice ngayon, mag-orange juice ka na lang muna, pahihirapan mo pa si Taleigha,” saway sa kaniya ni Madam Delia. Buti nga sa kaniya. It seems like he forgot that he can't bully me when his parents are around.
Hindi ko na hinintay ang susunod pa niyang utos. Ako na ang nag-abot sa kaniya ng orange juice niya. Sinalinan ko siya sa baso niya para wala na siyang masabi pa.
“I miss you, Taleigha,” he whispered to me, sending shivers down my spine suddenly. I knew that his intention wasn’t to say something sweet like missing me. What he really meant was that he missed teasing and bullying me, that’s what it was all about.
Sa totoo lang, napakaguwapo nitong si Mcaiden. Nung unang makita ko siya nung unang pasok ko dito, naka-topless siya kasi galing siya sa swimming pool. Napatitig ako sa kaniya nun kasi napakagawa ng katawan niya. Halatang batak siya sa gym, tapos sobrang liit pa ng mukha niya. Iyong tipong parang nakakita ka talaga ng artista. At aaminin kong naging crush ko talaga agad siya. Kasi nung una, tahimik at seryoso pa siya. Saka, matalino at talented ang bundol na ito. Ang negative nga lang talaga sa kaniya ay ang pagiging bully niya. Pero, hindi naman sa akin lang siya ganoon, lahat kaming kasambahay nila dito ay ginagago niya. Sa school nila ganoon din daw ito. Ang lala niya, kasi ang dalas ipatawag ng mga magulang niya. Linggo-linggo o kung minsan ay araw-araw napapatawag ang mga magulang niya, kasi palagi siyang may nabu-bully sa school nila. Ang mali lang talaga sa mga magulang niya ay hindi nila kayang saktan ang anak nila. Puro lang sila salita at pangaral pero ni hampas, suntok o tadyak ay wala silang ginagawa sa anak nila. Masyado rin kasi nilang mahal ang in-spoiled ang bundol na ‘yon. Kaya lumalaos lang din itong si Mcaiden kasi alam niyang mabait ang mama at papa niya. Malayong-malayo siya sa kapatid niyang babae na si Ate Micai. Mabait kasi ito at saka close pa kami. Vlogger iyon at sikat na rin ngayon. Minsan na niya akong sinama sa vlog niya. Inayusan niya ako. Iyon ang unang beses na nakita kong naging maganda ako ng husto. Kasi first time kong na-makeup-an ng magaling na gaya niya. Naaalala ko, nagulat pa sa akin nun si Mcaiden kasi ang ganda ko nga nun e. Natameme siya sa ganda ko kaya nung makita niya akong ganun, tahimik lang siya at biglang hindi ako na-bully.
Nung umuwi ako sa street namin, nagulat na lang ako kasi sikat na ako. Napanuod daw nila ako sa vlog ni Ate Micai. Tuwang-tuwa ako kasi kahit iyong hindi ko kakilala sa street namin ay binabati na ako. Isang beses lang ako nasama sa vlog niya instant celebrity agad ako sa amin.
“Anyway, umayos ka sa Vanguard University kasi may magbabantay sa iyo doon, Mcaiden,” sabi ni Sir Riven sa anak niya habang kumakain na sila sa dining area.
“Bantay? Ano po ako, bata? At saka sino naman ‘yun, papa?” tanong ni Mcaiden habang nakakunot ang mga noo. Sakto naman na nandito ako sa dining area kasi inutusan ako ni Madam Delia na maghain na rin ng prutas sa lamesa.
“Si Taleigha, siya ang magbabantay sa iyo doon kasi I-e-enroll ko rin siya doon,” sagot sa kaniya ng papa niya na kinagulat ko. Nahinto tuloy ako sa pagbalik sa kusina para lumingon sa kanila.
“H-ha? A-ako po, sa Vanguard university din mag-aaral?” tanong ko na halos hindi makapaniwa. OMG, pangarap ko lang noon na makapag-aral doon, pero tila matutupad na ata ngayon. Kinikilig ako pero hindi ko ipapahalata sa kanila kasi nahihiya rin kasi ako. Ang mahal kaya ng tuition fee doon. Sobrang ginto talaga.
“Yes, Taleigha. Sayang naman kasi kung diyan kalang sa tabi-tabi mag-aaral. Mabait, masipag at matalino kang bata kaya naisip namin ng asawa ko na pati ikaw ay tutulungan na rin naming makatapos nang pag-aaral. Ang kapalit nito ay ang bantayan itong Sir Mcaiden mo,” sabi na rin sa akin ni Madam Delia.
Nang tignan ko si Mcaiden ay bigla itong ngumisi. Lagot, parang hindi magandang idea na ako pa ang magiging bantay ng demonyong ito. Ayos na sana e, kaya lang bakit pagbabantayin pa nila ako ng taong ayaw na ayaw kong nakikita.
“Mama, Papa, I don’t think it’s a good idea for her to study there either. Aren’t you aware that arrogant students are the ones studying there? Once they find out that Taleigha is just a nanny and she studied at Vanguard University, she’ll surely be bullied there,” pananakot ni Mcaiden habang nakangiti nang parang loko-loko sa akin. Ang galing din niya e. May pa-warning pa siya e, siya naman itong number one na magiging bully doon.
Pero totoo ang sinabi niya. Tila hindi magandang idea na pati ako ay mag-aral doon kasama ang demonyong kagaya niya. Tiyak na mas mabu-bully niya ako doon kasi malayo na kami sa mansiyon nila. Hindi ko tuloy alam kung dapat ko bang tanggapin ang alok ng mag-asawa o dapat ko itong tanggihan kasi parang nakikita ko na agad na impyerno ang magiging buhay ko sa school na iyon. Kasi kahit wala pa ang demonyo doon, ramdam ko na agad ang init kahit ang totoo ay nandito pa sa manisyon ang maghaharing demonyo sa school na iyon.
“She won’t be bullied there because you’ll be there, Mcaiden. Help each other there so you both can finish your studies. If Taleigha gets bullied there, defend her, Mcaiden. And when your Sir Mcaiden needs something, Taleigha, help him too. Help each other,” Sir Riven said.
Bahala na nga. Sige na. Para sa future ko, tatanggapin ko na. Maganda rin kasi talagang mag-aral sa Vanguard University kasi kapag nalaman ng mga company na sa school na iyon ako nag-aral ay madali na lang daw akong makakahanap ng trabaho.
Good luck sa akin.