PEPPER MEETS ANNIKA

1030 Words
        "Anak wag kang malikot. Maupo ka lang diyan. Sandali lang ito." bilin ko kay Zyrus.         First time kong isinama si Zyrus dito sa opisina ng AMCO. May isang linggo na din akong nagra-rasyon ng ulam sa kumpanyang ito. May kailangan daw ipasa si Chris sa school kaya maaga siyang papasok. Si Jenny Rose naman andun ngayon sa bahay ng Ate niyang bagong panganak.         "Ang sarap ng mga ulam mo, Pepper. Hindi nakakasawa. Sana noon ka pa nirekomenda ni Cynthia na magtinda dito." sabi ni Mrs. Perez.         Napangiti ako sa narinig ko.         "Mabuti naman at nagugustuhan nio ang mga luto ko. Wag kayong mag-alala dahil weeksary natin ngayon may pa-Buko Pandan ako sa inyo!" sagot ko dito.         Nagsigawan naman yung mga empleyadong nakarinig sa sinabi ko.         "Talaga, Pepper?!" paniniguradong tanong ni Matias o Matty.         Nakangiti akong tumango.         "Oo naman. Para bibili pa din kayo sa kin..." sagot ko habang inilalabas mula sa container na dala ko yung mga naka-pack na Buko Pandan.         "Tsk! Ang suwerte naman ng magiging asawa mo, Pepper...masarap nang magluto...maalaga pa!" sabat naman ni Clayton.         "Naku! Pepper....wag mong pansinin yang lalaking yan! Bolero yan...puro palipad-hangin lang ang alam niyan." sabat ni Ate Cynthia.         Nagtawanan naman yung ibang empleyadong naroroon. Napakamot na lang sa ulo niya si Clayton.         "Mam Cynthia naman...." reklamo nito.         "Naku eh...wag mo na akong isama sa mga babaeng bobolahin mo, Clayton. Hindi ka uubra sa anak ko. Ayun oh!" sabay nguso ko sa nakaupong si Zyrus sa di-kalayuan.         "Ay! May anak ka na pala, Peppper. Napaka-guwapo niyang anak mo. Guwapo din siguro ang tatay niyan noh?" pansin ni Mrs. Perez kay Zyrus.         Ngumiti lang ako dito. Mabuti na lahg at medyo malayo si Zyrus dito sa puwesto naming. Ayokong naririnig ni Zyrus ang mga ganitong topic dahil paniguradong hindi niya na naman ako titigilan ng kakatanong.    "Oh, saan ka na naman galing na bata ka? Nakinood ka na naman sa bahay ni Jenny Rose?" tanong ko dito pagkapasok nito sa bahay at saka dere-derechong naupo sa sofa.  "Oh, bakit ka nakasimangot?" narinig kong tanong ni Chris na nag-rereview para sa exam niya kaya napatingin ako kay Zyrus.  Tahimik lang itong nakaupo. Nakakunot ang noo nito na parang matanda na at may problema.  Bigla tuloy akong natigilan. May naalala ako sa pagkunot ng noo niyang iyon si Zyrus. Para kasing pinabatang bersiyon siya ng ama niya.  "Zyrus?"  Napalingon kami ni Chris sa pintuan.  "Jenny Rose! Bakit?" tanong ko dito.  Lumingon ito kay Chris at parang bigla itong nahiya.  "Ahm....sinundan ko lang si Zyrus. Baka...baka kako hindi dito tumuloy eh." paliwanag nito.  "Bakit ba ganyan ang mukha niyan?" tanong ko kay Jenny Rose sabay nguso sa nakaupong si Zyrus na mukhang hindi naman kami pinapansin.  "Eh, Ate Pepper...nag-away sila ni Biboy. Pinagmalaki kasi ni Biboy ang Papa niya."  Napabuntonghininga ako habang nakatingin kay Zyrus na malayo ang tingin. Akala mo talaga may edad na ito kung mamroblema!  "Salamat, Jenny Rose. Ako nang bahala kay Zyrus. Tuloy ka muna." sabi ko dito.  "Ay, next time na lang, Ate Pepper. Bad mood si pogi eh." nakangiting sagot sa akin ni Jenny Rose.  Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya - kung si Zyrus ba o si Chris na kunwari ay hindi narinig ang sinabi ni Jenny Rose dahil sa libro niyang nakabukas ito nakatingin.  "Sige. Salamat." nakangiti ding sagot ko dito.  "Maglinis ka na ng katawan mo dun sa banyo, anak. Pagkatapos ko dito kakain na tayo." utos ko dito na hindi nakatingin sa kanya.  Hinuhugasan ko kasi yung mga kaldero at kawali na pinaglagyan ko ng tinda kong ulam.  "Nanay, bakit si Biboy merong Papa? Ako wala."  Napahinto ako sa ginagawa ko at saka napalingon kay Zyrus. Nakayuko ito kaya hindi ko nakikita ang mukha nito. Lumingon ako kay Chris na nakatingin na din pala sa akin.  Eto na nga yung kinatatakutan ko. Yung darating yung panahon na magtatanong na siya tungkol sa Tatay niya.  Huminga muna ako ng malalim at saka pinunasan ang basang kamay ko bago ako lumapit sa kanya.  "Anak...h-hindi ko alam kung nasaan ang Tatay mo eh. N-nawalan na kasi kami ng komunikasyon sa isat isa. Pero andito naman si Nanay ah. Tapos may Tito Chris ka pa. Para mo na din naman siyang Tatay di ba? At mahal na mahal ka naming dalawa. Hindi pa ba okay yun?" nangangapang tanong ko dito.  "Paano po pag nag-asawa na si Tito Chris at Ate Jenny Rose...eh di mawawalan na ko ng Tatay kasi magbe-baby na po sila." sagot nito.  "Zyrus! Saan mo ba natututunan yan? "tanong ni Chris sa kanya.  Natawa na lang ako sa sinabi ng anak ko. Naisingit pa talaga niyang maitukso si Jenny Rose sa Tito niya.  Hinawakan ko sa mukha ang anak ko at saka ko iniharap sa akin.  "Basta anak. Ang lagi mong iisipin mahal na mahal na mahal na mahal ka ni Nanay." nakangiting sabi ko dito.  "Ako din. Kahit lagi mo akong binu-bully." singit ni Chris.  "Tito ano yung bubuli?" inosenteng tanong nito.  "Inaasar!" natatawang sagot ni Chris.  "Weh! Gustong gusto mo nga pag tutukso ko si Ate Jenny Rose sa yo eh. Uy......si Tito....crush si Ate Jenny Rose..." panunukso nito.  "Pst! Zyrus ha. Mamaya may makarinig sa yo sa labas." saway ni Chris dito habang pasilip-silip sa nakabukas na pintuan namin.  Tumawa lang ng tumawa si Zyrus kaya napangiti na lang din ako sa kanya.           Nilingon ko si Zyrus. Nakita kong may kausap itong magandang babaeng na may kasamang batang babae na halos kaedaran ni Zyrus.         Bahagya akong napangiti  nang nakita kong magiliw na nakikipag-usap dito si Zyrus. Ma-PR talaga si Zyrus. Mas kilala pa nga siya ng mga kapitbahay namin kaysa sa aming dalawa ni Chris. Paglaki niya pwede siyang tumakbo sa pulitika. Paniguradong makukuha niya ang boto ng masa.         Kung di ko pa kilalang masungit ang tatay nito, pwede kong sabihin na doon niya nakuha ang ugali niyang yun dahil hindi ako ganun.         Maya-maya ay nakita kong itinuturo ako ni Zyrus sa kausap niya. Nakaramdam ako ng kaba. Baka bawal magsama ng bata dito sa AMCO?         "Mrs. Perez....sino po kaya yung babaeng kausap ng anak ko?" nag-aalalang tanong ko dito.         "Ay! Si Mam Annika! Asawa siya ng may-ari nitong AMCO." sagot nito.         Lagot!    ~CJ1016
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD