ANNIKA MEETS ZYRUS

1027 Words
        Bahagya akong kinabahan. Nakita kong naglalakad na iyung Annika palapit sa akin hawak sa kamay ang isang batang babae. kasabay naman niyang naglalakad sa kabilang side ang anak kong si Zyrus.         Pero habang papalapit sa akin yung babaeng Annika daw ang pangalan ay hindi ko maalis na ikumpara ang bihis niya sa suot ko.         Simple man ang damit na suot nito ay halatang may kaya ito at elegante. Napatingin tuloy ako sa suot kong medyo kupas nang tshirt at maong na halata mong luma na. Correction, Pepper. Lumang-luma na.         "Nanay! Bibili daw po sila ng tinda natin," nakangiti at malakas na sabi ni Zyrus.         "T-Talaga po? Naku! Nakakahiya naman. Pinilit po yata kayo nitong anak ko," hindi ko mapaniwalaang tanong dun sa Annika.         "Naku, hindi naman. Nagkataon lang na kausap ko siya at kasama ka nga daw niya dito. Akala ko kasi, naliligaw lang eh."         "Opo, Nanay! Bibili po sila.  Ano nga pong gusto ni Ysa, Aling Maganda?" baling ni Zyrus kay Mam Annika..         "Naku! Ikaw talaga... ang bata-bata mo pa, pero bolero ka na...." sabi naman ni Mam Annika.         "Totoo naman po ang sinasabi ko. Ang ganda-ganda n'yo po! Pati na po ang anak n'yo," sagot naman ni Zyrus.         "Zyrus?! Naku Mam, pasensiya na po kayo sa anak ko. Eh... medyo madaldal po talaga 'yan eh...." paghingi ko ng dispensa.         "Hindi. Okay lang. Nakakatuwa nga itong anak mo, eh. Parang matanda na kung magsalita..." nakangiting sagot ng babae, sabay bahagyang pinisil ang pisngi ni Zyrus.         Kung hindi ako nagkakamali, ay hindi nagkakalayo ang edad namin nito.         "Siguro po dahil sa kaming dalawa lang lagi ng Tito niya ang kasa-kasama niya araw-araw mula nang ipanganak siya."         "Ah. Ganun ba? Single parent ka ba?" tanong nito.         Marahan akong tumango.         "Bakit? Asan ang ama ni Zyrus?" tanong nito.         Tipid lang akong ngumiti dito. Tila naman nasakyan ng babae na ayaw kong pag-usapan o iniiwasan ko ang topic kaya nginitian na lang ako nito.         "Ano bang tinda mo diyan?" tanong nito bilang pag-iiba sa usapan.         "N-Naku! Eh, baka po hindi kayo kumakain nitong tinda ko..." sagot ko.         Kumunot ang noo nito.         "Bakit naman?" tanong nito.         "Eh... eh kasi po... pang-masa lang po itong mga ulam ko.... lutong-bahay lang po ang lasa," alanganing sagot ko dito.         Bahagya itong tumawa.         "Sinong akala mo sa akin? Si Queen Elizabeth? Ano bang makakain diyan? Tamang-tama nagugutom na kami ng anak ko! Ang tagal kasi ng board meeting ng asawa ko." tuloy-tuloy na sabi nito sabay silip sa loob ng dala kong eco bag.         "Annika! Thank God, nakita kita!"         Napalingon kaming lahat sa nagsalita. Isang halos kaedaran lang namin ni Mam Annika ang dumating.         "Becca? Bakit? May problema ba sa itaas?" tanong ni Mam Annika dito.         "Hay naku! Yung Mama ni Sir Chad, nag-iinarte na naman dun sa board meeting. Ayaw daw niya nung pagkain na inorder ko. Nagpapahanap sa akin ng lutong-bahay daw. Naku!!! If I know, gusto lang niyang magpa-pansin sa anak niya!" inis na sabi nito.         "Oh! Tamang tama! Eto oh... ang dami pang pagpipilian sa tinda ni-- ano ngang pangalan mo?" baling sa akin ni Mam Annika.         "Pepper po."         "Eto. Tingnan mo, Becca. Kumuha ka ng tatlong klase ng ulam tapos i-serve mo na lang dun sa mga plates natin sa office ni Klarence," utos ni Mam Annika sa tinawag na Becca.         Lumapit naman iyung Becca. Inilabas ko mula sa eco bag yung mga naka-pack kong ulam.         "Try n'yo po itong Pork Sisig ko. Especialty ko po ito." sabi ko dito.         "Ganun ba? Sige. Dalawahin mo na para sa akin yung isa. Bigyan mo na din  ako niyang gulay. May isda ba?" sabi ni Miss Becca.         "Eto po. Sweet and Sour Fish Fillet..."         "Ayan. Perfect! Ibalik ko iyung bayad. Isasampal ko muna doon sa bruhang matandang iyon sa itaas," paalam nito.         "Becca! Ikaw talaga...intindihin mo na lang si Tita Minerva. Sige na. I-serve mo na 'yan doon. Ako nang magbabayad niyan," saway naman ni Mam Annika dito.         "Whatever!" sagot ni Miss Becca, bago umalis.         “May Pork Sisig pa ba? Para matikman ko iyung specialty mo kamo,” sabi nito.         “Ay, tamang-tama, Mam. May natira pa pong isa,” sagot ko dito, at saka inabot iyong pack ng Pork Sisig.         “Dagdagan mo na ng gulay saka kanin para dito kay Ysa,” pahabol pa nito.          "Eto nang bayad," sabi nito sabay abot ng One Thousand na perang papel sa akin.         "Naku mam! Wala pa akong panukli,"sabi ko.         "Hayaan mo na. Ibigay mo na lang kay Pogi yung sukli," sabay nguso nito kay Zyrus.         "Po? Nakakahiya naman mam. Dalhin mo na lang ito mam. Buko Pandan para sa iyo saka kay baby girl mo. Free na lang. Para naman hindi nakakahiya. Saka para matikman mo din," nakangiting sabi ko, habang inilalagay ko sa paper bag iyung styro.         "Ganun ba? Ako naman yata ang nahiya," sabi nito, at saka bahagyang tumawa.         "Ay, wala po iyun. Pambawi ko na lang po sa pag-sales talk sa inyo ng batang ito," sabay turo ko kay Zyrus.         "Bilib nga ako sa anak mo, eh. Bata pa lang marunong na. Ilang taon na siya?" tanong nito.         "Apat na taon po."         "Ay! Ysa is also four," sabi pa nito.         Bigla naming dumating uli si Miss Becca.         "Annika. Hanap ka ni Sir Chad."         Napangiwi si Mam Annika. "Ano na naman kayang problema nung lalaking yun?! Sige, Pepper. Nice meeting you. Araw-araw ka bang nagdadala ng pagkain dito sa AMCO?"         "Yes po, Mam Annika," sagot ko dito.         "Naku... Annika na lang. Saka wag mo na akong i-po. Hindi naman yata nagkakalayo ang edad natin."         "Naku! Nakakahiya naman. Kayo po ang may-ari ng kumpanya.”         “Sa asawa ko ito. Hindi sa akin. Kaya pareho lang tayong dayo dito,” nakangiting sagot nito.         Napangiti ako sa sagot niya. Napaka-humble naman ng babaeng ito.         “Sige po. Ay! Sige..."         "Oh, sige. Aakyat na muna ako ha. Come, Ysa! Hanap daw ako ni Tito Chad mo. Say bye to Zyrus na," utos nito sa anak niya.         "Bye, Zyrus...." sabi naman ng anak niya.         Nakangiting sinundan ko ng tingin ang mag-ina habang naglalakad palayo. Ang gaan ng loob ko kay Annika. Iyon nga lang, hindi kami magka-lebel para maging kaibigan ko ito. ~CJ1016
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD