ZYRUS

1357 Words
        "Ate, andiyan sa labas si Aling Martha. Yung order daw niya." sabi ng bagong pasok na si Chris sa loob ng bahay.         "Eto na nga. Ikaw na nga ang mag-pack. Tapos iabot mo na sa kanya. Bayad na yan." sabi ko dito at saka isa-isang inabot dito ang naka-pack na hilaw na Pizza Roll.         Agad namang sumunod si Chris sa utos ko.         Every other day kung umorder sa akin si Aling Martha. Itinitinda din niya yung mga yun sa canteen sa High School dito lang sa lugar namin.         Lihim akong napangiti kay Chris. Ang suwerte ko sa kapatid ko dahil suportado niya ako kahit anong nangyari pa sa akin.         "Ayusin mo na yung mga paninda mo at baka tanghaliin ka na." sabi nito sa akin habang bitbit ang mga order ni Aling Martha na ilalabas niya.         Nagtitinda ako ng mga naka-pack na ulam sa mga opisina sa Makati. Malapit lang naman ang Pasay sa Makati pero kailangan mga alas nueve pa lang ay lumalakad na ako kung gusto kong maubos ang paninda ko.         Mula Lunes hanggang Biyernes ako nagdadala ng mga ulam sa Makati. Kapag Linggo naman ay sa labas ng bahay ako nagtitinda. Dati pati araw ng Sabado ay nagtitinda ako. Pero sabi ng kapatid ko kailangan naman daw akong magpahinga.         Tama naman si Chris. Nakakapagod naman talaga yung araw-araw na ginagawa ko. Pero hindi kasi ako pwedeng huminto. Kailangang may nakatabi ako laging pera para kay—         Asan na ba yun?         Tumayo ako at saka naglakad papunta sa pintuan. Nasalubong ko naman ang papasok na si Chris.         "Oh, Ate? San ka pupunta? Asan nga pala si Zyrus?" tanong nito.         "Kaya nga ako lalabas eh. Hahanapin ko." sagot ko dito.         "Ako nang maghahanap. Baka andun na naman yun kila Jenny Rose. Nakikipanood ng TV." sabi nito.         "O sige. Ikaw na at tatapusin ko na ang pag-aayos ng mga dadalhin ko." sagot ko dito.         Mula nang mamatay si Nanay ay si Chris na ang naging katuwang ko sa hanapbuhay. Nakakalungkot lang na pagkatapos kong gawan ng paraan na makakuha ng pangtustos sa hospital ay sa wala din pala mauuwi.    Nagmamadali akong bumalik ng hospital. Kahit na masakit at mahapdi pa ang p********e ko ay walang lugar sa akin ngayon ang pagmamabagal. Kailangan ko nang makabalik doon at may pasok pa si Chris mamaya.  Naligo muna ako pagkagaling sa condominium kung saan iniwan ko ang natutulog pang si Klarence Montenegro. Pakiramdam ko kasi ay dumikit sa katawan ko ang amoy nito. Hindi naman sa mabaho, pero kasi amoy na amoy sa katawan ko ang pabango nito na halatang panlalaki.  At saka nagbihis na din ako at nagpalit ng tsinelas. Magtataka naman si Chris sa akin kapag nakita niya ang suot ko. Baka nga magkahinala pa yun kapag nagkataon.  Mahigpit kong hawak ang bag ko kung saan nakalagay ang perang pambayad ko sa hospital at deposito para sa gagawin sa kanyang Angiogram. Kailangang lumakas na siya para maumpisahan na agad yun.  Dumaan na din muna ako sa convenience store at bumili ng cup noodles at tinapay. Kanina pa ako gutom na gutom at pagod na pagod.  Ganun pala makipag-s*x! Nakakapanghina....  Nasa pintuan na ko ng ICU nang mapansin kong tila nagkakagulo sa loob. Bigla akong kinabahan at sumagi sa isip ko si Nanay.  "Nay?"  Pagdating ko sa labas ng kuwarto ni Nanay ay nakita kong may nilalagay na parang plantsa sa dibdib niya.  "Chris? Anong nangyari kay Nanay?" tanong ko dito pero umiiyak na lang itong tumingin sa akin.  "Clear!" malakas na sabi ng doktor kaya napalingon ako sa loob ng kuwarto  Napatingin ako sa monitor sa tabi ni Nanay. Hindi man ako nurse o doktor pero alam ko ang ibig sabihin ng mga linyang iyon.  "Nay, please....lumaban ka.!" sabi ko sa sarili ko.  Dalawang beses pang inulit ng doktor ang ginagawa niya hanggang sa marinig ko ang isang mahabang tunog at nakita kong nag-flat line na ang linya sa monitor. Napaiyak na lang ako sa kinatatayuan ko.            "Nanay!"         Napalingon ako sa pintuan. Nakita ko ang isang madusing na Zyrus kabuntot si Chris sa likod.         "Ang dungis mo naman, anak?" pansin ko dito.         "Eh kasi po ang dami pinakain sa akin ni Ate Jenny Rose sa bahay nila." pangangatwiran nito.         "Anak naman...hindi ka na nahiya kay Jenny Rose. Nakinood ka na ng TV, nakikain ka pa."         "Eh kasi Nanay ayaw ka pa bumili ng bagong TV para hindi na ako nanonood sa TV ni Ate Jenny Rose."         Naawa naman ako sa anak ko. Nag-iisa na nga lang ay hindi ko pa maibigay ang gusto. Nasira kasi yung TV namin at wala pa akong budget para ipagawa iyon.         "Hayaan mo, Zyrus. Kapag nag-bonus na si Tito ibibili kita ng TV mo." sabat ni Chris.         Nagpa-part time kasi si Chris sa isang sikat na fast food chain kaya malakas ang loob nitong mangako sa pamangkin.         "Yehey!! Tito kailan yung nobus?" inosenteng tanong ni Zyrus.         "Bonus, pogi. Sa December." kalmadong sagot ni Chris.         Lumapit si Zyrus sa dingding namin kung saan may nakasabit na kalendaryo.         "Nanay saan dito yung sember?" tanong nito habang nakatingin sa akin.         Ngumiti din ako dito.         "Yung pinakahuli anak."         "Ha??? Tito, tagal pa nung sember!" reklamo nito sa Tito niya.         "Basta...hindi mo mamamalayan, December na." sagot naman ni Chris dito.         Natawa ako nang nagkamot ng ulo niya si Zyrus.         "Hay naku...tumigil na nga kayong dalawa. Ipapagawa ko lang yang TV natin okay na uli yan. Tama na yang bili-bili Chris. Itabi mo yung pera mo para sa pag-aaral mo."         Third year college na si Chris. Sayang nga at natigil ito ng isang taon dahil sa pagbubuntis ko.         Isang buwan pagkalibing namin kay Nanay ay nalaman kong buntis ako at kinailangan naming umalis sa dati naming bahay para makaiwas sa tsismis. Si Candy lang ang nakakaalam kung saan kami lumipat. Si Candy lang naman ang maitituring kong kaibigan ko.         Nakabili ako ng isang maliit na lupa dito sa Pasay. Malayo sa Quezon City, sa dati naming tinitirhan. Dito ko sa lupa ginastos yung natirang perang ibinayad sa akin nung gabing yun.         May bahay namang nakatayo na dito pero marami pa kaming ipinakumpuni. Yung iba naman ay ipinambili ko ng gamit para sa naisipan kong tindahan ng lutong ulam sa harap na din nitong bahay.         Ulam sa umaga, fishball at kwek-kwek sa hapon. At mga special order kapag may mga espesyal na okasyon. Dito kami kumukuha ng ikinabuhuhay naming tatlo. Noon yun.         Pero nung minsan, may bumili sa akin ng ulam na nagtatrabaho sa isang malaking kumpanya sa Makati.     "Pepper, bakit hindi ka na lang mag-rasyon ng ulam sa office? Nahihirapan kasi kami doon maghanap ng murang bilihan ng ulam mula nung hindi na nagtinda yung dating nagtitinda doon. May nabibilhan nga kami pero bukod sa malayo sa office, hindi pa masarap." sabi ni Ate Cynthia.  "Magandang idea yan Ate Cynthia!" masaya kong sagot dito.  "Punta ka dun bukas. Sa office. Sarapan mo yung mga dadalhin mong ulam ha..."            "Kay Ate Jenny Rose na lang uli ako nood, Nanay. Dami pa pagkain." narinig kong sabi ni Zyrus.         "Zyrus ha. Bad yun. Inuubos mo ang pagkain ni Jenny Rose." sermon ko dito.         "Hindi, Nanay. Sabi Ate Jenny Rose okay lang basta kumusta ko siya kay Tito Chris." inosenteng sabi nito.         Napalingon ako kay Chris at pasimpleng natawa.         "Mukhang ikaw na ang liligawan ni Jenny Rose ah. Ang bagal mo kasing manligaw." tukso ko dito.         "Ate, wala akong panahon sa ligaw-ligaw na yan ngayon. Alam mo namang priority ko ngayon ay ang pag-aaral ko at kayo ni Zyrus." sagot nito.         "Wag mo nga kaming isinasali, Chris. Okay naman kaming mag-ina. Ang intindihin mo eh yang sarili mo. Wag puro kami. Ang dami mo na ngang isinakripisyo para sa aming mag-ina." sagot ko dito.         "Kung sakripisyo ang pag-uusapan, mas lamang ka ate. Ayan ang patunay oh..." sabay nguso nito kay Zyrus.         Paglingon ko kay Zyrus ay ngumunguya na naman ito.         "Zyrus? Ano na namang kinakain mo diyan?" nagtatakang tanong ko dito.         "Hopia. Bigay Ate Jenny Rose nina (kanina)." sagot nito.         "Naku! Ikaw talagang bata ka. Walang kapagod-pagod yang bibig mo! Hala! Maglinis ka na pagkatapos niyan at ang dusing mo na talaga."         Naiiling naman habang natatawa si Chris sa pamangkin niya.    ~CJ1016
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD