SEARCHING

1169 Words
        Itinaas ko ang braso ko kahit nakapikit. Sobra yata akong napagod kagabi dahil napasarap ang tulog ko.         Napadilat ako bigla nang walang nahagip na katawan ang braso ko. Napabalikwas ako ng bangon at saka iginala ang tingin ko sa loob ng kuwarto.         Pinakiramdaman ko kung may tao sa loob ng CR. Mukhang tahimik. Dali-dali kong inalis ang kumot na nakatabing sa ibabang katawan ko na hubad pa rin nang mapansin ko ang kulay pulang mantsa sa kama.         Bigla akong nakaramdam ng pagmamalaki nang maalala ko ang kuwento ng mantsang iyon.         Damn! Hindi mo first time na maka-donselya ng babae, idiot!         Nang maalala ko ang babae ay dali-dali akong bumaba ng kama at nagpunta sa CR. Itinulak ko ang pinto kahit halata namang walang tao sa loob. Nadismaya akong wala yung babae dun.         Naisipan kong pumunta sa receiving room. Dahil sa pagmamadali ay muntik pa akong makalabas ng kuwarto ng walang anumang saplot sa katawan. Dali-dali akong bumalik sa CR para kunin yung isang bathrobe doon at saka lumabas sa receiving room para lang madismaya na wala ding tao doon.         Anak ng....hindi man lang siya nagpaalam sa akin bago siya umalis?         Nanlalatang bumalik na uli ako sa loob ng kuwarto at saka pabagsak na nahiga uli sa kama. Iniisip kung bakit hindi ito nagpaalam bago umalis.         Tapos na ang trabaho niya, bakit pa kailangan?         Ayoko mang mag-isip ng masama sa babaeng yun ay naisipan ko na ding i-check ang wallet ko. Bumangon ako at nahagip naman agad ng mga mata ko ang wallet kong nakapatong sa ibabaw ng bedside table. Binuklat ko ito at mukhang wala namang nabawas sa perang naroroon. Kumpleto din ang mga IDs ko. Pati yung Rolex kong relo ay naroon din. Nakahinga ako ng maluwag na hindi naman pala siya magnanakaw.         Muli akong nahiga sa kama at saka tumitig sa kisame habang pilit inaalala ang mukha ni-- ng babae kagabi. O kung ano man ang totoong pangalan niya. Nakakapagtaka. Kailan ba ako naghabol sa mga babaeng nakatalik ko?         Ngayon lang dahil siguro sa virgin ito. Pero may kakaiba sa babaeng nakatalik ko kagabi. Yung dapat na isang round lang ay nasundan hanggang maging tatlo. Halos mawala na ko sa sarili ko. Hindi ko pa ito naranasan sa kahit sinong babaeng nakatalik ko.         Putsa! Sa kanya ba talaga may kakaiba o sa akin?         Huli na nang ma-realize ko yung ginawa ko sa babaeng iyon kagabi. Sa mga sinabi ko sa kanya. Alam kong medyo may mga below-the-belt akong nasabi.         Medyo nga lang ba??         Kinapa ko sa sarili ko kung nagsisisi ba ako. Pero tingin ko ay kalmado lang ako sa nangyari.         Pinili kong ipikit na lang ang mga mata ko. Ang balak ko ay ituloy ang tulog ko. Pero tila lalo lang napasama ang pagpikit ko kasi ang lumilitaw sa isip ko ay ang hubad na imahe ng babaeng nakatalik ko. Sariwa pa sa isip ko yung memory ng mukha niyang nakapikit habang kagat ang labi niya. Bigla akong nakaramdam ng paninikip sa puson.         Letseng babae yun! Ang bilis tablan ni junior ko sa kanya.         Bumangon na ako para maligo. Kailangan ko nang asikasuhin ang mga naka-pending kong trabaho sa opisina bago ako lumipad papuntang Cebu.            NAPASANDAL ako sa swivel chair ko. Hinilot ko ang ngawit kong batok. Double time ako sa trabaho sa dalawang kumpanya.         Napabuntonghininga ako. Nakakapagod. Hindi lang physically. Even emotionally. Maraming nangyari sa Cebu. Mabuti na lang at okay na ang lahat. Sana ay maging okay na din si Annika. May kakaiba akong napansin dito nung mga huling araw.         Dalawang linggo din akong nasa Cebu kaya tambak ang trabaho ko. I think I need a break. Pumikit ako. Kung bakit sa pagpikit ko ay ang mukha ni Peggy ang nakita ko.         Pilit kong iwinawaksi sa isip ko ang itsura niya pero sa halip na mawala ay yung mainit na p********k naman namin ang pumalit. Ipinilig-pilig ko pa ang ulo ko pero balik lang ito ng balik sa isip ko.         Kulang lang to sa tulog...         Dumilat ako at saka naupo nang tuwid. Ibinalik ko ang atensiyon ko sa mga papeles sa mesa ko. Pero wala akong maunawaan sa binabasa ko dahil ang mukha pa rin ni Peggy ang naiisip ko.         Inihilamos ko ang dalawang kamay ko sa mukha ko. Pero imbes na magtagumpay ako sa pagbura ng imahe ng babaeng yun sa isip ko ay bigla kong na-miss ang malambot nitong katawan. Ang dibdib niyang saktong-sakto ang laki sa palad ko. At ang amoy ng—         Marahas akong napabuga ng hangin. Mabilis kong niligpit ang mga papeles at saka itinago sa drawer ko. Dinampot ko ang susi ng kotse at cellphone ko at saka lumabas ng opisina ko.             IGINALA ko ang mga mata ko, at pilit inaaninag ang mga taong naroroon. Pilit kong hinahanap iyung taong kailangan ko sa lugar na ito.          "Hey, baby!"         "Hi, Candy!"         Sinalubong ako ni Candy at saka iginiya sa isang malapit na mesa. Agad akong umupo at umupo naman ito sa tabi ko. Ipinatong pa nito ang kamay niya sa hita ko.         "Ang tagal mong hindi napunta dito ah..."         "Yup! Natagalan ako sa Cebu." sagot ko.         "Ahhh...oo nga pala. Kumusta naman ang kasal?" kaswal na tanong nito.         "Walang nangyaring kasalan." sagot ko.         "Ha?? Bakit naman?"         "Mahabang kuwento. Pero matutuloy na din naman. Na-postpone lang. By the way, andito ba siya? Yung babaeng ibinigay mo." may pananabik kong tanong.         "Ha?" tila nagulat na tanong naman ni Candy.         "Peggy. Yun ang binigay niyang pangalan. If that's her real name."         "Ahhh....wala siya dito."         Gumuhong bigla ang pag-asa ko.         "W-Wala siya meaning...off niya today?" pagbibigay pag-asa ko sa sarili ko.         "No. Hindi siya dito nagtatrabaho. In fact, unang beses lang niyang ginawa yun. Tawag lang ng pangangailangan. Alam mo na..." sagot nito.         "Alam mo ba kung saan siya makikita? Kung saan siya nakatira?" tanong ko uli.         "Ay bakit? May ginawa ba siyang hindi maganda sa kaibigan mo?” nag-aalalang tanong nito.         “No! Wala naman. Gusto ko lang…siyang makita.”         “Ah… hindi eh. Sorry...napadpad lang yun dito. Eksakto ako ang nakausap kaya tinulungan ko."         Dinampot ko ang baso na may lamang  alak sa mesa at saka iyon tinungga. Bigla akong nakaramdam ng frustration pero hindi ko pinahalata.         Paano ko ba siya makikita?         "Pwede ko bang malaman kung bakit mo siya hinahanap?" biglang tanong ni Candy.         "W-Wala. Wala naman." sabi ko na lang.         Naramdaman ko yung kamay ni Candy na nakapatong sa hita ko ay biglang gumalaw at humaplos pataas pa sa hita ko.         "Pwede naman akong mag-refer sa yo ng iba...oh kaya ako. Bakit ka pa naman maghahanap ng wala?" sabi nito.         Tinantiya ko ang sarili ko. Hindi ko gusto ang idea ni Candy. Yung babaeng yun lang ang gusto kong makasama.         "Next time na lang siguro, Candy. Hindi ako pwedeng magtagal ngayon. Babalik pa ko sa office. Ang dami kong napending na trabaho. I'll just give you a call. Okay?" sabi ko at saka dumukot ng ilang lilibuhin sa wallet ko.         Inabutan ko din si Candy bago ako tumayo.         "Bye." malungkot na pagpapaalam ko dito.    ~CJ1016
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD