MAGHAHATING GABI na pero hindi pa rin makaramdam ng antok si Amara. Kung sa nakalipas na ilang araw ay maaga siyang inaabot ng antok sa gabi, ngayon ay pabiling-biling lang siya sa higaan. Okupado ng kung anu-anong bagay ang isip niya. Masyado yatang mabilis ang mga pangyayari, hindi tuloy siya makapag-isip nang tama. Naalala niya ang madalas niyang mapanaginipan at pangarap niya kahit noon pa, ang maikasal.. Matutupad na iyon pero hindi sa lalaking mahal niya. Ayaw niyang magpadalus-dalos ng desisyon. Alam niyang kahit saang anggulo niya tingnan, magiging talo sila ni Paul sa huli. Hindi niyan mahal ang lalaki samatalang wala rin naman itong mapapala sa kanya. Napabuga siya ng hangin, naupo siya at nagpasyang lumabas muna sa terrace. Malamig na hangin ang sumalubong sa kanya na agad niy