IKATLONG araw ng bakasyon ni Amara, habang umiinom siya ng juice ng hapon na iyon ay naramdaman niya ang presensiya ni Paul sa paligid. Sa loob ng tatlong araw ay palagi itong nakagabay sa kanya, unti-unti na rin siyang nasasanay maging casual dito. “Ang ganda ng ulap, kulay orange.” tinig iyon ni Paul. Kahit hindi niya lingunin, alam niyang nasa likuran niyan lang ito. “Oo nga, e. Ngayon lang siya naging ganyan simula ng dumating tayo dito.” Pagsang-ayon niya naman. “Nga pala, if you don’t mind me asking, ano ang plano mo?” Kumunot ang noo niya, sa totoo lang ay hindi niya maunawaan ang ipinupunto ng tanong nito. Marami kasi siyang planong gawin pero sa sitwasyon niya ngayon, mukhang wala siyang magagawa maski isa dun. Baka ma-pending o kung mamalasin ay hindi niya na talaga magag