KABANATA 39: DAMPI

1542 Words

Mainit na sinag ng araw ang tumatama sa mukha ni Amara, nanggagaling iyon sa terrace. Ramdam niya rin na pawis na siya. Lulugo-lugo siyang bumangon, gamit ang isang matang nakabukas nang marahan ay isinara niya ang pintuan doon at binuksan niya na rin ang aircon bago nahiga ulit. Dahil madaling araw na rin siya nakatulog ng nagdaang gabi, pakiramdam niya tuloy ay bigat na bigat siya sa katawan niya ngayon. Nahihimbing na siya ulit ng may tumawag sa kanya mula sa pintuan. “Ma’am, housekeeping po! Ma’am..” Kasabay pa noon ay ang malalakas na pagkatok. Gusto niya sanang mainis pero pinigil niya ang sarili, inisip niyang ginagawa lang naman ng lalaki ang trabaho nito. Mabigat ang ulo niya, napilitan siyang bumangon at nagbukas ng pintuan. Hindi niya na pansin ang hitsura, humikab pa siya at

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD