KABANATA 9: THE PROPOSAL

2149 Words
“Luke!” Masayang napatayo nang tuwid si Amara ng makitang paparating ang kotse ni Luciano. Sulit ang paghihintay niya nang mahigit tatlong oras sa tapat ng apartment na tinutuluyan nito. Mabuti na lang at may kalapit na sari-sari store doon kaya kahit papa’no ay hindi naman siya nalipasan ng gutom. Mag-a-alas diyes na rin kasi ng gabi at 7pm na siya nakalabas ng optical clinic kanina para magpasukat ulit ng salamin at magpa-check up na rin. Nabanggit kasi ni Mr. Moonre sa kanya kanina na nabasag pala ang eyeglasses niya kahapon ng muntik na siyang mabangga. Mabilis siyang humakbang upang tunguhin ang kotse ni Luciano ng tumapat na ito sa gate at huminto upang buksan marahil ang gate. Kaagad niyang kinatok ang bintana ng driver’s seat hindi pa man nakakalabas si Luke at kumaway dito. “Luke, buksan mo ang bintana.” May katagalan bago tuluyang bumukas iyon. Laking tuwa niya ng makitang si Luke lang ang naroon, pero madilim ang mukha nito. “Anong ginagawa mo dito? Huwag mong sabihing hinihintay mo ‘ko?!” pagalit na tanong nito sa kanya. Nasasaktan man sa paraan ng pakikipag-usap nito sa kanya ay pilit pa rin siyang ngumiti ng nakakaunawa. “Gusto lang naman kita makita at makausap.” “Ano pa ba ang gusto mong marinig, ha? Nakuha ko na nga ang gusto ko sa’yo kaya iiwan na kita. Wala ka ng silbi sa’kin dahil bukod sa hindi ka naman mahusay sa kama, e hindi ka pa maganda! Tama na yung isang buwan ng pagtitiis ko sa’yo.” Nais mapahagulgol ni Amara sa narinig subalit pinigil niya ang sarili, baka lalo lang magalit sa kanya si Luke kapag umatungal pa siya. Bumuga na lang siya ng hangin at muling nilunok ang pride. “W-willing naman akong matuto at magbago para sa’yo, Luke. ‘Wag mo lang akong iwan, mahal na mahal kita.” Kita niyang napangisi ang lalaki at umiling. “At sa tingin mo talaga mag-e-effort pa akong turuan ka at paayusan? I’m not crazy! Stop daydreaming, Amara. You’re not even my type, napagpustahan ka lang namin.” Hinamig niya pa rin ang sarili at sinikil ang damdamin kahit pa nga nahihirapan na siyang huminga sa sakit na nararamdaman. “Alam kong pinagpustahan niyo lang ako, Luke. Pero wala naman akong paki-alam dun, e. Masaya akong kasama ka. Okay lang sa’kin kung ayaw mo na akong balikan basta ‘wag mo lang akong layuan na gaya ng ginagawa mo ngayon. Gagawin ko lahat ng gusto mo, p-pwede mo ‘ko gawing isa sa mga babae mo. Okey na ko kahit every weekend, basta makasama lang kita, Luke.” kulang na lang ay lumuhod na siya sa gilid ng sasakyan nito. Ngayon na sila lang ni Luke, sisiguruhin niyang mapapapayag niya ito sa kahit anong kasunduan. Wala na siyang pakialam sa tinatawag nilang dignidad o pride, mahal niya ito. Tanga na kung tanga pero hindi niya basta isusuko ang pagmamahal na kay tagal niyang inilihim at iningatan. “Sigurado ka ba sa sinasabi mo, Amara? Paano kung gawin lang kitang parausan ko kung kailan ko gustuhin? Ayos lang sayo?” nanunubok na tanong nito sa kanya. Walang pagdadalawang-isip naman siyang tumango nang sunod-sunod. “Kahit ano, Luke. B-basta makasama kita.” Sa likod ng kanyang isip ay umaasa siya na baka matutunan rin siyang mahalin ni Luke. Na baka kapag nakita nitong nakahanda siyang isakripisyo ang lahat ay matauhan ito at tratuhin na rin siya nang tama. Pero napabunghalit lang ng tawa si Luke, sinabayan pa nito iyon ng pag-iling na animo’y hindi makapaniwala sa naririnig niya. “Talaga, ganyan ka kabaliw sa’kin? Wow!” Kulang na lang ay pumapakpak na pati ang tainga ni Luciano. Sino bang mag-aakala na kakapit ng ganito sa kanya ang babaeng napagtripan niya lang naman? Maraming bagay ang kaagad na pumasok sa isip niya. Exciting at sino ba naman ang tatanggi kapag palay na mismo ang pilit na lumalapit sa manok? “Pangako, makukuntento ako sa kaya mong ibigay na oras sa’kin, Luke. Susulitin ko ang bawat araw na pagbibigyan mo akong makasama ka. Wala kang maririnig sa’kin na kahit ano, susundin ko lahat ng gusto mo.” Matamang tinitigan ni Luciano si Amara na noo’y akala mo isang pulubing nakadungaw sa bintana ng sasakyan niya. Kita niya ang paghihirap sa mga mata nito na nakaraan lang ay puno ng ligaya. Napaisip siya kung pagbibigyan niya na ba ang nais nito o bibitinin niya muna ngayong gabi ang sagot niya. Sa huli ay pinili niya ang pangalawa. “Hayaan mo, pag-iisipan ko ang sinabi mo. Sige na, umuwi ka na.” Walang nagawa si Amara kung hindi ang tumango at lumayo sa sasakyan. Nakita niyang bumaba si Luke at lumapit sa gate upang buksan iyon gamit ang susi nito. Habang nasa madilim na parte lang ng kalyeng iyon si Amara, kuntentong nakatanaw sa lalaking minamahal. Kahit papa’no ay hindi nasayang ang paghihintay niya, malakas ang kutob niyang papayag naman si Luciano sa paki-usap niya dito. Wala man itong konkretong sagot sa kanya ngayon, naniniwala siyang sa mga susunod na araw ay palihim siyang ite-text o tatawagan ng lalaki. Sa isiping iyon ay napangiti siya. Isa nga siguro siyang masokista at tangang babae. Anong magagawa niya gayong labis niyang mahal si Luciano? Ang kanya lang naman, hangga’t may pagkakataong makasama ito ay gagawin niya dahil dun siya masaya. Si Luciano lang ang nakapagpasaya sa kanya ng lubos at handa siyang ibigay ang lahat maramdaman lang ulit ang kaligayahang iyon sa piling nito.. Kampante siyang umuwi ng gabing iyon baon ang pag-asa sa kanyang dibdib. Kahit papa’no ay kumportable siyang nakatulog at nagising nang maaga upang asikasuhin ang sarili niya. Habang nagsesipilyo ay hindi niya napigilang pagmasdan ang sarili sa salamin. Baba at taas ng ngipin niya ay may mga braces, pinagawa niya iyon dahil hindi pantay ang mga ngipin niya. Farsighted din siya at may mataas ng grado ang mga mata niya kaya kailangan niya ng salamin dahil kung hindi ay sumasakit ang ulo niya. Hindi rin maganda at shiny ang buhok niya, ang totoo ay sabog iyon dahil medyo wavy at makapal pa. Sa t’wina ay pinapaikot at iniipit niya lang iyon paitaas. Aware siyang nerd ang kabuoan niya at masaya naman siya doon, ni hindi sumagi sa isip niyang baguhin ang hitsura pero kung hihilingin siguro ni Luciano, kahit labag sa kagustuhan niya ay gagawin niya. Naging normal naman ang maghapon niya, in-announce na rin ni Mr. Moonre sa opisina nila ang nalalapit niyang promotion, kung magkataon ay Ma’am na rin ang itatawag sa kanya ng mga ka-trabaho at sa bawat bagay ay hihingin ang opinyon niya. Sa pagkakataong yun ay mapapadalas ang pakikipag-usap ni Luciano sa kanya. Uwian ng bigla na lang siyang harangin ni Summer. Naisipan niya kasing magbanyo muna bago umuwi, paglabas niya ng restroom ay agad na bumungad sa kanya ang babae, luminga siya sa paligid, wala ng ibang tao sa opisina nila, silang dalawa na lang kaya may ideya na siya kung ano ang gagawin nito sa kanya. Nakapa-krus sa dibdib nito ang dalawang braso habang matalim na nakatingin sa kanya. Hindi siya umimik at nagtangkang lampasan ito pero mabilis nitong nahaklit ang braso niya at ibinalik siya sa pwesto niya kanina. “Summer pwede ba, wala akong planong patulan ka.” mahinahong wika niya rito habang hinihimas ang brasong nasaktan. “Palibhasa alam mong hindi mo ‘ko kaya. Pero ‘wag kang mag-alala, may ilan lang akong itatanong sa’yo at gusto ko magsabi ka ng totoo dahil kung hindi, ako na mismo ang magtatanggal niyang braces mo!” matapang na banta nito sa kanya. Hindi pa rin siya kumibo at nanatiling nakatayo lang. Hindi naman siya natatakot sa banta ni Summer, puro lang din naman ito daldal, ginagawang bayolante ang pagsasalita para manakot ng kapwa pero ang totoo ay duwag talaga ito. “Anong klaseng pang-aakit ang ginawa mo kay Mr. Moonre para bigyan ka ng promotion, hmm?” Kakaiba ang tingin nito sa kanya, tila ba nandidiri na hindi niya mawari. “Hindi ko siya inakit, Summer. Disenteng tao si Sir Paul, alam niyong lahat yan. I work hard to earn this promotion at alam ko na deserved ko ‘to.” Pero bahaw na natawa ang babae, pumalakpak pa ito na akala mo ay nang-aasar. “And you expect me to belive that? I’m not fool, Witch! Anong ginawa niyo kahapon kaya pati lunch break ay hindi ka nakalabas?” Kung maka-kumpronta ito ay dinaig pa ang CEO nila. Nailing na lang si Amara at napabuntong-hininga. Anuman ang sabihin niya ay wala ring saysay dahil hindi naman siya pakikinggan ni Summer. “Alam mo, wala naman akong dapat ipaliwanag sa’yo. Nasagot ko na ang tanong mo kaya kung wala ka ng ibang sasabihin, excuse me, kailangan ko ng- Arraaay!” Tangka na sana niyang lalampasan ulit ang kaharap ng bigla na lang nito hatakin ang buhok niya at ibalda siyang paharap sa pader na dingding. Doon ay hinila pa nito paibaba ang nakalugay niyang buhok saka inilapit ang bibig nito sa kanyang tainga. “That position is supposed to be mine, Amara! I will not allow you to become my superior, no that won’t gonna happen. So give it up or I will make your life miserable!” galit na bulong nito sa kanya bago siya marahas na binitawan at walang pasabing iniwanan na doon. Hindi lang nanakit ang batok niya sa ginawa ni Summer, kumirot din ang anit niya sa tuktok. Hindi niya napaghandaan ang magiging atake nito sa kanya. Lahat na lang ba ng mayroon siya ay kukuhain ng babaeng yun? Saka, kailan pa ito naging interesado maging managing editor samantalang ni hindi nga nito magawa nang tama yung mga pina-revise ni Mr. Moonre? May ideya siyang pinagta-tyagaan lang din ito ni Paul dahil sa may impluwensiya ang tatay nito at dala na rin ng respeto doon. Inayos niya ang sarili at naghanda na para umuwi. Pababa siya ng hagdan ng marinig ang cellphone niya. Kinuha niya iyon, isang walang pangalan na numero ang nasa screen. Bihirang may tumawag sa kanya, hindi kaya si Luciano na iyon? O baka naman ang pamilya niya iyon sa canada? Dali-dali niya iyong sinagot. “Uhm, Hello?” “Hi couz!” masayang bati sa kanya mula sa kabilang linya. Gumuhit ang simpleng ngiti sa kanyang labi. Kilala niya ang boses na iyon, si Ruby- ang pinsan bestfriend niya. “Couz! Buti napatawag ka, kamusta ka na?” wala man sa inaasahan niya ang tumawag ay pilit pa rin niyang binuhay ang tinig. Nasa probinsiya kasi ito at alam niyang busy sa pagma-masteral ng abogasya. Ilang beses na kasi itong bumagsak sa bar exam kaya nagpasya munang magpalamig sa probinsiya nila kung saan ito magre-review. Malayo sa ingay ng lungsod at mapang-akit na mga kaibigan dito.. “Maayos naman ako, nabanggit mo kasi last month sa chat na natupad na ang greatest dream mo, gusto ko lang naman maki-chika. Ano ng lagay niyo ng Luciano na yun? Naku, ikaw ha? ‘Wag mo munang isusuko ang puting bandera dahil nako, sigurado akong kapag bumigay ka agad sa mokong na yun, iiwanan ka nun ura-urada! Kilala ko mga karakas niyan, e. Noon pa man wala na kong bilib sa hilatsa ng mukha nun. Manliligaw at pagkatapos-” “Couz, naisuko ko na. At tama ka, iniwan niya na ako right after may nangyari sa’min.” putol niya sa sinasabi ng pinsan. Balewala naman sa kanya ang pagtatapat dito, ito lang ang pinagkakatiwalaan niya at ilang beses niya ng nasubok ang pagiging faithful nito sa kanya. Inaasahan niya ang malakas na bulyaw mula rito pero nagulat siya ng hindi ito umimik. “Couz, andiyan ka pa ba?” “Oo, so, hiwalay na pala kayo. Mabuti naman.” Mula sa tila palengkerang tinig nito kanina ay naging seryoso iyon at malamig. “Uhm, yun nga ang gusto ko pa aminin sa’yo, e. Ano kasi-” “Hindi, Amara. Ano man ang sasabihin mo, hindi ako pabor kaya itigil mo na.” Amara na ang tawag nito sa kanya, isa iyong senyales na naaasar na ito sa kanya. “P-pero couz, alam mo naman kung gaano ko siya kamahal ‘di ba?” “Ano ba, Amara Johnson. Hindi ito ang inaasahan kong pag-uusapan natin. Pasalamat ka malayo pa ako sa’yo dahil kung hindi, baka inumpog na kita sa pader!” Kasasabunot nga lang ng Summer na yun sa kanya, pagkatapos heto at gustong-gusto din siya iumpog ng pinsan niya sa pader?! “Ikaw ang may sabing gusto mo maki-chika sa lovelife ko, Couz.” Rinig niyang marahas na napabuntong-hininga si Ruby sa kabilang linya. Kasunod noon ay ang pagtawag nito sa taxi. Nagtaka siya. Paanong magkakaroon ng taxi sa probinsiya nila? “Manong, sa Makati ho tayo.” rinig niya pang utos nito sa driver. Napamulagat siya. “Hoy Rubina, nasaan ka ba talaga, ha?!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD