Wala sa sarili si Amara habang papauwi ng gabing iyon, madaling araw na at natagpuan niya na lang ang sariling naglalakad sa kadiliman ng gabi. Malamig at delikado ang paligid pero hindi siya makaramdam ng takot, pagkatapos ng mga nangyari, hindi na siya magtataka kung susunod-sunurin man siya ng kamalasan.
Hanggang sa hindi niya na nakayanan, napaupo siya sa nadaanang waiting shed, hapung-hapo ang pakiramdam niya. Hindi niya namalayang naglalandas na pala sa magkabila niyang pisngi ang masaganang luha. Tanggap niya naman kung ayaw sa kanya ni Luciano, pero hindi sumagi kailanman sa isip niya na kaya nitong gawin ang ganitong bagay. Oo at kilala itong babaero, pero sa loob ng isang buwan na palagi niya itong kasama ay nakita niya naman ang kabutihan nito. May kabaitan sa puso si Luciano at hindi niya iyon pwedeng ipagkamali lalo na sa mga taong naghihirap.
Tuluyan niyang naisubsob ang buong mukha sa kanyang mga palad.
Diyos ko, nagmamahal lang naman po ako pero bakit ganito? Maling tao po ba ang pinili niyo para sa’kin?
Wala sa bukabularyo niya na kwestiyunin ang diyos dahil alam niyang siya ang may hawak ng pagdedesisyon sa kanyang buhay, pero hindi ba’t ito naman ang nagbibigay ng kakayahan sa tao upang magmahal?
Ganito ba talaga kasakit ang pagmamahal? ganito ba kahirap patunayan na tapat at totoo ang nararamdaman ko? Hindi pa ba sapat lahat ng ibinigay ko?
Nasa ganoon siyang kalagayan ng muling tumunog ang cellphone niya. Nagulat siya dahil si Luciano nanaman ang tumatawag. Lalo siyang napaiyak, hindi pa rin ba siya tatantanan ng mga ito?
“H-hello, p-pwede bang bukas na lang ulit? Pagod na pagod na ako Lu-”
“Where are you?!” Si Luciano iyon, malakas ang tinig nito at bakas sa tinig ang pag-aalala..
“H-ha?” aniya saka iginala ang paningin sa paligid habang tinutuyo ang luha niya gamit ang mga daliri, nasaan na nga ba ‘ko? Hindi siya pamilyar sa kinaroroonan niya, hindi niya rin alam kung gaano kalayo ang nilakad niya. Ang alam niya lang, may katagalan din iyon..
“H-hindi ko alam, nasa isang waiting shed lang.”
“F*ck! Who’s with you?! How did you get there?” galit na tanong nanaman nito.
Kahit sa tawag ay ramdam ni Amara ang takot. Hindi niya pa nakitang galit ang lalaki subalit ngayon, maging ang langitngitan ng mga ngipin nito ay dinig niya. Bakit ba ito nagagalit na akala mo ay concern sa kanya? Hindi ba’t kasabwat ito ni Summer sa panse-set-up sa kanya?
“W-wala, ako lang at .. naglakad lang ako.” nginig na tugon niya.
Muli ay marahas na bumuntong-hininga ang kausap.
“Okay, ‘wag kang aalis diyan at huwag mo ring ibababa ang cellphone. Magpapapunta ako ng taxi, parang alam ko na kung nasaan ka.”
“H-ha? P-pero bakit? Hindi ba-”
“Enough, Amara! This is your fault! Now stay still at ‘wag mo ibaba ang tawag hangga’t wala diyan ang taxi.” Dominanteng utos nito. Tahimik siyang napatango kahit hindi naman makikita ng kausap.
Sa napakaraming pagkakataon, matapos siyang saktan ng lalaki ay babawi ito. At totoong napapalambot noon ang puso niya nang paulit-ulit. Kung kanina lang ay mabigat ang kalooban niya, ngayon ay gumaan na iyon ulit at pansamantala niyang nakalimutan ang mga sinabi ni Summer sa kanya. Matiyaga siyang naghintay sa sinasabi ni Luciano’ng taxi upang ihatid siya pauwi.
NAGTATANGIS ANG BAGANG ni Luciano habang mariing hawak ang kanyang cellphone, muli niyang pinasadahan ng tingin ang text message na hindi naman siya ang may gawa. Madilim ang mukha niya ng balikan niya ng tingin si Summer na noo’y malaki ang pagkakangiti habang tila may pinapanuod sa cellphone nito.
“What did you do, Summer?” Nagbabanta ang tinig niya, pero kilala niya ang babae, wala itong kinatatakutan.
Ng hindi siya nito pansinin ay inis niyang inagaw ang hawak nitong cellphone at tiningnan kung ano ang pinapanuod nitong noon ay naka-mute pa. Nanlaki ang mga mata niya ng makita doon si Amara habang halos hubad na at nagpupumiglas mula sa pagkakahawak ng dalawang lalaki!
Pakiwari ni Luciano ay lumaki ang ulo niya sa napanuod, gustong magdilim ng paningin niya pero nagawa niyang kontrolin ang sarili. Hindi siya nakapagsalita, hindi niya alam kung saan o paano magsisimula. Hindi niya akalaing aabot sa ganito ang kalokohan ni Summer.
“I told her, she will regret it if she accept the promotion, pero hindi siya nakinig sa’kin.” Mataray na usal nito. Tila proud pa ito sa ginawang kasamaan sa iba.
“P-pero bakit kailangan mo ‘kong idamay? Bakit sa bahay ko pa?!”
Pero ngumisi lang si Summer. Lumapit ito sa kanya at dinama ang kanyang dibdib.
“Because you are her weakness.” Bulong nito sa tainga niya bago iyon dinilaan.
Sa halip na ganahan ay inis na pinalayo ni Luciano ang dalaga sa kanya.
“Ano pang ginawa niyo sa kanya?” Kulang na lang ay manlisik ang mga mata niya. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring masama kay Amara.
“Bakit? ‘Wag mong sabihing nag-aalala ka sa nerd witch na yun?”
Sa narinig ay natigilan siya. Tama, nag-aalala nga siya. Pero bakit? Dahil hindi niya naman maipaliwanag ang dahilan ay pilit niyang kinontra ang nadarama.
“Talaga bang hindi ka nag-iisip, ha? Gagawa ka ng kalokohan, sa bahay ko pa? Paano kung madisgrasya niyo yun, e’di damay-damay tayo? Sa susunod maghanap ka ng ibang lugar at siguruhin mong malinis at wala kang saksi!”
Makahulugang tumitig sa kanya si Summer, “Ganun ba, hayaan mo tatandaan ko ‘yan.” nakangiting wika nito sa kanya.
Nanghihina siyang napaupo sa katabing kama. Hindi siya mapakali. Nag-aalala siyang hindi niya mawari.
“Aalis muna ako,” maya-maya’y paalam ni Luciano, kaagad niyang kinuha ang pantalon at t-shirt niya at isinuot ang mga iyon. Agad na kumontra si Summer at hinawakan siya sa braso.
“Teka, madaling araw na, dito ka na mag-stay.” anito sa malambing na tinig.
“Ayoko, uuwi muna ako at tse-tsekin ang ginawa niyong kalat sa bahay ko.” Inis na wika niya at saka padabog na lumabas ng condo unit na iyon.
Pagbaba na pagbaba niya ng building ay agad niyang tinawagan ang number ni Amara. Matapos kumpirmahin ang kinaroroonan nito at malamang wala itong kasama ay nagtawag na siya ng taxi, sinipat niya ang oras sa kanyang relo, pasado ala-una na ng madaling araw. Muling nagtangis ang mga bagang niya.
Hindi siya paladasal na tao pero ng sandaling iyon ay napahingi siya ng gabay sa diyos. Humiling na sana ay huwag nitong hayaang may mangyaring hindi maganda kay Amara hanggang sa makarating siya doon. Hindi naman natagalan at lulan na siya ng taxi patungo sa kinaroroonan ni Amara. Ng malapit na sila sa waiting shed ay nagpababa na siya sa madilim at mapunong parte ng kalsada bago pinaderetso na ang taxi sa waiting shed. Doon ay tanaw niya si Amara at nakahinga siya nang maluwag ng makitang ayos naman ito at matiyagang naghihintay.. Sa pagkakataong iyon ay in-end niya na rin ang on-going call sa cellphone niya. Ng maihatid niya ng tanaw ang papalayong taxi kung saan naroon si Amara ay saka pa lamang siya nagpasyang bumalik na sa bahay niya…