“Baliw ka na, Insan! Paano kung mabuntis ka ng g*gong yun? Tingin mo ba pananagutan ka niya, ha?!” Hindi na naikubli ni Ruby ang inis na nararamdaman kay Amara. Walang preno ang bunganga niya kahit pa alam niya namang hindi siya pakikinggan nito.
Hindi niya nagawang bawiin ang mga kamay ng bigla na lang iyong gagapin ng pinsan.
“Hayaan mo muna ako, Couz. Ngayon lang naman ‘to. M-malay mo kapag nagkaanak siya sa’kin, m-magbago siya, ‘di ba? Bigyan mo muna kasi ng chance yung tao bago husgahan. S-sige na, aalis muna ako, ha?”
Pero hindi pa rin maipinta ang mukha ni Ruby, pinakita niyang masama talaga ang loob niya. “Grabe ka, iiwanan mo ‘ko dito para sa lalaking yun. Kadarating ko lang, imbis na magkwentuhan tayo, aalis ka!” Hindi man bihasa sa pagpapaawa ay sinubukan pa rin niya. Umaasang kakalabitin ng kaunting guilt ang pinsan at hindi na tutuloy sa pag-alis. Pero tinapik lang ni Amara ang kamay niya saka ito ngumiti.
“Kaya mo yan, malakas ka,” anito saka kinuha ang shoulder bag niya at naglakad na palabas ng apartment nito.
“Nga pala, baka bukas na ako makauwi, ha? Sleep well!” Pahabol pa nito.
“Pero, Amara! Amara!” malakas na tawag ni Ruby subalit malakas na pagsara lang ng pinto ang naging sagot sa kanya ng pinsan. Tuliro siyang napailing, mukhang wala talagang planong papigil ang isang yun. Inis niyang nagulo ang maikling buhok, ang akala niya pa naman ay magdamag silang magkukwentuhan nito.
Bwisit kasing Luciano na yun! Ano bang ipinakain nun sa pinsan ko para mabaliw sa kanya nang husto si Amara? Teka, hindi kaya..
Nanlalaki ang mga matang naihawak ni Ruby ang dalawang kamay sa kanyang bibig ng may kumislap na ideya sa kanyang isip.
Posible nga! Baka nga ginayuma niya si Amara!
Kasabay noon ay ang pagbangis ng kanyang awra. Hindi ako papayag na tuluyan mong lasunin ang utak ng pinsan ko, Luciano! Hindi ako papayag!
“Bukas ang gate, pumasok ka na lang. Dumeretso ka sa apartment ko at gusto ko, pagpasok mo sa kwarto ay magpalit ka ng inihanda kong nighties para sayo, nasa ibabaw lang iyon ng kama. Wag mong bubuksan ang ilaw.” text iyon ni Luciano sa kanya.
Hindi alam ni Amara kung kilig ba ang nararamdaman niya, siguro naman valid na rason ang text na yun para ma-excite siya. Sabihin mang iyon lang ang habol ni Luciano sa kanya, ang mahalaga para sa kanya ngayon ay ang nararamdamang saya. Wala naman kasing ibang makakapagbigay sa kanya noon kung hindi si Luciano lang.
Hindi nawala ang ngiti niya habang nasa biyahe. Hindi na siya makapaghintay sa inihanda ni Luciano para sa kanya. Nais yata nitong maging kaakit-akit siya, hiling niya na sana ay bumagay ang nighties sa medyo chubby niyang katawan.
Ginawa naman ni Amara lahat ng nakasulat sa text, pero dahil madilim, hindi niya maaninag kung ano ang kulay ng suot niyang nighties. Hindi naman siya nahirapang isuot iyon dahil de tali lang iyon sa harapan. May partner pa iyong pares na underwear na may seksing mga tabas. Ramdam niyang manipis lang kasi ang tela ng mga iyon at hindi rin naman natatakpan ng buo ang kaselanan niya. Napakagat labi siya, may kakaibang init ang gumapang sa kanyang puson. Iniisip niya pa lang ang mga susunod na eksena ay para na siyang sinisilaban.
“Humiga ka at pumikit, ‘wag na ‘wag kang didilat hangga’t hindi ko sinasabi.” pumailanlang ang malalim na boses na iyon sa kabuoan ng silid.
Napasinghap si Amara, tinig iyon ni Luciano. Lalo lang dumagundong ang kaba sa dibdib niya. Sinubukan niyang hanapin ang lalaki sa loob ng madilim na kwarto pero wala siyang maaninag kaya marahan na lang siyang humakbang at nagtungo sa kama upang mahiga na doon at pumikit. Hindi niya alam kung paano hihiga ng tama kaya tumihaya na lang siya at inilagay sa kanyang pusod ang dalawang kamay. Nate-tense siya at pakiwari niya ay nagpapawis na ang mga palad n’ya.
Ngunit habang tumatagal na nakikiramdam siya ay lalo lamang tumitindi ang pagnanais niyang madama na ang katawan ni Luciano sa kanyang tabi. Mariin siyang napapikit ng maaninag ang liwanag na kumalat sa buong silid. Gustong-gusto niya na magmulat pero ayaw niya namang suwayin si Luciano. Nahihiya siya dahil wala siyang ideya kung ano ang hitsura niya ng mga sandaling iyon.
Pinagmamasdan niya kaya ang kabuoan ko?
Sa isiping iyon ay napakagat-labi siya. “L-luke, nariyan ka na ba?” mahinang tanong niya ng wala pa ring maramdamang pagkilos sa paligid niya.
Walang tugon…
Hanggang sa makarinig siya nang mahinang yabag papalapit sa kanya.
Naikuyom niya ang kamao lalo ng pumuno sa silid ang pamilyar na pabango ni Luciano. Pigil na pigil syang dumilat upang masilayan na ang lalaking minamahal.
Halos mapapitlag pa siya ng may humawak sa dalawa niyang kamay, Eto na yun! Bulong niya sa kanyang isip. Dapat na ba ‘kong dumilat? Napalunok siya ng laway kasabay ang marahang pagmulat ng kanyang mga mata. Subalit gayun na lang ang panlalaki ng mata niya ng makitang hindi si Luciano ang nasa tapat ng mukha niya kung hindi si Summer! May hawak itong camera na nakatutok sa kanya habang sa dalawa niyang braso ay may dalawang lalaki pala ang magkahiwalay na nakahawak doon upang marahil ay pigilan siya sa gagawin niyang panlalaban.
“S-summer!” Tigagal niyang usal, ninais niyang takpan ang kanyang katawan pero hindi niya maigalaw ang mga braso.
“B-bitiwan niyo ko!” Malakas niyang sigaw pero tila lalo pang humigpit ang hawak ng mga ito sa kanya. Sa tuwing papalag siya ay parang madudurog ang braso niya dahil humihigpit nang husto ang pagkakahawak ng mga ito doon.
“Huwag niyo munang bibitiwan!” maotoridad na utos ni Summer sa dalawang lalaki bago siya sinilip at ipinagapang ang camera sa kabuoan ng katawan niya.
“I told you, you will regret this.” Nakangising wika nito sa kanya. “Ang lakas ng loob mong pumunta dito, anong akala mo, papatulan ka pa ulit ni Luciano? Hah, kung alam mo lang na sukang-suka siya sayo! Look at you, ni wala ka pa sa kalahati ng kaseksihan ko.” mapang-uyam na wika nito sa kanya bago tuluyang inalis ang manipis na nighties na noo’y siyang tanging nagkukubli sa kabuoan niya..