KABANATA 13: BAGONG KAIBIGAN

1056 Words
“What?!” napaigtad si Amara sa biglang pagsigaw ni Mr. Moonre, ang lalim din ng pagkakakunot ng noo nito habang titig na titig sa kanya. Kumabog sa kaba ang dibdib niya. Sunod-sunod din siyang napalunok ng laway, gusto niyang tumakbo palayo dito pero mas inaalala niya ang aabuting kahihiyan kapag hindi niya ginawa ito. “Ulitin mo nga ang sinabi mo Ms. Johnson. I hope na nabingi lang ako.” matalim ang tingin nito sa kanya, nagbabanta at kahit hindi nito sabihin, alam niyang gusto nitong bawiin niya ang sinabi kanina. Pilit niyang inalis ang bara sa kanyang lalamunan at nilakasan ang loob. “A-ang sabi ko po, hindi ko na.. Hindi ko na ho tatanggapin yung promotion.” Kasabay noon ay ang pagyuko niya sa kanyang ulo. Hindi iyon madali para sa kanya pero wala na siyang pagpipilian. Wala siyang narinig na tugon mula kay Mr. Moonre, marahas na buntong-hininga lang ang pinakawalan nito. May ilang minuto pa ang dumaan bago ito muling nagsalita. “Give me an acceptable reason, Amara,” seryosong wika nito. Napag-isipan niya na ito kagabi at umaasa siyang maniniwala ito sa kanya. “Na-realize ko po kasi na hindi ko pala kakayanin ang pressure. Nung pinaliwanag niyo sa’kin lahat, natakot ako.” pagsisinungaling niya. Hindi siya nagtataas ng mukha dahil iniiwasan niyang magtama ang paningin nila. Ayaw niyang mabasa nito sa mga mata ang lungkot dahil napipilitan lang siya sa ginagawa. “I can’t belive this, Amara. You promise! Ang sabi mo ay hindi mo ‘ko bibiguin. Of all employee, I choose you. I am confident because I know how dedicated you are. Pagkatapos ay ganito? Bakit hindi mo pa ‘ko tinapat nung pinapapirmahan ko pa lang sayo ang kontrata?” Mariin siyang napapikit. Hindi niya alam kung gaano na kababa ang ulo niya, nahihiya siya at nagi-guilty. Hindi niya rin alam kung kaya niya pa bang tagalan ang sitwasyon na kinakaharap. Sunod-sunod siyang napailing kasabay ang pagbagsak ng luha sa kanyang mga mata “I- I’m so sorry, Sir.” Ngatal na sabi niya saka walang paalam na tumayo at lumabas ng opisina nito. Ayaw man ay kusang bumabagsak ang luha sa magkabila niyang pisngi. Nanlalabo din ang paningin niya dahil doon. Pinagtitinginan siya ng mga nakakasalubong kaya nagmadali siya sa paglalakad, hindi niya na ginawang dumaan pa sa opisina kung saan siya nagtatrabaho at dere-deretso ng lumabas ng building na iyon. Walang direksyon ang mga paa niya. Litung-lito siya sa mga nangyayari. Ito ba ang kapalit ng isang buwang kaligayahan? Sa loob ng mahabang panahon, isang buwan lang naman siyang sumaya ng ganun katindi. Yung saya na walang paglagyan sa puso niya at nag-uumapaw. Pakiwari niya ngayon ay mawawala na ang lahat sa kanya. Hanggang sa natagpuan niya ang sarili sa loob ng simbahan na nakaupo sa huling row ng mahahabang silya doon. Napakalungkot at hugkag ng pakiramdam niya. Malungkot siyang napangiti habang nakatitig sa malaking krus na nasa unahan niya. Salamat po Papa God, siguro mahal na mahal mo ‘ko kaya binibigay mo sa’kin ang ganito kabigat na pagsubok, ano? Akala mo siguro ang lakas-lakas ko. Nakagat niya ang pang-ibabang labi sa pagpipigil na mapahagulgol. Hindi niya mailabas ang bigat ng damdamin, ayaw niya rin namang ipakita kay Ruby na ganito siya ka-miserable dahil siguradong sisisihin nanaman nito si Luciano. Ayos lang po ako, basta lagi niyo ‘kong palalakasin, ha? Mahal ko naman po ang sarili ko, e. Mas mahal ko nga lang si Luciano kaya sana tulungan niyo rin ako sa kanya. Sana magkaroon na ng direksyon ang buhay niya at makita niya naman ang halaga ko. Siya na lang po kasi ang nagpapasaya sa’kin. “Ate ganda, bakit ka po umiiyak?” Nagulat pa si Amara sa mga kalabit ng bata sa kanyang braso. Awtomatikong napabaling ang tingin niya dito. Nasa tabi niya pala ito at nakaupo doon habang nakatunghay sa kanya. Isa iyong batang lalaki na sa tantiya niya ay nasa tatlo o apat ang idad. Ng ngumiti ito ay nakita niyang wala na itong apat na ngipin sa itaas na bahagi, gayunpaman ay napaka-cute pa rin nito at nagniningning din ang mga mata. Hindi niya namalayang nahawa na pala siya dito. Kimi siyang napangiti at hinaplos ang buhok ng bata. “Umiiyak ka po, ang ganda mo pa naman ate.” muling wika nito sa kanya at saka iniabot sa kanya ang hawak nitong panyo. Nahihiya niyang tinanggap ang panyo at tinuyo ang kanyang pisngi. “S-salamat ha? Ang bait bait mo naman. Anong pangalan mo?” Pinasaya niya rin ang tinig upang hindi na mag-alala pa ang bata. “Lucas po ang pangalan ko, ako ay tatlong taong gulang at nakatira sa-” “Anak! Andiyan ka lang pala. Kanina ka pa namin hinahanap nila sister, ah?” Biglang bulalas ng isang babae. Agad nitong kinuha ang Anak at sinuri ang kabuoan, bakas sa mukha nito ang labis na pag-aalala. Tila hindi rin siya napansin nito. “Dinamayan ko lang po itong magandang ate, Mama. Umiiyak po kasi siya kanina.” magiliw na paliwanag ng bata. Doon pa lang siya tinapunan ng tingin ng babae at nginitian. Noon lang rin napagtanto ni Amara ni parang halos kaidad niya lang ang nanay ng bata, maganda din ito at disente. Kung sa pormahan din lang ay magkakasundo siguro sila nito. “Ah, ganun ba anak. Mabuti naman iyon pero sana nagpaalam ka sa amin nila sister. Nag-alala ang mama sayo nang husto, e.” Hindi niya mapigilang ma-touch ng biglang yakapin ng bata ng nanay nito. May kung anong kumabog sa dibdib niya at ang gaan noon sa pakiramdam. Parang sa ilang saglit ay nakaramdam siya ng inggit. “Sorry po, mama. Hindi ko na po uulitin, pangako po.” Hindi nawala ang ngiti sa labi ni Amara habang pinagmamasdan ang tagpong iyon sa kanyang harapan. Bago tuluyang umalis ay tinapunan siya ulit ng matamis na ngiti ng babae at tinanguan din. Nakita niyang tila sa gilid ng simbahan nagtungo ang mag-ina at hindi naman talaga lumabas doon. Sandali pa siyang namalagi sa kinauupuan bago nagpasyang umalis na. Ayos na ulit ang pakiramdam niya at handa nanamang harapin kung ano ang ibabato ng kapalaran sa kanya. Paalis na sana siya ng makita ang nanay ng bata, tila papunta ito sa kanya habang nakapaskil ang ngiti sa maamong mukha nito..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD