“Anong sabi mo?! A-anong dahilan, bakit siya isinugod sa hospital?” Puno ng pag-aalala ang tinig ni Paul habang kausap si Luciano. Hindi niya masiguro kung seryoso lang ba talaga ang lalaki o may pag-aalala din sa mukha nito. “N-nahirapan daw siya huminga dahil sa… sa walang patid na pag-iyak,” ani Luciano. “Walang patid na pag-iyak?” pag-uulit ni Paul. Kasunod noon ay ang sabay-sabay na langitngitan ng mga ngipin niya at pagkuyom ng kanyang kamao. “May ipapakiusap ako sa’yo, Paul.” Lalong nangunot ang noo niya sa narinig. Nasa opisina sila pero tinatawag siya nito sa first name niya! Napangisi siya at matalim na tinitigan ang kaharap. “Hah, saan ka naman humuhugot ng kapal ng mukha para humingi pa ng pabor sa’kin?” Gumanti ng pakikipagtitigan si Luciano sa kanya.. Pero parang may