KABANATA 32: KASUNDUAN

1365 Words

“S-sir Paul?” Paos na tawag ni Amara sa lalaking nabungaran niya pagdilat ng kanyang mga mata. Hindi ito ang inaasahan niyang magigisingan, iginala niya ang paningin sa paligid, umaasa na naroon ang isang mukhang inaasam niyang makita, pero bukod kay Ruby at Paul, wala ng ibang tao roon. “Oh, gising ka na pala, Couz. Kumusta na ang pakiramdam mo?” Lumapit din sa kinahihigaan niya si Paul, bakas sa mukha nito ang pag-aalala. “O-okey na ko, Couz.” nanghihinang tugon niya. “Pahingi akong tubig.” paki-usap niya, ramdam niya kasi ang panunuyo ng kanyang labi at lalamunan. “Naku, kauubos lang ng tubig. Bibili muna ako. Kilala mo naman siya, ‘di ba? Ayos lang bang iwan kita sa kanya?” Kita niyang diskumpyado pang tumingin ang pinsan niya kay Paul. Tila hindi maganda ang first meet ng dalawa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD