Anong amoy ba yun? Kakaiba, kumbaga sa masahe, magaan lang iyon at nakaka-relax. Mild lang ang sumusuot na aroma sa ilong niya pero kakaibang tensiyon ang hatid noon sa kanyang isip. Sweet and innocent fragrance! Marahan niyang iminulat ang mga mata. Blur na kulay peach ang nakikita niya pero hindi niya alam kung ano iyon. Muli siyang pumikit at suminghot, Uhmm.. Tamang-tama sa umagang malamig. It makes me feel warmed. Wala sa sariling inilapit niya pa lalo ang mukha sa bagay na naaamoy niya. Uhmm.. ang init nga, ang sarap naman. Ano bang klaseng unan 'to? nangingiting kausap niya sa sariling utak. Ng medyo tumatagal na siyang nakasubsob doon ay bigla na lang siyang may naririnig na mumunting tunog. Para iyong.. t***k ng puso? Teka, mainit-init at m-mabango? Muli siyang nagmulat ng ma