KABANATA 44: PHOBIA

1034 Words

Malamig naman ang panahon pero pakiwari ni Paul ay biglang umalinsangan ang paligid. Sinulyapan niya si Amara, hindi na ito kumikilos, mukhang nakatulog na nga. Hindi siya mapakali kaya nagpasya siyang lumabas na lang muna. Doon na lang siya magpapa-antok. Baka kasi pasukin ng kung anong bagay ang utak niya at makalimutan niyang may ipinangako siya kay Amara. Malamig at mamasa-masang hangin ang sumalubong sa kanya pagbukas niya ng pintuan. Okay naman sana pero hindi siya natuwa sa nasasaksihan. Mula sa kinaroroonan ng kubo ay tanaw niya ang sunod-sunod na pagguhit ng kidlat sa malayong parte ng karagatan. Hindi umaabot sa kanila ang tunog noon pero bahagya siyang kinabahan. Sensitive kasi siya sa tunog ng kulog at kidlat. Simula ng magka-isip siya, hindi niya na talaga gusto ang tunog ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD