"Ano bang nakakatawa?" inis na tanong ni Amara. Hindi ba alam ni Paul kung gaano kahirap para sa kanya na sabihin ang bagay na yun? Saka, may mali ba sa sinabi niya? Mali ba yung pagkakadeliver niya o dapat ba literal niyang sabihin na nag-masturba** ito? "And how do you know that's natural and what is it again? Our, I mean, we, men's nature?" Muling tumawa si Paul. Mukhang wala namang balak si Paul na kausapin siya nang maayos kaya iniwanan niya na lang ito. Padabog siyang bumalik sa kubo. Kaagad naman siyang sinundan ni Paul. "Hey, ito naman oh. Ba't ka ba napipikon? Saka may sasabihin pa 'ko sa'yo," anito nang mahabol siya. Hindi siya kumibo, iniligpit niya na lang ang hinigaan nila pati na rin yung gadgets na ginamit niya kagabi para mapakalma si Paul. "About what happened last