KABANATA 36: SUNDO

1073 Words

Papadilim na pero hindi pa rin nakita ni Paul na lumabas ng silid niya si Amara. Ilang beses niya ng pinigil ang sariling katukin ito at yayaing kumain. Ang totoo, wala pa man sila sa lugar na iyon ay nai-imagine niya na ang sariling kasama ang dalaga sa paglalakad sa dalampasigan habang papalubog ang araw.. Napabuga siya ng hangin, maya't-maya kung lingunin niya ang terrace ng silid ni Amara, kitang-kita kasi iyon mula sa kinauupuan niya. Ano kayang ginagawa niya? What take her so long? Hindi ba siya nagugutom? Muli siyang sumimsim ng kape at tumayo. Nagpalakad-lakad siya, hindi niya rin maunawaan kung bakit hindi siya makaramdam ng relaxation, ni hindi magawang agawin ng tanawin doon ang kanyang isip mula kay Amara. Siguro nga ay wala ng mas sasaya pa kung kasama niya lang ang dalaga.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD