Naglalakbay ang isip niya habang naglalakad papasok sa isang luxury resorts, imbis na mamangha sa ganda ng tanawin ay mas inaalala niya ngayon ang kalagayan niya. Kung bakit ba naman kasama niya pa doon si Paul?! Kung sa opisina nga ay de-numero ang kilos niya sa takot na madisappoint ang boss niya, paano naman ngayon, ganoon pa rin ba dapat? Ipinilig-pilig niya ang ulo, baka imbis na ma-relax ay maging limitado pa ang mga kilos niya. Sino ba naman ang mare-relax kung nasa paligid lang ang presensiya ng taong halos araw-araw niyang nakakasama sa trabaho at kinatatakutan kung magagalit? “Hey, are you okay?” tila curious na tanong ni Paul sa kanya. “P-po?” Tumaas ang kilay ni Paul. Saka niya naalala ang sabi nito kanina. “Uhm, O-oo, ayos lang naman ako.. P-paul.” utal na tugon niya. “A