“Oh, ayos na ba kayo dito?” tanong ni Nancy sa kanila matapos nitong ilapag sa papag ng kubo ang comforter at dalawang unan. “Okay na ho kami dito, maraming salamat po sa pagpapatuloy at pagpapakain niyo ng libre,” tugon naman ni Paul. “Walang anuman iyon, Iho. O pa’no, maiwan ko na kayo, ha? Lilinisan ko pa kasi si tutoy bago matulog.” pagpapaalam na nito sa kanila. Tumango naman siya at inihatid na ito hanggang sa pintuan. Bumalik siya sa higaan kung saan naroon din si Amara, ramdam niyang hindi ito kumportable kaya siya na ang unang nagsalita. “Don’t worry, lalayo naman ako sa’yo sa higaan. Wala kag dapat ikatakot, Amara.” Nakangiting wika niya saka kinuha ang isang unan at inilapag iyon isang dipa ang layo kung nasaan si Amara. Maliit lang ang silid na iyon at kung lalabas ka sa