Kahit pa nag-e-enjoy sa pagsisid ay hindi naman magawang mag-concentrate ni Paul dahil sa babaeng bigla na lang dumikit sa kanya. Kung saan siya magpunta ay nakabuntot ito at aaminin niyang naiirita siya sa presensiya nito. Halata kasi ang pagiging clingy nito at papansin sa kanya. Marespeto siya sa mga babae at hangga't maaari, ayaw niya sanang madikit kahit sa balat ng mga ito. Naniniwala siyang sagrado ang ganoong bagay at kahit pa hindi naman talaga karespe-respeto ang babaeng yun ay paninindigan niya na lang ang nakagawian para na rin sa pansarili niyang paniniwala. Umahon siya para huminga nang mas maayos pero nakita niyang papalapit nanaman sa kanya yung babae. "Sir, may alam ka ba sa mga corals at fishes dito?" tanong nito. Umiling lang siya bilang tugon.. "Wala, e." "Ganun b