"Anong iniisip mo?" tanong ni Paul kay Amara sa malakas na tinig. Maingay kasi ang motor ng sinasakyan nilang bangka kaya naman kailangan niya pang sumigaw para lang makausap si Amara. Nagtaas ng mukha si Amara, umiling naman ito at pagkatapos ay matamis na ngumiti sa kanya. "Ang ganda!" ganting sigaw nito sabay turo sa sinisilip nito. Napatingin din siya sa malinaw na tubig. Napansin niyang kita pala ang ilalim sa linis ng tubig kahit pa nadadaanan iyon ng bangka nila. Maging siya ay namangha. Inilapit niya ang bibig sa bandang tainga ni Amara upang sabihan sana ito ng plano niyang pag-i-snorkeling mamaya pero bigla na lang itong napaatras. Hindi napigilang magtaka, dahil sa ginawi nito ay bigla tuloy siyang nakaramdam ng pagkapahiya. Napansin naman agad ni Amara ang naging epekto s