“Yun lang ba? Wala bang mas mahirap pa?” mayabang na tanong ni Luciano sa mga kaibigan habang humihipat ng sigarilyo. Katatapos lang nila mananghalian at kasalukuyang nagpapahinga sa kantina habang naninigarilyo. Dahil katapat ng pwesto nila ang kinauupuan rin ni Amara na noo’y mag-isang kumakain kaya malaya niyang napagmamasdan ang dalaga.
Habang inuubos ang laman ng kanyang softdrinks ay hindi niya maiwasang mapailing at manghinayang, maganda naman kung tutuusin si Amara, ang baduy lang talaga nito pumorma at lalong masakit sa mata niya ang braces nito sa ngipin at salamin sa mata!
“Ano pare, isang linggo?” hamon ni Zandro sa kanya, gaya niya ay sinusuri din nito ng tingin si Amara habang nakangiwi.
Matamang tinitigan ni Luciano ang babae saka napangisi. Alam niyang alam na nitong pinagmamasdan niya ang dalaga. Ngayon pa lang ay pansin niya ng asiwa ito at hindi mapalagay sa pamamaraan niya ng pagtitig dito.
“Hindi pare, just give me three days.” tila desididong tugon niya.
Sabay na nagbuyuhan at nagtawanan ang dalawa niyang kaibigan.
“Ikaw na talaga, Luciano! O, pa’no, pag natalo ka alam mo na, ha?” si Francis iyon.
“Kayo naman, kailan ba kayo nanalo?”
“Sa hitsura ni Amara? Sigurado akong hindi mo yan mapapasagot sa loob ng tatlong araw, Pare. Kalat na kalat sa office ang pagiging conservative niyan at iwas sa mga lalaki,” ani Zandro.
“Totoo, hindi na nga maganda, aba at choosy pa!” naiiling na sang-ayon din ni Francis.
Pangisi-ngising napapailing na lang si Luciano sa mga kasama, may katotohanan naman kasi ang mga sinasabi nila. Matapos ubusin ang sigarilyo ay walang pakialam niyang idinikdik iyon sa upuang kahoy at saka nagpasyang tumayo upang simulan na ang napagkasunduan nila. Challenging ang planong ito at siguradong mag-eenjoy siya dahil ni minsan ay hindi sumagi sa isip niyang mambubuladas siya ng isang nerd na babae.
SAMANTALA…
Parang sinisilihan naman si Amara sa kanyang kinauupuan. Sa unang pagkakataon kasi ay tila napapansin na siya ni Luciano- ang unang lalaking pumukaw sa kanyang pansin at ilang taon na ring laman ng kanyang puso’t isipan. Kagat ang kanyang labi ay napayuko siya at hindi alam kung paano isusubo ang pagkain sa kanyang plato. Kanina pa kasi siya pinagmamasdan ng binata at kakaiba ang paraan nito ng pagtitig, tila ba inaarok ang kanyang kaibuturan. Sa ‘di malamang dahilan ay nakaramdam siya ng hiya at bigla na lang ay naging confused kung maayos ba ang kanyang hitsura sa mga sandaling iyon.
Lalo lang lumakas ang kabog ng kanyang dibdib ng makitang tila papalapit ito sa kanya. Hindi niya malaman kung ano ang gagawin kaya nanatili siyang prenteng nakaupo, nag-iwas din siya ng tingin at halos wala na siyang ibang marinig kung hindi ang malakas na t***k ng kanyang puso, para siyang kakapusin ng hininga. Sa wakas, sa unang pagkakataon ay parang bibigyan na siya ng atensiyon ni Luciano, tunay na kapag nananalig ka at nagdarasal ay matutupad iyon. Magkahalong tuwa at labis na kaba ang tuluyang lumukob sa katauhan ni Amara.
“Hi, Amara, right?”
Hindi niya mapigilang matulala at mapasinghap ng tuluyan siyang mag-angat ng mukha. Ang laki ng mga ngiti sa labi ni Luciano kung kaya labas din maging ang mababaw na biloy sa magkabila nitong pisngi at pantay-pantay na mga ngipin.
“Hey, are you okey?” Muling pukaw sa kanya ng binata ng mapansin nitong nakatulala lamang siya. Gusto niyang magsalita pero pakiwari niya ay nalulon niya ang sariling dila kaya tumango na lang siya at nahihiyang nagyuko muli ng ulo.
“By the way, ako nga pala si-”
“Luciano, kilala kita.” Bigla ay putol niya sa sasabihin sana nito. Lalong lumaki ang ngiti sa labi ng binata na noo’y nakaupo na sa katapat niyang upuan.
“Wow, kilala mo pala ako?”
“S-sino bang hindi nakakakilala sa.. sa’yo sa office?” Mahinang tugon niya.
Rinig niyang tumikhim ito at ramdam niya pa rin ang mga titig ng lalaki. Awkward ang pakiramdam niya, para siyang matatae na maiihi.
“Pansin ko na madalas kang kumakain mag-isa, wala ka bang kaibigan dito?” Muli ay tanong ni Luciano.
Umiling siya at marahang isinara ang dalang baunan ng pagkain. Alam niyang hindi na talaga siya makakakain ngayon.
“Sanay naman akong mag-isa,” aniya.
“Oh, bakit mo isinara? Hindi ka pa yata tapos kumain?”
“Ah, h-hindi, busog na ako.”
Hindi kumibo si Luciano kaya nagtaas siyang muli ng tingin dito. Bagay na gusto niyang pagsisihan dahil kusang sinalubong ng mga mata niya ang malamlam na mata ng binata. Hindi niya iyon agad nabawi at tila ba may hipnotismo iyong dala dahil para siyang biglang napunta sa mga ulap upang iduyan doon.
“Gusto mo saluhan kita kumain?” Malambing na tanong ni Luciano.
Literal lang siyang napanganga, hindi makapaniwala sa mga nangyayari. Kung nananaginip man siya, hiling niya na sana ay wag na siyang magising pa.
“Babe?”
Boses iyon ng isang babae na nakapagpabalik kay Amara sa reyalidad. Ng muli niyang igala ang paningin ay wala na si Luciano sa harapan niya at nakatayo na ito habang kausap si Summer- ang isa sa pinakamaganda at seksi nilang katrabaho na palaging inuugnay kay Luciano kahit pa nga sinasabi nilang lover lang daw sila at walang relasyon.
Malungkot siyang napayuko at ipinagpatuloy na lamang ang pagliligpit ng kanyang mga baunan. Nais niyang sapukin ang sarili sa pagde-daydreaming, sino nga ba siya para pagtuunan ng pansin ni Luciano?
“Anong ginagawa mo sa table ng babaeng yan?” rinig niyang tanong ng babae.
“Stop pretending na para kang gf na nagseselos, Summer. Alam mong wala tayong label kaya pwede ba, kung wala ka namang sasabihing makabuluhan ay bumalik ka na lang sa office tutal tapos na rin ang lunch break.”
Gusto niya sanang tingnan si Summer upang makita ang reaksyon nito pero nanatili siyang nakayuko, ewan niya ba, ang baba talaga ng self-confidence niya. Nagpasya siyang tumayo na upang bumalik na sana sa trabaho ng bigla na lang siyang hawakan sa braso ni Luciano at pigilan.
“Sabay na tayong umakyat, Amara. May tanong pa kasi akong hindi mo nasasagot.” Hindi nanaman siya nakapalag, alam niya sa sariling hindi niya rin naman kayang tanggihan ang binata. Masyado niya itong mahal para hindian, isa pa, pagkakataon niya na rin siguro ito upang mapagbigyan ang sariling makasama ang lalaki kahit pa nga sa kaunting sandali lang..