PROLOGUE:

1094 Words
Hindi ko maipaliwanag ang mararamdaman ko, nanlalamig ang mga talampakan ko at hindi ako makagalaw sa kaba. Gusto ko siyang abutin, yakapin at pigilan sa tinatangka niyang gawin pero hindi ko siya mahawakan. Para lang siyang usok na abot tanaw ko nga pero hindi ko magawang hawakan. “Amara! Amara!” malakas na tawag ko sa kanya pero parang ako lang rin ang nakakarinig ng boses ko. “H-huwag, huwag mong gagawin yan, paki-usap!” Subalit hindi siya lumilingon sa akin gayung pakiwari ko ay mapapatiran na ako ng litid sa lakas ng sigaw ko. Patuloy siya sa pagtat*li ng lubid sa kisame habang nakatuntong sa isang kahoy na bangko. Nakaharap siya sa gawi ko kaya kitang-kita ko na hilam ng luha ang kanyang mga mata. Naroon ang labis na lungkot at hinanakit. Sakit na ako ang nagdulot sa kanya. Kasalanan ko ito! Kasalanan ko.. Hanggang sa dahan-dahan niyang isuksok ang kanyang ulo sa nakapabilog na lubid, lalo akong nakaramdam ng panginginig ng katawan. Sinubukan kong humakbang pero tila may malakas na pwersang pumipigil sa mga paa ko. Para iyong itinulos sa semento at inilagay lamang ako doon para panuorin ang tanawing ito. “Binigay ko naman ang lahat ng nais mo, Mahal ko. Pero bakit ganito pa rin ang isinukli mo sa akin? Hindi ko na kakayaning magpatuloy pa, hindi na dahil sayo lang umiikot ang buhay ko. Hanggang dito na lang siguro ako, mahal na mahal kita Luke, sana maging mas masaya ka na kapag wala na ako.” umiiyak na usal niya habang nakatingin sa kawalan. Para iyong bombang sumasabog sa pandinig ko kahit bumubulong lang naman siya. Hindi ko magawang tumawa gaya ng ginagawa ko noon habang ibinubuyo siyang magpakamatay kung yun ang gusto niya. Ang totoo ay nagagalit ako sa sarili ko dahil wala akong magawa kung hindi ang panuorin siya sa ginagawa niya. Hindi kaya ng konsensiya ko ang ganito, hindi… “Hindi, Amara. Huwag- huwaaagg!” sigaw ko ulit pero walang epekto. Unti-unti siyang naglakad sa pinakadulo ng upuan na tila naghahanda na sa kanyang planong pagpapakamatay, parang lalabas naman ang puso ko sa kaba. Pumikit ako nang mariin, sana ay panaginip lamang ito, sana ay hindi ito totoo. Gusto kong saktan ang sarili ko pero kahit anong kurot ang gawin ko sa braso ko at mukha ay wala akong maramdamang kahit na ano. Nagulat na lang ako ng biglang tumalon si Amara mula sa upuan, napasinghap ako at pakiramdam ko ay mauubusan din ako ng hininga. Kitang-kita ko kung paano humigpit ang lubid sa kanyang leeg, kalaunan ay nanginig na nga ang kanyang buong katawan bagama’t hindi naman siya nanlalaban at tinanggap na lang ang kung ano mang nangyayari sa kanya. “Amaraaa! O diyos ko, hindi..” habol ko ang sariling hininga, naninikip ang dibdib ko sa kalunos-lunos na tanawing napapanuod. Wala akong magawa kung hindi ang mapaupo sa lapag, naisabunot ko sa aking mga buhok ang dalawang kamay. Para akong mababaliw, ano ba ang nangyayari? Bakit pakiramdam ko hindi naman ito totoo pero yung sakit ng damdamin at guilt na umuusig sa konsensiya ko ay tunay? Totoo ko iyong nararamdaman! Pagtaas ko ng tingin kay Amara ay nanlaki ang mga mata ko, dilat ang kanyang mga mata habang titig na titig siya sa akin. Kung kanina ay parang hindi niya ako nakikita, ngayon ay ramdam ko ang kilabot habang nakatingin siya sa mga mata ko. Napalunok ako ng laway lalo ng makita ko ang kahuli-hulihang pagtulo ng luha sa magkabila niyang mga mata. Hanggang sa huling sandali ay naroon ang kalungkutan at tila pagmamakaawa.. Nakagat ko ang pang-ibabang labi, hindi ko na naramdaman ang pagtulo rin ng luha sa aking mga mata. “I’m so sorry, Amara. I’m sorry!” Hanggang sa ang walang ingay kong pagluha ay naging hagulgol na. Sobrang bigat ng pakiramdam ko, ano ba itong nagawa ko?! Isang malalakas na tapik sa pisngi ang nagpagising sa akin. Masakit iyon pero nais ko ring ipagpasalamat dahil pinakawalan ako noon mula sa isang masamang bangungot. Napabalikwas ako habang hinahabol ang aking hininga. “Ano bang nangyayari sayo, Babe? Nagising ako sa lakas ng ungol mo, ang tagal mo pang magising. Akala ko nga mamamatay ka na, e. Kung hindi ka pa nga nagising ay baka diyan ka na sa kama naligo ng malamig na tubig.” Bakas sa boses ni Summer ang pag-aalala. “Oh, pamunas.” dagdag niya pa saka iniabot sa akin ang tuwalya. “Basang-basa ka ng pawis, umiiyak ka rin kasi kanina. Naintriga tuloy ako sa napanaginipan mo. Ano ba yun?” Pag-uusisa niya. Tiningnan ko lang siya saka ako umiling. Ang totoo ay ayokong pag-usapan ang tungkol doon, kung maaari nga lang na kalimutan iyon ay gagawin ko na, pero hindi.. Patuloy na umuukilkil sa alaala ko ang mga mata ni Amara habang wala ng buhay na nakatitig sa akin. Para akong pinapatay nang dahan-dahan ng konsensiya ko.. “Ah, alam ko na. Si Amara ‘di ba?” pangungulit pa rin ni Summer. Muling napaangat ang tingin ko sa kanya, kasabay noon ay ang pangungunot ng noo ko. “H-ha?” Napabungisngis siya. “Wag ka mag-alala, wala naman yun sa’kin. Tinatawag mo kasi yung pangalan niya kanina at parang takot na takot ka. Bilib lang talaga ako diyan kay nerdy witch kasi hanggang sa panaginip ay gusto kang kuhain.” Sinundan niya pa iyon ng nakakainis na hagikgik. Sa unang pagkakataon ay hindi ako natawa sa patatching na iyon ni Summer. Kadalasan kasi ay sabay pa naming nilalait at pinagtatawanan si Amara sa tuwing mapag-uusapan namin. Napayuko na lang ako at napailing. “Hey, mukhang seryoso ka talaga, ah,” aniya sabay yakap mula sa tagiliran ko. Naramdaman ko rin ang pagdampi ng mainit-init niyang labi sa aking tainga. “Sorry. Gusto mo ba pagaanin ko ang nararamdaman mo?” malambing na tanong niya pa. Gusto ng isip ko ang iniaalok ni Summer pero yung bigat ng dibdib ko, hindi umaayon sa utak ko. Marahas akong tumayo at binuksan ang pintuan sa kuwarto ko, lumabas ako sa veranda at doon nagsindi ng sigarilyo habang nakatulala sa kawalan. Madilim pa at malamig din ang hangin. Ng sipatin ko ang orasan sa braso ko ay alas tres pa lang ng madaling araw. “Babe, sorry.” muli akong kinilabutan dahil sa pamilyar na tinig na iyon. Napalunok ako ng laway, si Summer lang ang kasama ko pero bakit boses ni Amara ang naririnig ko. Nadagdagan pa ang takot ko nung maramdaman ang boses na iyon sa tainga ko na tila ba ang lapit-lapit niya lang sa akin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD