KABANATA 2:

1261 Words
“Ms. Amara Johnson.” Umalingangaw sa loob ng office nila ang malakas at malalim na tinig na iyon ng team leader nila. Tila galit ito. Agad na napaangat ng mukha si Amara at tumayo mula sa pagkakaupo sa kanyang desk. “Yes, Sir?” malumanay na tanong niya dito. Tama nga ang hinala niya, madilim ang awra nito at mukhang wala nanaman sa mood. “Follow me at my office, now!” Dominanteng sigaw ulit nito. Pinagtinginan siya ng mga kasamahan,maging siya naman ay nagtataka. Ng tuluyang umalis ang kanilang TL ay tila mga bubuyog na ang mga katrabaho niyang may kanya-kanyang theory kung bakit siya bigla na lang pinatatawag ng masungit nilang TL. Oo nga at madalas itong galit pero ni minsan ay hindi pa siya nito napuna o napagalitan man lang, ang totoo ay isa pa nga siya sa madalas nitong purihin dahil sa pagiging dedicated niya sa trabaho. Hindi na nagsayang pa ng sandali si Amara, kahit kinakabahan ay pino pa rin siyang kumilos at marahang naglakad patungo sa office nito. “Good luck, Girl! Ayan kasi, imbis na trabaho ang atupagin mo, nagagawa mo pang makipaglandian.” Mahina man ay dinig niyang bulong ni Summer na ng tingnan niya ay malawak ang pagkakangisi sa kanya. Agad siyang napaisip sa sinabi nito. Hindi kaya… “Ano itong nakarating na balita sa akin na naglalandian daw kayo ni Mr. Dominador, Ms. Johnson?” seryosong tanong nito sa kanya. So tama nga ang hinala niya. Hindi malabong ang Summer na iyon ang nagsabi kay Mr. Moonre. Napalunok siya ng laway, ni hindi man lang siya nito pinaupo at direkta ng tinanong pagpasok na pagpasok niya sa office. Nakataas pa ang noo nito habang prenteng nakaupo sa kanyang swivel chair. Nasa mid-thirties pa lang ito at nananatiling single, gwapo naman at may kalakihan ang katawan. Siguro isa ang ugali nitong napaka-perfectionist at masungit ang dahilan kaya hanggang ngayon ay single pa rin. “S-sir, hindi po kami naglalandian.” paliwanag niya. Subalit tumaas lang ang kilay nito at tila diskumpyado pa sa isinagot niya. “Really?” “Yes, Sir. Lumapit lang po siya sa akin k-kanina para daw makipagkaibigan.” Saglit siyang tinitigan ng lalaki, maya-maya pa ay tumawa ito nang bahaw at nailing. “Ms. Johnson, alam mo ang pagkakaalam ko ay matalino ka at observant, paano ka napaniwala ng isang tulad ni Mr. Dominador na pakikipagkaibigan lang ang nais niya sa’yo, ha?” pinagsalikop pa nito ang dalawang palad at matiyagang naghintay sa isasagot niya. “S-sir..” Para siyang mauutal. Bakit ba siya lang ang pinupuna nito? Imposible namang hindi nito alam ang issue tungkol kina Summer at Luciano samantalang ang tagal-tagal na nun. Gusto niya sanang banggitin iyon at ipagtanggol ang sarili pero naunahan naman siya ng takot. “Look, Ms. Amara, mahigpit ang patakaran ng kumpanyang ito tungkol sa pakikipagrelasyon sa kapwa trabahador, may karampatan iyong parusa at ayokong mawala ka sa team ko dahil lang sa isang lalaki. Do you get what I mean?” Sa unang pagkakataon ay narinig niyang naging marahan ang tinig nito. Kahit papa’no ay gumaan ang pakiramdam niya. Wala sa sariling napatango siya, nauunawaan niya naman ito. Ang hindi niya lang maintindihan ay ang tungkol sa issue nung dalawa, kung hindi siya nagkakamali ay taon na ang tagal nun pero bakit hindi naman napaparusahan o nahuhuli? Pagkatapos siya ay bawal? Hindi kaya unfair naman iyon? “I know Luciano, walang seseryosohin ang taong yun. At kung iniisip mo na pinapalagpas ko lang ang tungkol sa kanila ni Summer, you’re wrong. Mahusay lang talaga sila magtago ng kalokohan nila kaya walang ibendensiyang nakukuha inside our company. Pero iba ka, Amara, maraming mata ang nakatutok sayo lalo na yung mga head kasi mahusay ka. Ang totoo ay we are looking forward na one day ay maging kahilera ka na namin dito, ayaw mo ba nun?” Napasinghap siya sa narinig, ano bang mayroon sa araw na ito at puro kasagutan yata sa mga dasal niya ang natutupad? Parang ano mang oras ay sasabog na ang puso niya sa labis na ligaya. “S-sir, to-totoo po ba ang mga sinasabi niyo?” “Hindi ko ugaling magsinungaling kaya if I were you, lalayuan ko na si Luciano ng sa gayon ay hindi siya maging sagabal sa career mo, understood?” Pero hindi niya magawang tumango. Ngayon pa ba na napansin na rin siya ni Luciano na kay tagal niya na ring inaasam? “Ms. Amara,” pukaw na muli sa kanya ni Mr. Moonre. “Ahm, o-ok po, Sir. Sige po,” pagkakuwa’y tugon niya na lang upang matapos na. “Good, you can go back to work.” pagtataboy na nito sa kanya. Yumuko lang siya ulit at lumabas na. Hindi niya napigilang mapasandal sa pisngi ng pintuan ng mailapat niya na iyon pasara. Nag-uumapaw ang blessing na natanggap niya ngayong araw at wala siyang balak na bitawan alinman sa mga iyon. Tama naman si Mr. Moonre, matalino nga siya kaya alam niyang kaya naman makuha ng sabay ang nais niya kahit pa nga maraming hadlang doon… MAKALIPAS ang isang buwan.. “S-sigurado ka ba na.. na dito ang punta natin, Luke?” nanginginig ang labing tanong ni Amara sa kanyang nobyo. Nasa tapat sila ng isang hindi kilalang motel at lulan pa rin ng sasakyan, hindi magawang bumaba ni Amara dahil nagtatalo pa rin ang kanyang isip at puso. “Ano ka ba naman, Amara. Akala ko ba mahal mo ‘ko?” Nasa tinig ni Luciano ang pagkadismaya. Agad na nataranta si Amara sa nakikitang lungkot sa mga mata ng kasintahan. Kaagad niyang ginagap ang mga palad nito at inilapit iyon sa kanyang bibig. “O-oo naman, p-pero kasi..” Sa pagkagulat niya ay inilapit ni Luciano ang mukha nito sa kanya hanggang sa maramdaman na nila parehas ang hininga ng bawat isa. “Kung mahal mo ‘ko, wala ng pero-pero. Gusto mo ba kargahin pa kita diyan pababa na para tayong mga bagong kasal, hmm?” “L-luke,” mahinang bulong niya. Sa loob ng isang buwan ay never pa siyang hinalikan ng kasintahan, never itong naging ganito ka-intimate sa kanya kaya naman ganoon na lang ang init na biglang lumukob sa katauhan niya ng halos magdikit na ang labi nila.. “Bubuhatin kita at dadal’hin sa langit, Amara,” dagdag pa nito bago tuluyang sinakop ang kanyang labi. Para siyang naestatwa sa kinauupuan, first kiss niya sa unang lalaki ring minahal. Ahh, wala ng mas sasaya pa sa mga sandaling gaya nito. Marahan siyang napapikit, nagpaubaya… Hanggang sa maramdaman niya na lang ang marahas na paghaklit ni Luciano sa suot niyang blusa, nawarak iyon dahilan para tumambad ang kanyang hinaharap sa kasintahan. “F*ck, Amara, may ibubuga naman pala ang dibdib mo, bakit mo kasi itinatago ito, hmm?” tila gigil na wika pa nito bago iyon walang paalam na minasahe.. Hindi niya magawang manlaban o pumiglas kahit katiting dahil ang totoo ay gustong-gusto niya na si Luciano ang gumagawa nito sa kanya.. “Uhmm, h-hindi na ba tayo papasok sa.. sa loob ng motel, L-luke? Ughh..” pinaghalong ungol niya habang nagtatanong dahil na rin sa sensasyong dulot ng labi ni Luciano sa kanyang dalawang dibdib. Nag-angat naman ng tingin ang lalaki, malamlam ang mga mata nito at tila sabik na sabik. “No, dito mo na ‘ko ginalit kaya dito kita parurusahan,” wika pa nito saka walang pasabi ring iniangat ang suot niyang skirt at ipasok nito ang kanang kamay sa loob ng kanyang underwear, sa pagitan ng kanyang mga hita..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD