KABANATA 3: UNANG KARANASAN

1793 Words
“I-ikaw lang ang lalaking mamahalin ko, Luke. S-sayo ko lang isusuko ang lahat ng meron ako.” madamdaming wika ni Amara habang ninanamnam ang ligayang dulot ng mga labi ni Luciano sa kanyang mga dibdib. Nagtaas naman ng mukha ang kasintahan at nakangisi itong tumitig sa kanya. “Alam ko, Amara. Akin ka lang, akin lang ang katawan mo ngayong gabi.” Sinabayan pa nito ng pilyong ngiti ang mga binitiwang salita saka walang paalam na inalis ang underwear niya. Halos mapasinghap si Amara ng bigla na lang isubsob ni Luke ang mukha nito sa pagitan ng kanyang mga hita. Gulat siyang napasabunot sa buhok nito. “L-Luke!” “Ssshh, just feel me,” anitong hindi man lang nag-abalang itaas ang mukha para sa kanya. “Uhmmm, hmmmp,” impit niyang daing ng makaramdam ng walang katumbas na kiliti. Mariin din siyang napapikit kasabay ang kusang pag-angat ng kanyang balakang. Tila lalo namang ginanahan si Luciano sa naging reaction ni Amara, idagdag pa ang natural na aroma ng dalaga na talaga namang lalong nagpabuhay sa kanyang dugo. Si Amara kasi yung tipo ng babae na hindi man maglagay ng pabango ay hahanap-hanapin mo pa rin ang halimuyak. Para itong bulaklak na kasisibol pa lang kung kaya naman gugustuhin mong langhapin nang langhapin ang aromang taglay nito. Habang busy ang kanyang dila sa pagpapaligaya sa kasintahan ay naging mabilis naman ang kanyang mga kamay sa pag-aayos ng upuan sa kanyang sasakyan. Ibinaba niya ang sandalan noon upang nang sa gayon ay magkaroon sila ng mas malawak na espasyo. Aminado siyang nahihirapan siya sa limitadong laki ng ginagalawan niya pero mas mainam na iyon kaysa naman gumastos pa siya ng ilang libo para lang sa tatlong oras na paglalabas niya ng init ng katawan. Hindi mawari ni Amara kung paano susundan ang kilos ni Luciano, napakahusay nito sa ginagawang pagpapaligaya sa kanya. Halos mawala na ang itim sa kanyang mga mata sa tindi ng sensasyong pumupuno sa kanyang buong katawan. Hanggang sa kusa rin itong tumigil. Mabilis nitong hinubad ang lahat ng saplot sa katawan saka siya parang batang hinubaran nito. Ramdam niya sa kilos ng katipan ang pagmamadali at panggigigil. Nahihiya man dahil ito ang unang pagkatataon na may makakakita ng kahubdan niya ay hindi niya naman nagawang pigilan si Luciano. Ang totoo ay nakakaramdam siya ng matinding excitement lalo’t pinapangarap niya lang dati ang ganitong tagpo sa pagitan nilang dalawa. Ang kaibahan lang ngayon ay hindi naman nila honeymoon at lalong hindi pa sila kasal. “Luke, ikaw ang unang lalaki sa buhay ko.” Marahan niyang usal habang pinagmamasdan si Luke sa ginagawa nitong pag-aalis ng mga kalat sa pupwestuhan nila. “Talaga? Ang swerte ko naman pala kung ganoon,” nakangiting wika nito saka siya hinawakan sa braso at inakay. Paharap siyang pinaupo nito sa kanyang kandungan. “Mangako kang pakakasalan mo ako, Luke,” aniya habang nakatitig sa mga mata ng kasintahan. Hindi inaasahan ni Luciano ang tinuran ni Amara, sandali siyang natigilan pero ng makita niya ang pagtataka sa mata ng dalaga ay agad niyang ipinaskil ang pekeng ngiti sa kanyang labi. “O-oo naman, bakit hindi?” pilit na tugon niya. Kaagad na nagningning sa kaligayahan ang mga mata ni Amara, maya-maya pa ay umagos na ang luha sa magkabilang pisngi nito. Kinabahan si Luciano, hindi maaaring maunsyami ang plano niya ngayong araw, kailangan niyang maangkin si Amara upang matapos na ang pustahan nilang magkakaibigan. “Bakit ka umiiyak? Halika nga,” aniya saka siniil ng marubrob na halik ang labi ni Amara. Tila natuto naman agad ang dalaga kung kaya sinabayan niya ng buong husay ang ginagawa ni Luciano. Wala ng mas sasaya pa sa nararamdaman ni Amara ng mga sandaling iyon. E, ano kung mauna ang honeymoon nila ni Luciano? Nangako naman itong pakakasalan siya at iyon pa lang ay sapat na upang ipagkatiwala niya rito ang kanyang kalinisan. Ng muling bumaba ang labi ni Luciano sa kanyang leeg ay tuluyan na siyang nagpatianod sa init ng kanyang pagmamahal para sa kasintahan. Pakiwari niya ay inaapoy na siya ng lagnat at tila may nais pang abutin ang kanyang pagnanasa, hanggang sa tuluyan na siyang akayin ni Luciano patungo sa inaasam nilang kaligayahan. Mariin siyang napakapit sa magkabilang balikat ni Luciano ng gumuhit ang matinding kirot sa kanyang kaselanan ng tuluyan siyang pasukin ng nobyo. Naging marahas ang kilos nito na naging sanhi upang mapasigaw siya sa sakit. “Arrggggh! A-aray ko, Luke. Ang.. ang sakit!” Pero tila hibang na walang naririnig si Luciano, sa halip ay lalo pa nitong binilisan ang pagbaba-taas sa kanyang balakangsa ibabaw nito . Walang nagawa si Amara kung hindi ang humikbi na lamang sa mga balikat ng kasintahan, kuyom ang kanyang dalawang kamao habang kagat-kagat niya ang labi. Hindi niya akalain na ang langit na inaasahan ay magiging mala-impiyernong sakit. Masaganang naglakbay sa kanyang mukha ang pinaghalu-halong pawis, luha at sipon. Hindi ligaya ang nararamdaman niya ng sandaling iyon at nais niya muna sanang kumawala.. “L-luke, tama na muna, please! Sobrang kirot!” Paki-usap niya ulit. Ngunit imbis na pakinggan ay dumilat lamang ito, napakalamlam ng mga mata ni Luciano habang mas hinihigpitan pa nito ang hawak sa kanyang balakang upang mas lalo pang ibaon ang kanyang kaselanan sa tayung-tayo nitong pagkalal**i. “Ayan na.. Ahhhh, bilisan mo pa, baby! Faster!” ungol nito sa kanya. Mula sa pagkakasubsob niya sa balikat nito ay sapilitan siyang itinayo ni Luciano upang abutin ang kanyang mga dibdib at marahas iyong pagsalit-salitan. Nasasaktan man ay buong-pusong tinanggap ni Amara ang nagaganap sa pagitan nila ni Luciano. Ang makita lang sa mukha nito ang satisfaction ay sapat na rin para sa kanya. Ilang sandali pa ay hingal na sumubsob sa dibdib niya ang kasintahan. Muli siyang napakagat sa kanyang pang-ibabang labi, niyakap niya si Luciano na tila isang batang nagpapalambing. Maging siya ay napagod sa kaiiyak at pagtitimpi ng sakit. “Thank you, ha?” Maya-maya’y usal ni Luciano. Nakabawi na rin ito ng pagod at nakangiti ng tumingin sa kanya. “H-ha? T-thank you?” Takang tanong ni Amara. Ang inaasahan niya kasing sasabihin ng nobyo sa kanya ay ang salitang ‘i love you’. Narinig niyang tumikhim si Luciano saka muling ngumiti. “Uhh, I mean, thank you kasi.. Kasi pinagkatiwalaan mo ‘ko.” Nakakaunawa namang ngumiti si Amara. “P-pero, Luke, ganoon ba talaga yun?” ‘di mapigilang tanong niya. Ito naman ang tila nagtaka. “Ha- ang alin?” Nagyuko siya ng ulo at muling napakagat-labi. “A-ano, masakit kasi, e.” Nahihiyang usal niya. Rinig niyang napabuntong-hininga si Luciano, kasunod noon ay ang paggagap nito sa kanyang kamay. “Gano’n talaga, first time mo kasi. Hayaan mo sa susunod, masasarapan ka na.” Malambing na wika nito. Kiming napangiti si Amara, “K-kailan naman yun?” Napangisi si Luciano. “Ngayon!” “H-ha?” nanabik man ay pilit iyong ikinubli ni Amara. “Di ba sabi ko sayo, akin ka lang ngayong gabi?” Hindi na siya nakakibo pero sa likod ng kanyang isip, hindi na siya makapaghintay sa pangakong kaligayahan ni Luciano. Tila ba ang mga salita lamang nito ang tanging magpapasaya sa kanya ngayon. Ikinagulat niya pa ang biglang pagmaniobra ni Luciano ng sasakyan, ni hindi ito nag-abalang magsaplot ng damit pang-itaas, tanging boxer short lamang ang isinuot nito at pantalon. Dala ng labis na pagkagulat ay dali-dali niyang kinuha ang mga damit sa lapag ng sasakyan at isinuot ang mga iyon. Napailing na lang siya ng makita ang blouse niyang warak, hindi na tuloy noon matakpan ang dibdib niya. “You don’t need too, baby. Tatanggalin ko lang yan ulit pagdating natin sa bahay.” Nakatawang wika ni Luciano kahit ang totoo ay nagbibiro lamang ito. “Eto damit ko, isuot mo muna para matakpan yang dibdib mo.” anito pa sabay abot sa kanya ng t-shirt. “P-pero, bakit hindi na lang dun sa motel, Luke?” takang tanong niya, hindi niya maiwasang samyuin ang damit bago iyon isuot, aaminin niyang kinilig siya sa simpleng pagtawag sa kanya ni Luke ng baby at pagpapahiram pa ng damit nito. napaka-masculine kasi ng pabangong gamit ng nobyo. Pabangong matagal ng pamilyar sa kanya dahil noon pa man ay hindi na nagbago ng gamit na pabango si Luciano. Nagkibit-balikat lang si Luciano bilang tugon sa tanong niya. “Hindi ko na feel dun, na-realize kong mas maluwag ang kwarto ko at mas matagal kitang masosolo kahit hanggang umaga pa..” Lalong nakaramdam ng ‘di maipaliwanag na tuwa si Amara, ‘di yata’t nais talagang sulitin ng nobyo ang 1st monthsarry nila. Ngayon lang din kasi siya nito dadalhin sa tinutuluyan nito. Isang may kalakihang gate ang binabaan nila, tanaw mula sa labas ang tila apartment type na bahay sa loob habang sa malawak na bakuran ay may ilang kalalakihan pa ang tila nagkakasiyahan. Isa sa mga iyon ang lumapit sa gate upang buksan iyon. “Oh, Don Luciano! Halika at samahan mo muna kami. T-teka, sino naman ang magandang dilag na ito?” Anang lalaking nagbukas ng gate, sa hitsura nito ay mahahalata mo ng medyo may tama na ito ng alak. Sinuri pa siya ng tingin nito mula ulo hanggang paa pagkalabas niya sa sasakyan. Bakas sa mukha nito ang pagkamangha lalo at maikling skirt lang ang suot niya pang-ibaba. Naasiwa man ay walang nagawa si Amara kung hindi ang magyuko na lang ng ulo. Ikinatuwa niya naman ang kaagad na pagkabig ni Luciano sa kanya. Inakbayan siya nito at bahagyang inilayo sa lalaki. “Pass muna ako, Pare. Aasikasuhin ko lang itong girlfriend ko.” makahulugang tugon ni Luciano. Malakas na pumalatak ang lalaki, naiiling pa nitong tinapik sa balikat ang nobyo niya. “Ikaw na talaga. Pare. Sa susunod turuan mo naman ako kung paano makapang-akit ng magagandang dilag. Aba, e hindi pa nagtatagal nung may kasama kang seksi, maputi at matangkad na babae dito, ah?” “Luko-luko ka talaga, baka mamaya maniwala itong si Amara sa mga sinasabi mo.” Pero tatawa-tawa lang na lumayo ang lalaki sa kanila at bumalik na sa mga kasamahan nito. Siya naman ay iginaya na ni Luciano papunta sa tinutuluyan nito. Pero laking hiya niya ng subukan niyang humakbang ay mapa-aray siya sa kirot. Naroon pa rin kasi ang sakit na dulot ng una niyang karanasan. Pinipilit niya namang maglakad pero nagmukha lang siyang bibi na nauuna ang dibdib at nahuhuli naman ang puwetan. Nangingiting umiling na lang si Luciano ng mapansin nitong kakaiba ang lakad niya. “Mas cute ka pang maglakad kaysa sa pato, baby,” pang-aasar nito sa kanya. Natatawa niyang inirapan si Luciano kasunod noon ay matinis siyang napatili ng bigla na lang siyang pangkuin ng nobyo at dali-daling dinala sa dulong pintuan na nakahilera doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD