KABANATA 6: TAPOS NA.

1046 Words
LUNCH TIME.. Masayang um-order si Amara ng tanghalian niya bago naupo sa paborito niyang lamesa. Ang lamesa kung saan siya unang nilapitan at kinausap ni Luciano. Inaasahan niyang maya-maya lang ay lalapitan na siya ng nobyo o ‘di naman kaya ay pasimpleng hahaplusin ang kanyang braso kapag nadaanan siya nito, pero hindi iyon nangyari.. Mula sa kinaroroonan niya ay tanaw niya ang likurang bahagi ni Luciano, nakaupo ito sa katapat niyang mesa kung saan kasama nito ang mga kaibigan at si Summer. Sanay naman siyang nakikita na parang tuko kung makadikit ang babae sa nobyo niya, in-assure naman siya ni Luciano na wala na itong lugar sa buhay nito at noon ay hindi naman ito pinapansin ng kanyang nobyo. Pero iba ngayon, nakikita niya kasi kung paano pasimpleng kabigin ng nobyo niya ang beywang ni Summer, may papisil-pisil pa ito sa tagiliran ng babae dahilan para mapahigikgik nang mahina si Summer. Inis siyang napabuntong-hininga at nagkibit-balikat. Siguro ay hindi siya napansin ni Luciano ng pumasok siya kanina dito sa canteen, tama.. Baka nga ganun ang nangyari. Ngunit bigla siyang nawalan ng gana, ang masarap sana niyang tanghalian ay nawalan ng lasa para sa kanya, gayunpaman ay nanghihinayang naman siya kung hindi niya iyon kakainin, isa pa ay hindi rin siya nakapag-almusal at kahit tubig ay wala pang laman ang tiyan niya… Habang kumakain ay hindi inaalis ni Amara ang mga mata sa nobyo. Kahit pa nga naroon na ang pagdududa ay pilit niyang inuunawa ang nangyayari. Nasasaktan siya sa nakikita pero kaya niya iyong tiisin hanggang sa mag-uwian sila mamayang hapon. Ng matapos ay tumayo na siya at pasimpleng dumaan sa gilid ni Luciano, malambing niyang hinaplos ang braso nito at masuyong tiningnan. Ang kaso, hindi man lang siya ginawang lingunin ng lalaki. Kagat-labi siyang lumabas ng kantina at dumeretso na agad sa opisina nila. Doon niya na lang siguro gugugulin ang nalalabing minuto ng lunch break, hindi niya na rin naman matagalan ang nakikitang sweetness ng nobyo niya at ex nito.. Sobrang bagal ng bawat oras na hinihintay ni Amara hanggang sa mag-uwian na sila. May usapan sila ni Mr. Moonre na magkikita sa opisina nito pagkatapos ng duty niya upang mapirmahan niya ang bagong kontrata pero mas inuna niyang sundan si Luke. Kasabay nitong lumabas si Summer ng opisinang iyon at dahil malapit lang ang table ng mga ito sa pintuan ay bigla ring nawala sa kanyang paningin ang dalawa. Halos takbuhin niya ang hagdan pababa masundan lang ang si Luke sa parking area. “Luke!” mabilis siyang humabol sa sasakyan ni Luciano ng makitang paalis na iyon, kinalampag niya rin ang bintana noon para mas madali siyang mapagtuunan ng pansin nito. Hindi niya alintana ang ambon, kailangan niya pa rin kasing iabot dito ang susi ng gate sa tinutuluyan nito. Pero gusto niyang magsisi dahil ng bumukas ang bintana ay natanaw niya si Summer na nasa loob ng sasakyan. Hindi niya iyon inaasahan kasi may sarili namang sasakyan si Summer. Nakangisi pa itong tila isang demonyita ng lumingon sa kanya. “Ano ba yan, para ka namang aso kung makahabol, Amara! Ano bang kailangan mo?” maarteng tanong ng babae sa kanya. “Anong kailangan mo?” malamig na tanong din ni Luciano sa kanya. Kanina niya pa nais kumprontahin ang kasintahan pero wala siyang lakas ng loob. At ngayon ngang kitang-kita niya na ang panloloko nito ay saka pa lalong umatras ang dila niya. Sa ilang saglit ay natameme siya, parang na-blangko ang isip niya at tanging malakas na kalabog lamang ng dibdib niya ang naririnig niya. “L-luke,” tila nagkaroon ng bara sa lalamunan niya, nahirapan siyang mag-apuhap ng sasabihin, maging ang laway niya ay hindi niya magawang lunukin. “Kung wala kang sasabihin, aalis na kami. Ay oo nga pala, tapos na tayo, okay? Kaya ‘wag ka ng lalapit sa’kin simula ngayon. ” Para iyong bombang bumingi sa pandinig niya, “B-break? Break na tayo? N-nakikipaghiwalay ka na sa’kin, Luke?!” Nanghihina at nagtataka niyang tanong. “Bingi ka bang Nerd ka, ha? Sabi na ngang break na kayo kaya pwede ba, lumayu-layo ka na sa bintana, para kang pulubing nanghihingi ng limos, sho!” Si Summer iyon kasunod ang muling pagtapak ni Luciano sa silinyador ng sasakyan. Mabilis na humarurot ang kotse palayo sa kanya. Naiwan siyang tulala at hindi makapaniwala. A-anong nangyari? May nagawa ba ‘kong mali? Bakit hindi siya nagpaliwanag man lang? Ilan lamang iyon sa mga tanong na nanatili na lang sa isip niya. Kasabay ng pagbuhos ng ulan ay ang panlalambot ng kanyang mga tuhod. Tapos na kami? Tapos na daw kami?! Paulit-ulit niya iyong sinasabi sa kanyang sarili dahil tila hindi pa rin nagsi-sink in sa kanyang isip ang mga binitawang salita ni Luciano kanina. Hanggang sa tuluyan na lang siyang napaupo sa semento, hindi niya maramdaman ang malalaking patak ng ulan na bumubuhos sa kanya, ang tanging nararamdaman niya lang ay ang hindi maipaliwanag na sakit. Parang pinipiga ang puso niya at nahihirapan siyang huminga. Dahil ba bumigay ako agad sa kanya? Naging easy to get ba ako o baka naman hindi kasi ako magaling sa kama? Hindi ko ba siya napaligaya? Wala na siyang maisip na dahilan kaya iniyukyok niya na lang ang mukha niya sa kanyang dalawang tuhod. Umaasa na baka balikan siya ng nobyo at maawa ito sa kanya, pero lumipas pa ang isang oras ay nakababad pa rin siya sa ulan. Ng humina at naging ambon na lamang ang buhos noon ay saka siya lang siya nakaramdam ng ginaw, nagpasya siyang tumayo na at dali-daling nagtungo sa kabilang side ng kalsada kung saan may waiting shed. Wala sa sarili siyang naglakad nang mabagal at tumawid sa malapad na kalsada, laman pa rin ng kanyang isip ang mga katanungan kung bakit siya bigla na lang inayawan ni Luciano. Walang anu-ano’y isang malakas na busina ang nagpabalik sa kanya sa reyalidad. Ng lumingon siya sa gawing kanan niya ay sumilaw sa kanya ang liwanag na nanggagaling sa isang malaking sasakyan. Truck! Mababangga ako ng truck! Hiyaw ng kanyang isip, gusto niyang tumakbo pero parang napako sa sementadong daan ang mga paa niya. Malalakas na langitngit ng gulong at maingay pa ring busina ang mga bagay na huli niyang narinig bago pa siya tuluyang takasan ng ulirat..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD