CHAPTER-5

2080 Words
JACKY Napakalaki talaga ang bayan ng San Vicente tulad ng mga naririnig ko. Ibang iba ito sa mga bayan na pinagmulan namin ni Ricky na sa kahit saang sulok ka man tumingin ay bakas ng matinding kahirapan ang mabubungaran mo. Tunay nga ang sabi ni Aling Lagreng, napaka progresibong lugar ito kumpara sa ibang kalapit na mga bayan. Malayo-layo rin ang nilakbay namin pero sa bawat maraanan ng mga mata ko sa mga nakatayong establisyemento, ay namamangha ako dahil masasalamin mo talaga ang yaman ng bahaging iyon ng probensya. Pero sa kuwento ni Aling Lagreng at ng pamangkin niya, malaki pa rin naman ang bahagi ng lugar sa bayan na ito ang nabubuhay pa rin ng payak. “Hindi naman lahat ng tao dito ay mayayaman, marami pa rin naman ang nabubuhay sa hirap. Pero ‘di tulad ng bayan natin na maliit lamang ang oportunidad pagdating sa paghahanap ng mapagkakakitaan. Sa paghahatiran ko sa inyo ay ang pusod mismo ng probensya at pinakasyudad. Doon ay malaki ang tsansa na makahanap ka agad ng mapapasukang trabaho, Jacky,” ang turan niya. Pilit ang naging ngiti ko dahil sa narinig, sa totoo lang samot saring emosyon ang nararamdaman ko nang mga sandaling iyon. Tuwa dahil makakalaya at makakalayo na kami ni Ricky kay Mama. Kaba, dahil hindi ko pa rin alam kung anong naghihintay na buhay sa amin ng kapatid ko sa San Vicente. May lungkot rin akong nararamdaman sa tuwing maiisip ko ang kalagayan namin ng kapatid ko. Wala akong choice kun ‘di doblihin ang tatag ko. Wala naman akong ibang malalapitan at magiging karamay kun ‘di ang kapatid ko lamang. At lihim kong naidasal na sana, sa pupuntahan namin ay maging mabait sa amin ang tadhana at makakilala pa rin kami ng mga taong may malasakit sa kapwa, tulad nila Aling Koring, Aling Lagreng at itong pamangkin ni Aling Lagreng na si Marlon, na hindi nagdalawang isip na ihatid kami at ni bayad sa nagastos nitong gasolina ay ayaw niyang tanggapin. “Maraming mapapasukan doon, Jacky. At sana makahanap ka ng maganda gandang trabaho para sa inyo ni Ricky,” ang dagdag niyang sabi. “Maraming salamat, sana nga ay makahanap ako agad ng trabaho at ganun din ang matitirahan. Trabaho ang isa sa mga kailangan ko talaga ngayon, Marlon.” Ang medyo may pangamba kong sagot. “Importante talaga yun,” hayag niyang pagsang ayon. “Sayang nga lang at malayo layo rito ang hacienda Salcedo at ang isa pang problema, kung doon ko naman kayo dadalhin, wala naman akong kakilala roon na puwede ko kayong ipagkatiwala. Hindi ko kabisado talaga ang lugar na iyon, bukod sa kabilin bilinan ni Tiyang Lagreng na kay Tiyang Doray ko kayo ihahatid,” ang turan niya. Lihim na napakislot ang dibdib ko nang marinig ang pamilyar na apilyedong binanggit niya. Kalakip niyan, kahit paano nakagaan ang sa pangamba at bigat ng dibdib ko ang nakikitang malasakit sa amin ni Marlon. Abot abot talaga ang pasasalamat ko sa kanila ni Aling Lagreng. Sa isang maliit na bahay ng kanilang kamag anak niya kami dinala. Pagkakita pa lamang sa amin ng babaeng sa tantya ko ay may edad na apatnapo pataas ay agad ko nang napansin ang pagsasalubong ng kilay niya. Pagkaparada ng dyip na siyang sinakyan namin ay agad bumaba si Marlon at nilapitan siya at nagmano. Binati rin namin ang babaeng pinakilala ni Marlon na Tiyang Carmen pero ni hindi ito sumagot sa amin. Nakatayo kami ng kapatid ko di kalayuan sa kanila. Bahagya ko pang naririnig ang pag-uusap nila. “Hindi puweding makitira sa amin ang mga iyan, Marlon. Tingnan mo naman ang kalagayan namin dito. Ang liit ng bahay namin at halos hindi na nga magkasya ang mga pinsan mo,” nakaramdam ako ng hiya nang marinig iyon. “Sige na, Tiyang Carmen, kahit ilang araw lang. Kabilin bilinan talaga ni Tiyang Lagreng na huwag ko silang iiwan sa kung saan saan lang, dito ko raw talaga sila dalhin sa iyo,” dinig kong pakiusap niya. Naiiritang napa tsik ang babae. Tiningnan ako ni Ricky ng may pangamba. Napatingin rin ako sa kaniya, pilit akong ngumiti, hinaplos ko ang buhok niya para sabihin na wala siyang dapat alalahanin at magiging okay rin ang lahat. “Pambihira naman! Saan ‘yan sila matutulog e, para na nga kaming sardinas dito?” “Maghahanap naman po si Jacky agad agad ng matitirahan nila at hindi rin naman sila magtatagal dito. Sige na Tiyang, kahit tatlong araw lang,” ang dinig kong patuloy na pangungumbinsi ni Marlon sa tiyahin. “Tatlong araw? So, tatlong araw kaming magsisiksikan dito? Ano ba naman ‘yan!” Kalaunan ay wala rin nagawa ang babae hindi na lamang nakipagtalo. “Sige, tatlong araw lang ha? Sabihan mo ‘yan sila na agad maghanap ng matitirahan!” Napilitan na lamang niyang sagot. Nakakaramdam talaga ako ng hiya dahil naistorbo pa namin sila. Naging pasanin pa nila kami ng kapatid ko. Bago kami iwan ng pamangkin ni Aling Lagreng ay pinagbilinan niya kaming laging mag-iingat. Pero hindi na niya pinarating sa akin ang mga gusto ng kaniyang nakasimangot pa rin na tiyahin. Marahil alam nito na narinig ko ang pag-uusap nila dahil ba naman sa malakas na boses ng tiyahin niya. Kinagabihan, kahit pagod ay halos hindi ako nakatulog dahil wala na ngang mapupuwestuhan. Pinaunan ko na lamang si Ricky sa mga hita ko habang nakaupo at nakasandal naman ako sa dingding. Mayroon silang nagsisilbing maliit na kuwarto na ang pintuan ay natatakpan lamang ng kurtina. Doon natutulog ang mag-asawa. Hilihilirang nakahiga naman ang anim nilang mga anak, kasama namin ni Ricky dito sa sala. Ang napakakipot na kusina ay hindi rin puweding tulugan kahit pansamantala. Wala akong inaksayang pagkakataon at kinabukasan nga ay naghanap agad ako ng mauupahan. At laking pasasalamat ko nang agad akong nakakita ng mauupahan namin ni Ricky. Dahil sa perang natangay ko kay Don Andres, kahit paano ay nagkaroon kami ng panimula ng kapatid ko. Nangupahan kami sa maliit na kuwarto. Nakabili pa ako ng ilang pangunahin naming mga gamit at ang iba ay tinabi ko. Pero alam kong ang perang iyon ay hindi rin magtatagal at mauubos rin. Kaya naman agad din akong naghanap ng trabaho sa lugar na iyon. Tinangka kong mamasukan sa mga hotel at resorts sa lugar pero walang tumanggap sa akin dahil bukod sa resume ay wala na akong maibigay na dokumento tungkol sa akin. Bukod diyan, napagkakamalan din akong mas bata ng ilang taon kaysa sa tunay kong edad. “Dese otso ka na?” tiningnan niya ako ng may pagdududa saka muling binasa ang resume ko. “May birthcertificate ka bang dala or kahit anong dokumento? ID kaya?” Laging ganyan ang tanong sa akin. Kaya naman sumuko na ako at hindi ko na pinagsiksikan ang sarili kong magtrabaho sa mga ganoong establisyemento. Hindi nga rin nagtagal pa at nakahanap rin ako ng trabaho sa isang malaking grocery store. Nang sabihin kong sa malayong lugar ako nagmula kaya hindi ko maibibigay ang mga dokumentong hinihiling nila ay hindi na nagpumilit ang may-ari. At sa matinding pakiusap ko rin sa may ari na tanggapin ako ay nadaan ko ito sa pagmamaka-awa. Hindi man kalakihan ang sahod nasasapat na para makabayad ng upa sa inuupahan namin at hindi kami tuluyang maging palaboy ng kapatid ko. Sa bawat pagdaan ng mga araw, unti unti kaming nasasanay sa lugar. Nagkakaroon na rin kami ng ilang mga kakilala. Inabot rin ng tatlong buwan ang pagtatago namin ni Ricky kay Mama. Pero sa hindi ko inaasahan ay natunton niya rin kami. Pagod at medyo masama man ang pakiramdam ko ay masaya pa rin akong umuwi dahil araw iyon ng sahod ko. Though, may kaonting pangamba akong nararamdaman dahil napapansin ko ang madalas kong pagkahilo at may mga pagkakataon rin na parang nasusuka ako. Natunaw ang ngiti ko at agad akong ginapangan ng kaba nang makita ang dalawang lalake sa bukana ng inuupahan naming kuwarto. Halos liparin ko ang loob papasok para tingnan ang kapatid ko. Agad na nanlisik ang mga mata ko nang mabunggaran ang mukha ni Mama na kampanting nakaupo sa monobloc chair na binili ko. May bitbit pa akong donut na pasalubong sana sa kapatid ko. “Oh, nariyan ka na pala Jacky,” napalunok ako sa tono niya. Malumanay.. Pero alam kong maraming ibig sabihin iyon. May panganib na kaakibat. Ganyan ko kakilala si Mama. Tumayo siya at nilapitan ako. May kakaiba sa ngisi niya. Bakit siya narito? Paano niya kami natunton? “Huwag mo nang itanong pa kung paano ko kayo natunton ni Ricky. Marami akong paraan Jacky, hindi niyo ako basta matatakasan. At hindi ka makakawala sa akin hanggat hindi niyo ako nababayaran.” Ang makahulugan niyang sabi. Nag umpisa akong kabahan nang maalala ang huling pagkakataon na nakita ko siya habang sinasaktan ng mga tauhan ni Mr. Ching. Napatingin ako sa kapatid kong tahimik lamang sa isang tabi pero mababakas ang takot sa kaniyang mukha. “Malaki ang kasalanan mo sa akin, Jacky. Patong patong na, at magpasalamat ka dahil sa tindi ng ginawa mo kay Mr. Ching ay nagawa ko pa rin iyon lusutan—“ “Kasalanan mo ang lahat ng nanyari at hindi ko kasalanan.” Medyo nanginginig ngunit mariin kong putol sa tila paninisi niya. Though, may takot akong nararamdaman nang mga sandaling iyon dahil alam kong hindi ito mangingiming saktan ako. “Ina ka namin. Paano mo naatim na ibinta ang sarili mong anak? Paano mo nasisikmura na ipahamak ako kapalit ng pera—“ lumagapak agad ang palad niya sa pisngi ko. Napasapo agad ako roon dahil sa lakas. Pakiramdam ko pati utak ko ay nayanig sa sampal niya. Naramdaman ko agad ang pagkamanhid ng pisngi ko. “Tama ka, Jacky. Anak lamang kita! Kayo ni Ricky.” Ang namumula sa galit niyang duro sa akin. “Kaya utang niyo sa akin ang buhay niyong dalawa na nararapat lamang niyong bayaran sa akin. Ina niyo ako kaya nasa akin ang lahat ng karapatan para mabayaran niyo ako! Nangako ka! Babayaran mo ako, Jacky!” Nang sandaling iyon, hindi ko na napigilan ang pag-alpas ng emosyon sa dibdib ko. Hindi ko maatim na hindi siya sagot sagutin dahil sa baluktot niyang katuweran at paniniwala. Hindi naman namin hiniling ng kapatid kong ipanganak niya kami. Sila ang may kagustuhan nun kaya responsibilidad nila kaming buhayin at mahalin. Nanginig ang mga labi ko kasabay ng pagtulo ng aking mga luha. “Bakit ang ibang magulang ginagawa lahat para maprotekhan ang mga anak nila. Mahal nila ang mga anak nila.. pero bakit ikaw, kayo ni Papa bakit wala kayong pagmamahal sa amin—“ “Pero binuhay ko kayo! Yun man lang maisip mong babae ka bilang utang na loob sa akin! Pero anong ginawa mo?! Pinahamak mo pa ako! Muntikan na akong patayin ng intsik na iyon dahil sa ‘yo! At ang malaking pera na sana ay makukuha ko kay Mr. Ching ayon at naging bato pa! Pasalamat ka na lang at nalusutan ko pa ang ginawa mong pinsala sa kaniya! Dahil kun ‘di, baka sa kulungan ang bagsak mong gaga ka! At kung nagkataon pa ay damay ako!” “Kung hindi mo ‘ko pinilit na bininta kay Mr. Ching, hindi ‘yun mangyayari kaya kasalanan mo lahat ang lahat. Isa pa, hindi naman namin hiniling ni Ricky na ipanganak niyo kami sa mundo para magbayad ng utang saiyo-“ hinablot niya ako at sinabunutan. “At pala sagot ka na ngayon?! Anong pinagmamalaki mo ha?!” Ang aniyang mahigpit na hinawakan ang buhok ko kasunod ng paglagapak muli ng palad niya sa magkabilaang pisngi ko. Pinaulanan niya ako ng sampal. Inutusan niya ang dalawang lalake na bitbitin si Ricky, “huwag niyong hahawakan ang kapatid ko! Bitawan niyo siya!” “Tumigil kang babae ka! Ako lamang ang magsasabi kung hahawakan nila si Ricky or hindi!” Ginusto kong magpumiglas mula sa mahigpit na pagkakahawak ni Mama pero nakakaramdam ako ng matinding pagkahilo. “Dalhin silang dalawa sa sasakyan,” ang maotoridad niyang utos sa dalawang lalake. Patulak niya akong binigay doon sa isang lalake. “Hindi ka makakawala sa puder ko, Jacky hanggat hindi ka nakakabayad sa akin. Pakikinabangan muna kita bago kayo makawala sa akin ni Ricky!” Masamang masama ang tingin niya sa akin na turan. Hinihingal pa siya sa galit sa akin. Dahil sa pagkahilo, at sakit na natamo sa mga sampal niya, nagawa kong magpatangay sa bawat hatak nila sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD