JACKY
Hindi ko alam kung ilang oras ko siyang tinitigan. Parang hindi pa rin ako makapaniwala na magkasama kami ng mga sandaling iyon at sa iisang kuwarto pa.
Magkatabi sa kama at pawang walang mga saplot. Alam kong wala siya sa sariling wisyo, lasing na lasing siya eh. Parang ang bigat pa ng dinadala niyang problema.
He looked vulnerable. Napagkamalan pa niya akong bayarang babae. Like, what the.. heck?!
Inangkin niya ako habang panay ang sambit niya sa pangalan ng asawa niya.
Dapat makaramdam ako ng disappointment e, pero sa loob ko, parang tanggap ko na ang ganoong eksena.
Ever since naman, alam ko na kung gaano nito sambahin ang asawa niya. Bulag na lang ang hindi makakakita kung paano niya tingnan ang asawa niya. Na para bang isa itong Diosa, pinakamaganda sa lahat ng babae sa mundo.
Biruin mo ha, marami rin namang magagandang dalagang teacher sa school namin na obviously, kilig na kilig rin naman sa presensya ni Don Andres pero kahit kailan hindi ko nakitang lumiko ang mga mata nito sa iba.
Tanging sa asawa niya lamang ito nakatitig at kung makipag-usap man ito sa mga guro namin ay makikitang nag-ibaba ang awra ni Don Andres at nagiging professional.
Nagiging seryoso.
Kanina, nakaramdam ako ng matinding kirot pero hindi dahil sa pagkapunit ng p********e ko, hindi rin dahil alam kong mahal na mahal niya ang asawa niya at obviously na asawa niya ang iniisip nito ng mga sandaling iyon habang inaangkin ako.
Nakaramdam ako ng kirot dahil sa nakikita ko at ramdam na ramdam ko ang labis na paghihinagpis niya.
Damang dama ko ang labis na kalungkutan niya at tila pangungulila ng mga sandaling iyon sa kaniyang asawa.
Mahal na mahal niya talaga ang asawa niya ‘di ba? Pero ano kayang nangyari sa kanilang dalawa? Tama kaya ang sapantaha kong baka nagloko ang asawa niya kaya siya nagkakaganito ngayon?
Bakit kaya ganun no? Sa nakikita ko naman, napakabait ni Don Andres Salcedo, mayaman pa. Pagdating sa itsura ay panalong panalo rin. Wala kang itatapon sa kaniya.
Lahat ng parte ng katawan at pagkatao niya ay tila kay sarap sambahin.
Medyo nakakaalangan ngang tawagin itong Don dahil para sa akin ay napakabata pa niyang tingnan at ang salitang Don ay para lamang sa mga matatandang mayaman.
But anyways, ‘yun ang tawag sa kaniya sa school namin. Nasa kaniya na ang lahat. Ano pa ba ang hanap ng asawa niya kung saka-sakali?
Sa ilang beses na nakita ko sila sa school namin noon, kitang kita ko na mahal na mahal naman nila ang isat isa. Pero anong nangyari sa kanilang pagsasama?
Hindi ko namalayan na nalululong na ako sa kakaisip kung anong nangyari sa kanilang mag-asawa. Bakit ba mas concern ako dun e, ako yung agrabyado ngayon? Ako ‘yung nawalan ng puri!
Well, ang akala ko, kapag humupa na ang init ay makakaramdam ako ng pagsisisi pero wala akong makapa sa dibdib ko. I was even glad na sa kaniya ko naibigay ang pinaka-iingat ingatan kong puri.
Kaysa naman sa makuha ng nakakasukang intsik na iyon or kahit na sino pang manyakis na lalaking kilala ng ina ko. Damn. Si Mama?
Napakagat ako sa ibabang labi ko nang maalala ang aking sakim na ina.
Ginapangan ako bigla ng takot, kapag nalaman niya ang nangyari, baka kung ano ang gawin niya sa akin. Hindi ‘yun mangingimi na saktan ako.
Kahit na paika-ika ay tumayo ako at umalis ng kama. Hindi dapat ako magtagal sa lugar na ito.
Hindi ko alam kung nariyan pa ang mga tauhan ni Mr. Ching at hinahanap pa rin ako pero hindi ako puweding manatili rito ng magdamag.
Kumilos ako at hinagilap isa-isa ang aking mga saplot, nasulyapan ko ang makapal na wallet ni Don. Andres. Napalunok ako. Kailangan ko ng pera. Pero masama ang kumuha ng isang bagay na hindi iyo, lalo na’t walang pahintulot iyon.
Pero paano ako makakauwi, hindi ko puweding lakarin ang ganoon kalayo pauwi sa amin.
Isa pa, kailangan ko ng pera para makalayo kay Mama kasama ang kapatid ko.
So, sa nagtatalo kong isipan ay pikit mata kong kinalimutan ang mabuti at mas pinili kong gawin ang hindi dapat. Pinakialaman ko ang wallet ni Don Andres. Kinuha ko lahat lahat ng cash na nasa wallet niya.
Puro lilibohin ang mga iyon, at alam kong malaki-laki rin ang natangay kong pera.
Sa huling pagkakataon ay sinulyapan ko siya habang mahimbing na natutulog.
“I’m so sorry,” ang mahina kong bulong sa kaniya saka ko siya hinalikan muli sa labi saka ko na tinungo ang pintuan.
Paglabas ng kuwarto niya ay napakatahimik ng buong paligid. Pakubli-kubli ako na parang kriminal habang pumupuslit ako palabas ng gusaling iyon ng hotel.
Ni hindi ko alam kung paano ako nakalabas, pero naispatan ko pa ang mga tauhan ni Mr. Ching sa entrance ng hotel at parang iniisa-isang kinikilala ang bawat mga taong lumalabas.
Sumakay ako ng dyip hanggang palingke pagkatapos ay sumakay naman ako ng traysikel, at nagpahatid sa amin.
Pero medyo malayo pa kami ay nakita ko nang may dalawang sasakyan ang nakaparada sa tapat ng bakuran namin.
Nakita ko si Mama na binitbit ng ilang lalake at pilit na isinakay sa sasakyan. Nakaramdam ako ng guilt at takot na baka may gawing masama ang mga ito sa kaniya.
Gaano pa man siya kasama sa aming magkapatid ay hindi namin maikakatuwa na ina pa rin namin siya at hindi yun magbabago.
NANG makaalis ang mga sasakyan ay agad akong nagtungo sa tinutuluyan naming bahay.
“Jacky,” napalingon lingon ako sa paligid. Hinanap ang pinanggalingan ng pigil na boses na tumawag sa akin.
Sinutsutan niya ako, pigil na pigil rin na akala mo’y ingat na ingat na huwag itong marinig ng iba bukod sa akin.
Ang matandang babaeng si Aling Lagreng na siyang nakatira ‘di kalayuan sa bahaging likuran ng bahay namin.
Kinawayan niya ako habang nagkukubli siya sa gilid ng mayayabong niyang pananim na mga puno ng saging.
Ang alam ko’y biyuda na ito, may isang anak na babae na nakapag-asawa sa Manila kaya mag-isa na itong namumuhay ngayon sa kaniyang munting kubo.
Napalapit ako sa kaniya, “narito sa akin si Ricky, pinatuloy ko muna rito at tinago dahil ginulpi ng Mama mo kagabi,” ang balita nito sa akin.
Napaawang ang mga labi ko habang nanlalaki ang mga mata dahil sa narinig mula sa kaniya. Masama ang pakiramdam ko, masakit ang buong katawan ko lalo na ang gitna ko pero hindi ko iyon iniinda at binaliwala na lang.
Agad akong napasugod sa kubo niya, nakasunod lamang siya sa akin. Halos mapaiyak ako nang makita ang kalunos lunos na itsura ng kapatid ko.
May black eye, at putok rin ang labi nito, bukod sa mga gasgas nito sa katawan.
Sumpa na yata sa aming magkapatid ang pagkakaroon ng inang katulad ni Mama.
“Narinig kong sumisigaw sa iyak ang kapatid mo, ‘yun pala ay ginugulpi na naman at sinasaktan ng ina niyong tila naka inom na naman. Tapos may dumating na sasakyan sa bahay niyo, hinahanap ka ng mga lalake iyon. Dahil narinig kong paulit ulit nilang binabanggit ang pangalan mo habang galit na galit. Nakita kong tila nakikipagtalo ang mga ito sa Mama mo, dinuro duro pa siya at tila pinagbabantaan, hindi ko naman maintindihan ang pinag-uusapan nila dahil ingles. Pero may pakiramdam akong masama ang pakay nila. Kaya bago pa nila mapagbalingan muli ang kapatid mong si Ricky, ay kinawayan ko na siya palapit sa akin at tinago rito sa kubo ko. Tingnan mo naman, hinintay ka talaga ng mga lalaking iyon sa bahay niyo hanggang umaga, buti at hindi ka kaagad dumating, masama talaga ang kutob ko sa mga iyon e,” mahabang kuwento at litanya niya.
Niyakap ko ang kapatid kong walang imik ng mga sandaling iyon ngunit panay ang tulo ng luha niya.
“Maraming salamat po, Aling Lagreng sa pagmamalasakit niyo sa amin ng kapatid kong si Ricky. Aalis na po kami, lalayo po kami kay Mama.” Bahagyang pagkagulat lamang ang nakita ko sa kaniya. Kapag kuway lumamlam ang mga mata niya sa akin na tila nagtatanong.
Tahimik akong napaiyak, “n-nagawa po akong i-ibinta ni M-Mama sa isang mayamang intsik,” ang putol putol kong sabi. Napaawang ang mga labi niya sa narinig, tila hindi ito makapaniwala.
“Nakatakas lamang po ako, kanina po ay nakita ko nga sila na nasa bahay namin. Mga tauhan po yun ni Mr. Ching. Yung intsik na pinagbintahan sa akin ni Mama. Malaking halaga po ang nakuha niya kaya po siguro galit na galit ang intsik dahil nga po, ay tumakas ako. Nagkubli lamang po ako kanina at lumabas lamang nang makaalis na po sila,” ang salaysay ko. Though, hindi ko na kinuwento lahat ang buong detalye.
Hindi ko sinabing nasaktan ko si Mr. Ching at ni hindi ko alam kung nakaligtas ito sa pinsalang natamo niya mula sa akin.
“Saan kayo niyan pupunta? Isa pa, may tiyak ba kayong matutuluyan kung saka-sakali?” ang tila nag-aalala nitong tanong.
Nakakatuwa na kung sino pa ang mga taong hindi mo kadugo, madalas ay ‘yun pa ang siyang may malasakit sa amin ng kapatid ko.
Tulad na lamang nitong si Aling Lagreng ganun rin ang dating kapit bahay namin noon na si Aling Koring.
“W-Wala po..” medyo napayuko kong amin.
Pero kapagkuway, muli ko siyang tiningnan at pinilit kong ngumiti sa kaniya.
“Pero huwag po kayong mag-alala, mag-iingat naman po kami. At isa pa po, mas delikado po ang magiging kalagayan naming magkapatid kung mananatili pa po kami rito,” ang desidido kong sabi.
Ang tanging naisip ko na lamang para sa kaligtasan namin ng kapatid ko, ay ang tuluyang makalayo sa anino ni Mama at sa mga tauhan ni Mr. Ching.
“Alam kong mas maigi nga na makalayo kayong magkapatid sa inyong sakim at makasariling ina, ngunit baka habang buhay naman akong usigin ng kunsensya ko kung may mangyaring masama sa inyo ni Ricky, mapapanatag lamang ako kung alam kong maayos kayong makakapunta sa isang lugar na alam kong ligtas kayo at malayo sa Ina niyo. Kung gusto mo lang Jacky, sa San Vicente, dalawang bayan ang layo lamang nitong San Roque mula doon, mas magiging maayos kayo ng kapatid mo dun,” ang ani Aling Lagreng.
“Ang bayan na iyon ay pogresibo kung ikukumpara sa ibang bayan, maraming oportunidad ang naghihintay sa inyong magkapatid sa lugar na iyon,” ang kaniya pang dagdag.
“Tatawagan ko ang pamangkin ko at ipapahatid ko kayo roon,” ang aniya pang hindi ko na natanggihan pa.
At sana nga sa bagong ngang lugar na tatahakin namin ni Ricky ay maging mabait na sa amin ang tadhana.
A/N: ❤️❤️❤️