CHAPTER-12

2526 Words
JACKY Pagdating sa kuwarto ko ay agad kong sinara ang pinto. Hindi ko mapigilan ang pag-apaw ng emosyon sa dibdib ko. Pasalampak kong ibinagsak sa kama ang sarili at impit na umiyak nang umiyak. Hindi ko alam kung paano ko iibsan kahit na kaonti ang sakit na nararamdaman ko. Pinagsusuntok ko ang unan. Doon ko binuhos ang ngitngit at galit ko dahil sa natuklasan. Gusto kong isigaw ang iyak ko pero nagpigil pa rin ako sa takot na mas lalong ma-badtrip si Mama dahil sa inasal ko kanina. Pero anong magagawa ko? Hindi ko alam kung paano ko dadalhin ang bigat ng emosyon ko. Gayon din ang sakit na nararamdaman ko habang nakikita siyang nakikipag halikan sa sarili ko pang ina! Hindi ko matanggap talaga ang isang katotohan na bigla na lang bumulaga sa akin. Na ang Andres na tinutukoy at binabanggit lagi ni Mama na siyang nobyo niya ay ang Andres na lihim kong minahal at patuloy na minamahal hanggang sa mga sandaling iyon. Pero paano ko ipapaalam sa kaniya ang tungkol sa akin? Tungkol sa nangyari noon sa amin? At kung malalaman niya iyon, may mababago ba sa sitwasyon? Ako ba ang pipiliin niya at mamahalin, or mas gugulo lamang ang lahat? Pero hindi siya totoong mahal ni Mama, hindi sila puwedeng makasal. Kailangan nilang maghiwalay, kailangan na ayawan ni Andres si Mama dahil kun ‘di ay mapapahamak siya. Nararamdaman ko kasi na para bang may balak na masama si Mama at si Gov, Juancho. Narinig ko ang ugong ng sasakyan sa baba, natigilan ako, napabangon ako bigla. Hindi ko napigilan ang sarili na hindi sumilip sa bintana. Nakita ko ang papaalis nang sasakyan niya, naroon si Mama at nakatayo lamang. Hinatid niya ng tanaw ang sasakyan ni Andres. Kumaway pa siya sa papalayong sasakyan. Hindi ko alam pero napatiim ang labi ko at naningkit ang mga mata ko sa sarili kong ina. Si Andres ang pinagplaplanohan nila, malakas ang kutob ko. May masama silang binabalak ng Gov. Juancho na iyon na napag-alaman kong kaibigan man din na matalik ni Andres. Napakubli ako sa pagkakasilip nang makita kong aktong titingala si Mama sa kinaroroonan ko. Nakita kong nakatiim din ng maigi ang mga labi niya, nakakuyom din ang mga kamay niya. Indikasyon na galit siya at alam ko kung kanino siya nagagalit. Galit siya sa akin, dahil sa naging asal ko kanina. Sa muling pagmulat ng reyalidad kung anong klasing ina siya sa akin at kung paano ito magalit ay bigla akong naalarma. Nataranta ang isip ko.. Anong gagawin ko? Anong idadahilan ko sa kaniya? Hindi pa man ako nakakahapuhap ng maaring maidadahilan ay biglang bumukas na ang pinto. Bumungad ang galit na mukha ni Mama. Napaawang ng bahagya ang mga labi ko nang walang abog na nilapitan niya ako at hablutin ang buhok ko. Agad akong napangiwi sa sakit. “Ikaw na babae ka, ang galing galing mong manira ng momentum!” Humigpit pa ang hawak niya sa bugkos ng buhok ko kaya napahawak ako sa kamay niya. “Ma! Aray ko, masakit po!” Halos mapasigaw na ako dahil sa sakit. Sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya at panaka-nakang paghila niya ay pakiramdam ko, para bang sasama na ang anit ko sa paghatak niya. “Talagang masasaktan ka sa akin ngayon gaga ka! Anong kadramahan mo at ganun ang inasal mo sa harapan ni Andres?! Ano?! Sumagot ka!” Napasigaw na ako ng hilahin niya ng todo ang buhok ko. “Tama na Ma! Bitawan niyo po ang buhok ko!” “Tatanggalin ko talaga ang anit mo nang magtanda ka! Akala ko ba nagkakaintindihan na tayo? Kikilos lamang kayo ni Ricky ng naaayon sa gusto ko! Hindi yong bigla bigla ka na lamang mag-iinarting babae ka!” Iba ang galit na pinapakita niya ngayon sa akin. Nanlilisik ang mga mata niya. Nang mga sandaling iyon, naramdaman kong muli ang takot dahil alam kong hindi talaga siya mangingiming bugbugin ako hanggang sa maging lupaypay ako kung tatangkain kong magmatigas pa sa kaniya. “Hindi mo ba alam na napakaimportante ni Andres sa akin?! Paano kung dahil sa kabastusan mo ay madismaya siya bigla ha?! Mapapatay ka talagang babae ka! Ikaw pa yata ang sisira sa lahat ng mga plano ko!” Sinampal niya ako ng walang kasing lakas! Dalawang beses. Nahagip pa niya ang gilid ng bibig ko. Naramdaman ko ang pagputok ng labi ko at muli kong nalasahan ang sarili kong dugo. Lahat yata ng bigat na kayang dalhin ng palad niya ay lumagapak sa mukha ko Naramdaman ko ang tila biglang pagkamanhid ng isang pisngi ko. Ang pangangatal nito sa hapdi. Kasunod ng pagsampal niya ay ang malakas na pagtulak niya sa akin kaya napasalampak ako sa gilid ng kama. Muntik pa ngang humampas ang mukha ko sa gilid ng frame nito. “Subukan mong ulitin ang ginawa mo babae ka! Kung hindi ka susunod sa mga gusto ko at hindi rin naman kita mapapakinabangan mas mabuti pang patayin na lamang kitang gaga ka baka ikaw pa ang makakasira sa mga plano ko—“ “S-Sorry po, Mama..” Ang bigla kong sabi sa pagitan ng pag-iyak ko. “Patawarin niyo na po ako, nabigla lamang po akong malaman na seryoso ngang may nobyo na kayo—“ “Kailan ka pa nagkaroon ng pakialam at interes sa personal na buhay ko?!” Singhal niya sa akin. Hindi ako umimik. Wala lamang kasi akong maapuhap na maidadahilan sa kaniya at yun na lamang ang nahagilap ng bibig ko. Nginisihan niya ako.. “Huwag mong sabihin na umaasa pa kayo ni Ricky na magkakabalikan pa kami ng walang kuwenta niyong ama?!” Sarkastiko niyang tanong. Lumapit siya sa akin habang nakangisi, medyo napayuko ako. Hindi ko matagalan ang nang uuyam na naman niyang itsura. “Sobrang yaman ni Andres at mahal na mahal niya ako. Lahat gusto ko ay binibigay niya.” Nangingislap ang mga mata niyang kuwento. “Hindi ka ba natutuwa? May nobyo na ako at malaki ang tyansa na magpakasal kami ni Andres at magiging step father niyo na siya—“ “Pamilyado po siyang tao paano ka niya pakakasalan?!” Ang bigla kong naisagot. Shit. Napalakas pa ang boses ko. Lihim ko ring nakagat ang dila ko nang mapagtanto kung ano ang lumabas bigla sa bibig ko. “Alam mong pamilyado siya—“ “Narinig ko po noon sa party na may dalawang anak po siya at asawa,” mabilis kong pagpapalusot. Matiim akong tinitigan ni Mama, parang binabasa ang mukha ko. Damn this witch. Halatado kayang nagsisinungaling ako? Lihim akong nangamba at naalarma. Sana naman ay hindi ito manghinala at mag-isip pa ng kung ano ano. “Parang kulang ang nasagap mong balita mahal kong anak,” may panunuya niyang sabi. “Biyudo na si Andres, Jacky. Oo, nga’t may dalawa siyang anak. Ngunit patay na ang panget niyang asawa kaya malaya siyang pumili ng babaeng makakarelasyon niya at pakakasalan, at ako ang masuwerting babaeng iyon. Ako ang gagawin niyang reyna kung hindi siya madidismaya sa pagiging bastos mong gaga ka!” Diniinan ng hintuturo niya ang sintido ko. Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. Then, nagbalik ang tagpo nang gabing iyon kung saan lasing siya at malungkot na malungkot. Ngayon ko lang na-realised ang lahat. Nangungulila siya sa pagpanaw ng kaniyang asawa. Nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na emosyon. Naaawa ako sa kaniya, nalulungkot ako para sa kaniya. Him and his wife are so perfect couple, yung kapag pinagmasdan mo sila, mangangarap ka rin na sana makatagpo ka rin ng ganoong klaseng relasyon. Ganoong klase ng pagmamahal. Yung tipong hindi mo man sila maririnig na magsalita at magsabihan ng I love you, makikita mo naman ang labis na pagmamahal at respeto nila sa isa’t isa sa uri pa lamang ng kanilang tinginan. Kitang kita mo agad sa mga mata nila ang pagmamahal nila sa isa’t isa. “S-Sorry po ulit, Mama. Hinding hindi na po mauulit.. Pinapangako kong susunod lamang ako sa gusto niyo—“ “Dapat lang no!” Humalukipkip siya sa harapan ko at ngumisi. “Malay mo naman, kung maging mabait at masunurin lamang kayong anak ni Ricky sa akin, baka maambunan ko pa kayong dalawa ng mas malaki pang suwerte na naghihintay sa atin,” ang makamandag na ngisi niyang sabi. ISANG araw ang nakalipas, lumabas na ako ng school at uuwi na. Pasakay na ako noon sa sasakyan nang may tumawag sa pangalan ko. Pagkarinig pa lamang ng boses niya ay parang binulabog na agad ang dibdib ko ng kaba. Medyo nagulat lang akong makita siyang papalapit sa kinatatayuan ko. Sinenyasan niya ang dalawang tauhan ni Mama na lumayo. Parang napipilitang napatango naman ang dalawa ngunit sinunod pa rin nila ang utos niya. Lumayo rin kami ng bahagya mula sa sasakyan. Nakita kong napatingin siya sa labi ko. Medyo nagtagal ang mata niya roon. Nagsalubong ang mga kilay niya. Tumikhim ako para alisin ang pansin niya roon. Well, halatang halata nga ang pagkakapula ng sugat ko sa labi kahit pa nga tinakpan ko na ng lip stick. “Bakit anong ginagawa mo rito?” matatas kong kuha sa atensyon niya. And, damn. Hindi ko mapigilan ang inis ko. Sa dami rami kasi ng babaeng matino sa mundo. Pumili pa talaga siya ng isang babaeng tinakasan ng tino? Medyo natigilan siya. Kailangan ko ba siyang i-po at opo kung kausapin? No way! Ayaw ko, para sa akin, hindi pa niya bagay ang salitang iyon. Oo nga’t malaki ang agwat ng edad namin pero kung pagbabasihan ay ang itsura, hamak na napakabata ni Andres ng marami kumpara sa totoong edad niya. “Can we talk?” kapag kuway malumanay na aniya. “Kinakausap na kita,” sarkastiko kong sagot. Napabuntong hininga siya. “Please, I’m serious. I would like to talk to you-“ “Para saan ba?” hindi ko makalma at makontrol ang inis na mababakas sa boses ko. Huminga siya ng malalim. “Look, Jacky. I’m so sorry.. Marahil ay nabigla kayo ni Ricky sa pagdating ko sa buhay niyo. Lalo ka na,” parang gusto kong matawa sa sinabi niyang nabigla niya ako. Damn. Literal, Andres! Nabigla talaga ako dahil ikaw, ikaw na lalaking napag-alayan ko ng lahat lahat sa akin, at sa puntong nagbunga pa nga iyon ay siya pa lang nobyo ng walang hiyang ina ko, na siyang pumatay sa dapat sana’y anak natin! “I love your Mom—“ “Hindi mo alam ang pinapasok mo.” I immediately cut him off. Parang tinusok ang puso kong malaman na mahal na niya ang ina ko. “Alam na alam ko..” bumuga ako ng pagak na tawa. “Talaga? Sigurado ka, mas mahal mo ang mama— mommy ko kaysa sa asawa mo?” matigas kong tanong. Nakita kong natigilan siya, kasunod ang pagdaan ng kung anong emosyon sa kaniyang mga mata. He’s hurting.. Shit. Bakit parang pati ako apektado sa emosyon na iyon na saglit kong nakita sa mga mata niya? “Marahil ay hindi niyo pa ako matatanggap ng basta basta ng kapatid mo, naiintindihan ko iyon. Alam kong nasasaktan pa kayo para sa daddy niyo, dahil umaasa pa kayong magkakabalikan sila ng mommy niyo,” hindi niya sinagot ang tanong ko. At parang gusto kong mapahalakhak sa naging tugon niya. Iniba niya ang usapan at ayaw niyang sagutin ang tanong ko. Malinaw na malinaw, sa akin, Andres. At kung alam lamang niya kung anong klaseng mga magulang mayroon kami ng kapatid ko. Ni wala na nga sana akong pakialam kung sinong mga babae or lalake ang makakatuluyan nila. Except siyempre na malaman kong siya pala ang nobyo ng ina ko at mukhang walang kamalay malay itong si Andres sa tunay na pakay niya! “Naiintindihan ko ang nararamdaman niyong mga anak niya dahil ganun din naman ang nararamdaman ng mga anak ko, mahirap pa para sa kanila sa ngayon ang tanggapin na may napupusuan na akong babae para maging katuwang sa buhay ko—“ “You’re just disappointing them— masasaktan mo lang sila!” “Para rin sa kanila ang ginagawa ko, sila ang pangunahing iniisip ko sa bagong buhay na gusto kong buuin para sa amin—“ “Hindi mo alam ang sinasabi mo, kung mahal mo silang talaga at kapakanan nila ang iniisip mo, bakit hindi mo na lang iwan ang Mommy ko at mag-focus ka na lang sa mga anak mo—“ “As I said, I love your mom, Jacky. Pero hindi ibig sabihin nun na sarili ko lamang ang iniisip ko, gusto kong magkaroon pa rin ng buong pamilya ang mga anak ko kaya ko ‘to ginagawa—“ “At sa tingin mo matatagpuan mo talaga iyon sa amin?” alam kong malalagot na naman ako kay Mama kung malalaman niya ang mga pinagsasabi ko kay Andres. Medyo nakaramdam ako ng takot na baka isumbong niya kay mama ang mga pinagsasabi ko sa kaniya. But I should at least try to stop him, discourage him para makapag isip-isip siyang mabuti. Pinapahamak lamang niya ang sarili niya, pati ang mga anak niya. “Give me a chance, Jacky…” nakikiusap na ang boses niya. Parang ayaw makipagtalo. “I hope, you will give me a chance to be your second dad—“ “Tumigil ka na nga!” Ang galit kong putol agad sa sinasabi niya. Second dad daw? What the fvck?! “Ayaw kitang maging pangalawang ama!” Tang ina, e, ikaw ang ama ng sana ng anak ko, gagu ka! “Tulad ng sabi ko, naiintindihan kita.. hindi ako susuko para kunin ang loob mo.. gusto kong mapalapit sa inyo ni Ricky.. gusto kong mapalapit sa iyo..” ang seryoso at parang desedido niyang sabi. Nginisihan ko siya, humakbang ako ng dalawa palapit sa kaniya, nakita kong natigilan siya. Tila hindi alam kung aatras siya para bigyan ng mas malaking distansya ang pagitan namin. Naaliw ako sa nakitang reaksyon niya, tiningala ko siya. He’s really tall. Pinakatitigan ko ang mga mata niya, hanggang sa maglakbay saglit ang mga mata ko sa buong mukha niya. At that moment, nakaramdam ako ng pangungulila. Inalala saglit ang gabing pinagsaluhan namin at kung gaano ko binusog ang sariling mga mata sa kakatitig sa kaniya nang gabing iyon habang tulog siya. Huminto ang mga mata ko sa ilong niya, then, sa labi niyang mapula pula. Nakita ko ang paggalaw ng adam’s apple niya. Muli akong napangisi. He’s affected? “Gusto mo talagang mapalapit sa akin?” Sinadya kong maging mapang-akit ang tono ko. Nakita kong muli ang paggalaw ng lalamunan niya. “Sigurado ka nang talaga? Ikaw rin baka kapag napalapit ka sa akin ng husto, hindi ka na bumitaw.” Tumingkayad ako at tinapat ang bibig sa gilid ng tainga niya. “Iba ako magmahal kay mommy,” bulong ko sa kaniya at tumawa ng mahina. Hindi ko na tiningnan ang reaksyon niya. Agad ko na siyang tinalikuran at sumakay sa sasakyan. Mula sa gilid ng mata ko ay nakita ko pa siyang nakatayo lamang doon. Sumakay ang dalawang bantay ko sa likuran ng van. “Umalis na tayo,” kapag kuway, ang yaya ko sa driver.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD