CHAPTER-13

2549 Words
JACKY Habang lulan na kami ng sasakyan pauwi ng bahay ay saka lamang unti-unting nagsi-sink in sa isip ko ang naging takbo ng pag-uusap namin ni Andres. Damn. Parang sirang plakang bumabalik sa isipan ko ang mga eksena. Lalo na ang kaguwapuhan niya. Ang kaniyang matangos na ilong, ang mga malamlam na mata niyang masasalamin agad kung gaano siya kabuting tao. Ang may kapulahan niyang labi na sa bawat gabi ay nasasariwa ng isip ko kung gaano siya kasarap humalik. Ang buong ekpresyon ng mukha niya ay tila nakapagnit na sa isipan ko. Kalakip ng alalahanin kung gaano nagwawala ang emosyon ko nang mga sandaling iyon. Ang matinding pagpipigil ko sa sariling huwag siyang halikan sa labi nang sabihin niyang mahal niya ang aking ina. I swear, gustong gusto ko siyang halikan baka sakaling matauhan siya at itigil na ang kahibangan niya. Pero siyempre, nangibabaw pa rin sa akin ang reyalidad. Hindi ako kilala ni Andres e. Wala sa sariling napasabunot ako sa sariling buhok ko nang maalala ang mga nabitawan kong salita sa kaniya, ang magaspang na naging pakikitungo ko. I even tried to seduce him.. s**t. Saka naman birong sumisingit sa isipan ko ang galit na galit na mukha ni Mama. Nakakaramdam tuloy ako ng kaba at takot dahil sa kapangahasan ko. At sa puntong iyon, naisip ko ang magiging masamang bunga ng mga pinagsasabi ko kay Andres kung saka sakaling malaman iyon ni Mama. Paulit-ulit tuloy akong napapamura sa isip. s**t, talaga. Bakit naging padalos dalos ako at mas pinairal ko ang emosyon ko? I was so careless. I shouldn’t let my emotion takes over me. Mas nakakaragdag sa kaba ko pa ang panaka nakang silip sa akin ng isa sa mga tauhan ni Mama na pumuwesto sa driverside. Maya maya kung silipin niya ako sa rearview mirror, kaya bigla akong napaayos ng upo. Pilit kong inignora ang ginagawa niyang iyon hanggang sa makarating kami ng bahay. Agad akong umibis ng sasakyan at derederitso sa hagdanan paakyat. Walang alam si Andres sa nakaraan namin. Kung ipagtatapat ko sa kaniya na nakasiping niya ako ng isang gabi, may magbabago ba sa nararamdaman niya? Hindi ako sigurado. Isa lamang akong bata sa paningin niya at sa kasamaang palad ay anak pa ng nobya niya. At ang masaklap, paano kung makarating nga kay Mama ang mga sinabi ko kay Andres kanina? Parang gusto ko tuloy pagsisihan at bawiin ang mga nasabi ko kay Andres. Hindi ko lamang kasi pinapahamak ang sarili ko, nilalagay ko rin sa kapahamakan pati ang kapatid kong si Ricky. Siguradong mabubogbog ako ni Mama kapag nagkataon or worst, mapatay nga niya ako tulad ng banta niya. Para kalmahin ang sarili ay pinasya kong magbabad sa bathtub na pinuno ng maaligamgam na tubig at bula ng mabangong milk bath cream. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko at na-relax ang katawan ko. Mula nga sa pagsandal ay halos makaidlip na ako. Napamulat lamang ako nang makarinig ng tatlong sunod sunod na katok mula sa labas ng banyo. “Ma’am Jacky, kakain na po,” ang dinig kong anang kasambahay. “Nariyan na, susunod na ako!” Pasigaw at medyo masungit kong sagot. Ewan ko pero hindi ako naging komportable sa kahit kaninong tao na kasama namin sa bahay na iyon. Alam ko naman kasi na lahat sila ay mga tautauhan ni Mama. Mga masusugid na alagad at taga sunod. At lahat ng alagad niya para sa akin ay hindi mapagkakatiwalaan at pawang mga kalaban. Pagpasok ko sa dining ay medyo napahinto pa ako nang makita siya. Then, nakurot ko ang sariling daliri sa kabang unti-unting umaahon sa dibdib ko. Pinilit kong inihakbang ang mga paa ko. Matiim siyang nakatingin sa akin habang papalapit ako ng hapag. Ang kapatid kong si Ricky ay naroon na rin at tahimik lamang na nakatungo sa kaniyang pinggan. “Pinuntahan ka raw ni Andres, kanina?” agad niyang tanong na tila may halong paninita. Napatikhim ako. s**t. Nakarating na agad sa kaniya. Well, of course, kaya nga may mga bantay kami ni Ricky para mag report sa kaniya ng mga ginagawa namin at nangyayari sa amin, di ba? “Siguraduhin mong hindi mo ako pinapahiya at tinatraydor, Jacky. Binabalaan kita,” ang aniyang tumalim ang mga mata sa akin. Lihim kong kinalma ang sarili at kumilos ng tila natural. “W-Wala po akong sinabing masama sa kaniya,” mahina ang boses kong sabi. “Siya nga? Siguraduhin mo lang dahil malilintikan ka talaga sa akin kapag nagkataon,” may pagbabanta ang boses ni Mama habang madiin ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Napalunok ako kasunod ng pagsasal muli ng kaba sa dibdib ko. “Sabihin mo sa akin, anong napag-usapan niyo? Anong sinabi niya sa ‘yo?” pautos ang tono niya. Medyo natigilan ako, kasunod ng pagkataranta ng isipan ko. Hindi agad ako makaapuhap ng maisasagot sa kaniya. Anong sasabihin ko? Dadagdagan ko pa ba ang kasinungalingan ko? Pero paano kung sabihin ni Andres sa kaniya ang laman ng naging pag-uusap namin? Mas malilintikan lalo ako sa kaniya. “Ano na? Tinatanungan kita, Jacky!” muntik na akong mapatalon sa pagtaas ng boses niya. “Huwag ko lang malaman-laman na pinapahiya mo ako kay Andres at tinatraydor, mapapatay talaga kitang babae ka-“ “Ma’am, nariyan po at dumating si Don Andres,” ang agad na imporma ng katulong sa kaniya. Nakita kong agad din siyang nataranta, inayos niya ang sarili. Nakita ko pa ang ekpresyon ng mukha niya na mula sa galit na galit at nagbabanta na tingin niya sa akin kanina ay tila naging de remote itong ngumiti bigla at bumait ang itsura. Parang gusto kong mapapalakpak sa galing niyang umarte at magpanggap. Nakakamangha kung gaano kadali para sa kaniya ang magbago ng ekspresyon ng mukha. Dinig namin ang papalapit na yapak, at ang pagbati ng isang tauhan kay Don Andres. Naisip kong katapusan ko na, malalaman na ni Mama ang nangyari kanina. “Tuloy kayo, Sir. Nasa hapag po sila Madam kasama ng kaniyang mga anak,” ang dinig pa namin. Pinandilatan pa ako ni Mama. “Maapo ka na,” mahina ngunit madiin na utos ni Mama sa akin. So, humila ako ng upuan at naupo. Panaka-nakang nagkakatinginan kami ng kapatid kong si Ricky. Papalapit pa lamang ang mga yapak niya ay agad nang tumayo si Mama. Tila praktisadong praktisado nito ang emosyong ilalabas nito sa harapan ni Andres dahil sa isang iglap tila naging isang mabait at ulirang ina ang naging awra nitong bigla. “Okay ka lang ba?” may pag-aalalang bulong na tanong ng kapatid ko sa akin. Marahan lamang akong napatango. Bumungad si Andres mula sa dining, agad nagtama ang mga mata namin pagka-angat na pagka angat pa lamang ng mukha ko. Saglit na naghinang ang mga paningin namin, lumamlam ang kaniya. “You’re here, sweetheart! Sabi ko na nga ba’t ikaw ang paparating e, kilala ko na talaga ang mga yapak mo,” ang sweet at masayang salubong niya kay Andres. Agad siyang nanguyapit sa leeg nito at humalik. Ni walang pakialam kung naroon man kami. Doon ay napabawi ako ng tingin at binaling sa mesang nasa harapan ko na puno ng masasarap na pagkain. Though, may nararamdaman akong kakaibang kirot sa dibdib ko sa tuwing makikita ko sila sa ganitong tagpo. “Nalaman kong pinuntahan mo ang anak kong si Jacky. I hope she didn’t cause you any trouble, Sweetheart—“ “Don’t you worry, not at all..” agad niyang sagot kaya napatingin ako. Sa akin din siya nakatingin kaya nagtama muli ang mga mata namin. Pero bumaba ang mga mata ko nang hilahin iyon ng paggalaw ng mga kamay ni Andres na nasa baywang ng ina ko at tila masuyong pumipisil. Awtomatikong naningkit ang mga mata ko sa tanawing iyon. Wala sa sariling napatiim ang labi ko kasunod ng pag usbong muli ng matinding selos sa dibdib ko. “Nag-aalala lang ako Sweetheart, alam mo kasi, may pagka maldita ang anak kong iyan at napakatigas ng ulo, manang mana sa ama niya—“ “Pinuntahan ko siya para muling ipakilala ang sarili ko sa kaniya bilang nobyo mo, Sweetheart. Naging mabait na bata naman sa akin si Jacky, kaya wala kang dapat ipag-alala. At kung sakaling hindi pa niya magawang tanggapin ang relasyon natin, I am willing to wait and work to earn her trust. Hanggang sa mapatunayan kong tunay ang intensyon at pagmamahal ko sa kanilang ina at bigyan niya ako ng chance na maging pangalawang ama nila ni Ricky,” ang mahaba niyang lintanya na siyang tila kinakilig naman ng aking ina. Yumakap ito sa baywang ni Andres at inayang maupo sa harap ng mesa. Napahigpit naman ang hawak ko sa aking kubyertos. I choose not to talk. But I was screaming inside my head. Damn no! Pangalawang ama raw? Fvck you! Never! Akin ka, Andres! Hindi ako makakapayag na mapunta ka ng tuluyan sa bruha kong ina! You’ll gonna work to earn my trust? I will gonna work to earn your love! To earn your whole being, Andres! Sinusumpa ko, magigising ka na lamang na ako na ang mahal mo! “Come, we’ve just started dinner. Sumabay ka na sa amin,” napakatamis ng bawat ngiting sumisilay sa labi ng aking ina pero alam ko na ang mga ngiting iyon ay may nakapaloob na lason. “Sa bukana pa nga lang, naamoy ko na ang paborito ko, ang suwerte talaga ng dating ko,” ang masiglang sagot niya. Napapalakpak si Mama. “At mas mapapasarap ang kain mo sweetheart dahil ako ang nagluto, all these food are made with love,” ang kindat ni Mama kay Andres na halos ikangiwi ko. May nalalaman pa siyang made with love. Siya raw ang nagluto? Talaga lang ha? Kailan pa siya nagka interes sa pagluluto? Baka naman luto ito talaga ng katulong at inangkin lamang niya? Pakitang gilas.. Nahiling kong sana ay hindi magustuhan ni Andres ang lasa para maipahiya niya ang sarili niya nang hindi sinasadya. Nag umpisa na kaming kumain, inasikaso ni Mama si Andres. Pinilit kong mag-focus sa sarili kong pinggan. Though, nararamdaman ko ang panakanakang sulyap niya sa akin. Bahala siya diyan, iniwasan ko talagang huwag siyang tapunan ng tingin. Mukhang masasarap nga ang mga putahing nakahain pero hindi ko naman magawang malasahan ang mga iyon. Ni wala nga akong gana. Mas nakadagdag pa sa pagkabalisa ko ang ginagawang panglalandi ni Mama kay Andres sa harap ng mesa. Nakailang subo lamang ako, ni hindi ko na sinundan ang kakaunting nailagay ko sa pinggan ko. Ilang sandali pa ay tinapos ko na ang pagkain ko. Naalibadbaran ako sa nakikitang ka sweet-tan ng dalawa. Nagpunas agad ako ng bibig gamit ang table napkin at tumayo. Napatigil sila sa harutan at napatingin sa akin. “T-Tapos ka na agad? Y-Yun lang ang kain mo?” Si Andres. Parang gusto ko siyang singhalan at sabihin na nakakawalang gana kasi landian nila ng nanay ko. Na baka tuluyang magdilim ang paningin ko at pareho ko silang mahampas ng plato. Pero pinili kong kalmahin ang sarili at natural na kumilos sa harapan nila. Hinarap ko si Andres na may ngiti sa labi. “Masarap ang luto ni Mommy pero busog pa po kasi ako, isa pa po, may school project ako na kailangan na kailangan ko pong tapusin dahil deadline na bukas, kaya maiwan ko po muna kayo, T-Tito Andres.” Mahinahon kong pagdadahilan bagamat muntik nang magbuhol ang dila ko nang tawagin ko siyang Tito. Nakatingin siya sa akin at tila walang magawa kun ‘di ang mapatango na lamang. Nakita ko naman ang biglang pagliwanag ng mukha ni Mama. I think, nagustuhan nito ang pagpapakita ko ng magandang asal kay Andres kahit pa nga pagpapanggap lang. “She called you, Tito Andres, Sweetheart. Its a good start isn’t it?” nakangiting napatango tango si Andres. Lihim naman na nagngingitngit ang kalooban ko. “Good job, Jacky. Masaya akong malaman anak na nag-aaral kang mabuti at concern kang ibalik ang lahat ng paghihirap ko para makapag-aral lamang kayo ni Ricky,” tila isang ulirang ulira ina ang dating ng pananalita niya. “Ang akala ko, puro pakikipag nobyo ang aatupagin mo sa ekuwelhanan na iyon,” ang tila sadya niyang pamamahiya sa akin. Pakiramdam ko, gusto niyang palabasin talaga na isa akong suwail na anak at siya ay uliran at matiising ina. Right. Expert talaga ang aking ina sa pagpapanggap. Tila alam na alam niya talaga kung paano kukunin ang loob ni Andres. She needs to portray herself as a good mother and loving wife para mas lalong makumbinsi si Andres na karapatdapat siya bilang kapalit ng namayapa nitong asawa sa kanilang mga anak. KINABUKASAN, nagulat ako nang hindi ko makita ang van at mga tauhan ni Mama sa labas ng school. Hinanap ng paningin ko si Ricky pero hindi ko rin siya makita. Bagkus, nakita kong muli ang papalapit na si Andres. Nagsalubong ang mga kilay ko. Bakit naririto na naman siya? Ano na naman ang kailangan niya? “Nauna na sila Ricky, sinabihan ko silang ako na ang maghahatid saiyo,” nakangiti niyang sabi. “A-At bakit?” “I told you, kukunin ko ang loob mo. Desidido akong kunin ang buong tiwala niyong magkapatid at magkaroon tayo ng maayos na relasyon bilang isang pamilya—“ “Imbes na ako ang pag-aksayahan mo ng oras, bakit hindi mo na lang igugol ang oras mong tulungan si Mommy na kunin ang loob ng mga anak mo dahil sigurado akong mahihirapan siyang—“ “I trust your mom. Alam kong magiging mabuti rin siyang ina tulad kung paano siya nagiging mabuting ina sa inyo ni Ricky.” Napailing ako sa kaniya ngunit hindi ko naman magawang pabulaanan ang sinabi niya. Kailangan ko na ngayong maging maingat sa mga salitang lalabas sa bibig ko. Dahil sa oras na malaman ni Mama ang mga pinagsasabi ko kay Andres siguradong mapapatay niya ako. Pinagtakpan ni Andres ang unang nagawa kong kalapastangan noong una, pero hindi ako nakakasiguro kung patuloy niya akong pagtatakpan kapag inulit ulit ko pa. Pero anong gagawin ko? “Mababait din ang mga anak ko at alam kong pasasaan ba’t matatanggap din nila si Julia,” pagpapatuloy niya. Damn it. Sa nakikita ko, tila tiwalang tiwala na talaga siya kay Mama. Huminga siya ng malalim. “Sana magawa mo akong tanggapin, Jacky. Gagawin ko lahat para makuha lamang ang tiwala mo—“ “Let’s go, where is your car?”putol kong yaya sa kaniya. Natigilan siya saglit. Tiningala ko siya. “Ano na? Let’s go, I want to go home,” pinakita ko ang inip at pagkabagot ko. Tila naman siya natauhan, tinuro niya ang derksyon kung saan nakaparada ang isang pulang Ferrari. Nice, iba na naman ang sasakyan niya. Pinagbuksan niya ako ng pintuan, nang makapasok ako ay sinara niya. Umikot siya sa driver seat. Nakasunod ang mga mata ko sa kaniya. Gusto ko siyang hawakan, gusto ko muli siyang halikan. Ewan ko kung anong kabaliwan ang nag udyok sa akin. Pagkaupo na pagka-upo niya ay agad ko siyang sinunggaban ng halik. Kinulong ng magkabilang palad ko ang pisngi niya at inabot ang labi niya na parang nakakandong na nga ako sa kaniya. Naramdaman kong natigilan siya at hindi agad nakakilos. Napapikit ako, hinagod ang mga labi ko sa labi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD