CHAPTER-11

2237 Words
JACKY Malaki ang naging pagbabago ng pakikitungo ni Mama sa amin ni Ricky sa pagkalipas pa lamang ng napakaikling panahon. Naging magiliw na siya sa amin at naging gentle na rin siya bagay na hindi talaga namin nakasanayan na pag-uugali niya. Bagama’t alam naman namin ng kapatid ko na pawang pakitang tao lamang ang pagiging mabait na ina niya sa amin. Na sa isang pagsaway lamang namin sa gusto niya ay alam kong babalik agad ang totoo niyang pag-uugali, ang totoo niyang personalidad at ‘yon ang pagiging mapanakit at masamang ina. Pero sa ngayon, na wala pa kaming kapasidad o, kakayahan ng kapatid ko para labanan siya, napagpasyahan namin na pansamantalang maging sunod sunuran sa kaniya. So, para kaming papel na napagpapatangay na lamang sa bawat pag-ihip ng hangin. Dadapo kami kung saan lamang niya kami gustong dalhin. Wala kaming sinusuway sa mga gusto niya. Ni hindi nga kami nagtatangka man lang na kumuntra sa mga bagay na sa tingin niya ay tama. Kung maaari, ayaw namin siyang bigyan ng ideya patungkol sa mga binabalak namin ni Ricky. Ang plano namin kasi ng kapatid ko, ay magtatapos muna ako ng high school bago kami muling sumubok na takasan siya. At this time, balak namin magpunta ng Manila kung saan kahit paano ay alam kong mahihirapan siyang hanapin kami. Nanatiling tikom din ang bibig ko patungkol sa mga nasaksihan kong tagpo sa pagitan nila ni Ginoong Costavo at ni Governor. Sanay na naman ako na ganyan siya, malaki na siya at alam niya ang pinapasok niyang gulo. Though, may awa akong nararamdaman para sa kaniyang nobyo na ang pangalan ay Andres. Hmp. What a coincidence.. Magkapangalan pa talaga sila ng mahal ko? Nang sumunod na party na dinaluhan niya, hindi lamang ako ang isinama niya kun ‘di pati ang kapatid kong si Ricky. “Dapat na kayong masanay sa mga pakikipag sosyalan. Masanay kayong makisalamuha sa mga tanyag at mga kilalang tao sa lipunan. Makakatulong ‘yan sa pag-angat niyo sa buhay, mga anak.” Ang kindat at pasimple niyang bulong sa amin saka sumimsim ng bulang inumin sa hawak niyang mataas ngunit manipis na baso. “Kapag mga kilalang tao ang mga kadikit niyo, mas magiging malakas din ang empluwensya niyo tulad nila.” Ang dagdag na anito. “Hi Julia, good evening.” Agad kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses. May nakangiting ginoo ang lumapit sa amin. Kinuha ang kamay ni Mama at hinalikan ang likod nun. Napahagikgik si Mama sa maginoong gesture ng lalake. Ang lalake ay kilala ko lamang sa mukha ngunit hindi ko matandaan ang pangalan. Pero sigurado ako nakita ko na rin siya sa unang party na dinaluhan namin ni Mama. “Nice to see you here. Buti naman at nakadalo ka kasama ng napakagandang mong anak,” ang aniya pero kapag kuway napatingin din kay Ricky. “Oh, at sino naman ang guwapong binatilyo na ito? Kasama niyo ba siya?” “Yes, Alfonso. Siya ang bunso kong anak. Dadalawa ‘yan silang magkapatid.” Masiglang masigla ang boses ni Mama sa pakikipag-usap sa kaniya. “Uhm, magkaparehong magkapareho rin pala kayo ni Andres, tiyak na magkakasundo ang mga anak niyo gayong parang hindi naman sila nagkakalayo ng mga edad,” ang tila komento nito. “Natitiyak ko rin ‘yan Alfonso, nararamdaman kong magkakasundo ang mga bata gayong mababait naman ang mga anak ko,” ang kindat pa nitong sabi. Saglit kaming nagkatinginan ng kapatid kong si Ricky. Nagtatanong ang mga mata niya sa akin. Marahil, medyo naguluhan rin siya sa takbo ng pag-uusap ng dalawa. At ang usapin namang ito ay tungkol sa aming ina at sa nobyo nitong hindi ko pa nakikilala bukod sa alam kong Andres ang pangalan nga nito ay hindi ko pa nababanggit sa aking kapatid ang tungkol dito. Ilang sandali pa, ay dumating si Bryan at lumapit sa amin. Hindi rin nagtagal ay magkasunod na dumating si Jeffrey at Xander. Si Xander ay may dalawang pang kasamang babae na nalaman kong mga kakilala rin nila Jeffrey at Bryan. Naging magiliw ang pakikitungo sa akin ng dalawang babaeng nakilala kong si Luiza at Myrna kaya walang dahilan para hindi ko sila pakitunguhan ng maayos. Though, sa gayak at uri ng pakikipag-usap ng mga ito sa akin at sa ibang tao ay halatang mga natural na mga sosyal at pinanganak talagang mga may kaya sa buhay hindi tulad namin ng kapatid kong kailangan magpanggap upang masabi lamang na kauri rin namin sila. Ang ina namin ay tinangay na naman sa kung saan saan grupo ng mga bisita. Samantalang kami ni Ricky ay naiwan sa grupo nila Byran. Pinili kong makinig na lamang sa palitan ng salita nila Myrna at Luiza. Hindi ako sumasali sa usapan nila kung hindi rin lamang ako tinatanong. Pawang mga sosyalan at bakasyon naman kasi ang topic ng dalawa bagay na hindi ako masyadong maka-relate dahil ni hindi ko pa naranasan ang mga iyon sa tanang buhay ko. Oo nga’t naranasan kong makapunta rin ng ibang lugar, pero para lamang lumipat ng tirahan at para takbuhan sana si Mama pero nahanap din niya kami. Mga pangyayaring hindi matatawag na bakasyon kun ‘di tila bangungot ng nakaraan namin ng kapatid ko dahil sa kagagawan ng sarili naming mga magulang. “Ikaw Jacky, ilang lugar na ang napuntahan mo? Ano anong bansa na ang mga napuntahan mo para pagbakasyonan?” kapag kuway nakangiting tanong ni Myrna. Medyo nag freeze ang utak ko saglit sa tanong niyang iyon. Hindi ko alam ang isasagot ko, wala akong maapuhap. Nakatingin silang lahat sa akin pati sila Bryan, Jeffrey at Xander. Napatingin ako sa kapatid kong agad na nag-iwas sa akin ng tingin. Patay malisya itong uminom sa hawak nitong baso. Alam ko, pinapaubaya na niya sa akin kung ano man ang gusto kong isagot. “Marami ka na yatang napuntahan at tila hindi mo na mabilang?” Bigla akong natauhan, nataranta ng bahagya ang isip ko. Magsisinungaling ba ako? “H-Hindi ko gaano nakahiligan ang pagbabakasyon e—“ “Pero nakapunta na ang anak ko sa ilang bahagi ng asian countries at kapag niyaya niyo ang anak ko sa mas magagandang lugar at medyo malalayo ay baka magkainteres siyang sumama sa maraming bakasyon,” ang bigla ay sulpot ni Mama. “Hindi ba, Jacky?” nilambingan niya ang pagtawag sa pangalan ko. Pilit akong ngumiti kay Mama, at marahang tumango. Ni hindi ko alam kung saan siya galing banda, basta na lamang siyang sumulpot sa gilid ng mesa namin. “Oh, ganun po ba tita? Huwag ho kayong mag-aalala at lagi naming yayayain si Jacky sa mga bakasyon namin. Maganda rin po na magkakaroon kami ng bagong travel buddy ni Luiza, hindi ba Luiz?” “Oo, naman. And I hope mahilig rin itong si Jacky na mag attend sa mga gala para naman lagi tayong magkakasamang tatlo.” “May nakalimutan kang idadag sa sana mo,” kapag kuway pilyang ani Myrna. Saglit na napaisip si Luiza, and then medyo napaawang ang mga labi niya at natawa nang tila mahulaan ang iniisip ng kaibigan. “At dapat sanay itong si Jacky sa inuman para mas lalong masaya!” Ang halos sabay na nilang sabi na dalawa at sabay na nagtawanan. “Medyo sanay na ang anak ko, at alam kong mas masasanay pa siya kung lagi niyo siyang isasama sa grupo niyo, right ladies?” ang sagot at tanong na kindat ni Mama sa kanila. “Walang problema sa amin Tita, sagot namin ang anak niyo. Lalo na’t nakikita kong parang mas masarap siyang kasama kaysa sa mahinhin na anak ni Tito Andres!” Ang dagdag pa ni Myrna. “Yeah, Andrea is always boring to be with,” ang sang-ayon ni Luiza. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang kakaibang reaksyon nila Bryan at Xander. Binangga pa ni Xander ang braso ni Luiza at makahulugan na sinenyasan. Napatingin din ako kay Jeffrey na biglang sumama ang mukha sa tila pangbubuska ni Myrna at Luiza sa anak ng nobyo ni Mama. Tumalim ang tingin nito sa dalawa, bagay na tila kina-alarma nilang dalawa. “B-Biro lang namin yun, Jef..” ang halatang tarantang anito. Hindi ito sumagot. “O-Oo nga, i-if A-andrea will hear us, tatawanan lang niya kami. Right, tita?” ang nauutal at tila humihingi ng saklolong baling ni Myrna kay Mama. “Oo naman, beside napakabait naman na bata ni Andrea at sa tingin ko’y alam niyang makisakay sa mga biruan tulad nito, at alam kong alam yun ni Jeffrey,” ang tila baliwalang ani Mama. Tumungga lamang ng alak si Jef sa hawak nitong kopita. Sa tuwing maririnig ko ang pangalan ng nobyo ni Mama, pati ang mga anak niya, mas nadadagdagan ang kuryusidad kong makilala na sila. Ngunit hindi ko alam at wala rin akong ideya kung kailan maiisip ni Mama na ipakilala ang nobyo nito sa amin. Wala rin akong balak na magtanong sa kaniya gayong alam ko ang pag-uugali nito na ayaw na ayaw nang pinangungunahan. So, hihintayin na lamang namin kung kailan nito maiisipang ipakilala ito sa amin. SIGURO kung mayroon man akong nasaksihan na dapat kong ikatuwa nang gabing iyon? Yun ay ang pag ngiti ng kapatid ko habang kausap sila Bryan at Xander. Nararamdaman kong magaan ang loob ng dalawa sa kapatid ko at nakikita kong unti unting nagiging komportable ang kapatid sa company nila. Kung tutuusin malimit mo lamang makita ang kapatid kong umimik lalo na sa harapan ng iba. At tulad ko, ni hindi rin siya nagkaroon ng mga kaibigan dahil sa uri ng pamumuhay na nagkaroon kami. Ang huling araw na nakita ko siyang ngumiti ay noong gabi bago kami matagpuan ni Mama. Galing akong trabaho nun. May dala akong isang order ng pancit na inutang ko pa sa kalapit na karenderya. Then, nang sumunod na araw, maggagabi na nun at suweldo ko kung saan nabili ko ang paborito niyang donut ay siya namang araw na natagpuan kami ni Mama. Since then, ngayon ko na lamang siya ulit nakitang ngumiti, at hindi ko maitatatwa ang ligayang nararamdaman dahil tila nakakita ang kapatid ng mga magiging kaibigan niya. ARAW ng Lunes, sinundo kami ng driver mula sa school na pinapasukan namin. Naroon pa rin ang mga tauhan niyang nakabantay sa amin kahit nasa loob na kami ng eskuwelahan so, malabo talaga sa min ang makatakas sa kaniya. Napagtanto ko rin na hindi pa lubos ang tiwala niya sa amin kaya todo pagbabantay pa ang ginagawa ng mga tauhan niya. Papasok pa lamang ang sasakyan namin sa gate ay napansin ko na ang isang nangingintab na itim na sasakyan. Sino na naman kaya ang bisita ni Mama? Kilala ko na ang kulay at itsura ng mga sasakyan ni Governor Juancho so, alam kong hindi siya ang bisita nito. Nagderitso ang kapatid ko sa taas, ganun naman siya e, sa kuwarto agad ang deritso niya. Ako naman ay nakaramdam ng pagkauhaw kaya lumiko ako papuntang kusina. Pero napatigil ako sa paghakbang nang mabungaran ko si Mama sa kusina. Nakatingkayad siya. Nakapulupot ang magkabilang braso niya sa leeg ng isang matangkad na lalakeng sadyang bahagyang yumukod para magpantay ang mukha nila ni Mama. They are kissing sensually, binundol ng kaba ang dibdib ko. Kahit bahagyang nakatalikod ang lalake sa akin ay kilalang kilala ko pa rin siya. Sigurado akong siya, siya! I froze, ayaw ko ng nasasaksihan ko. Nasasaktan ako pero hindi ko naman magawang makahuma mula sa kinatatayuan ko. Nararamdaman kong tila naninikip ang dibdib ko habang nakatingin at nakasunod ang mga mata ko sa bawat galaw ng labi nila. Nanlabo bigla ang paningin ko, bakit siya? Sa dami ng lalake bakit siya pa? Hanggang sa mapansin ako ni Mama. Napahinto siya, napasunod pa ang mga mata ko sa dalawang palad niyang dumantay sa dibdib ni Andres para awatin na ito sa paghalik. Huminto rin naman ito, at napalingon din sa dereksyon ko. Nagtama ang mga mata namin. Mas bumaha ang emosyon sa dibdib ko. “Jacky, anak.. nariyan ka na pala?” masiglang boses ni Mama. Pero ni hindi ko iyon nagawang pansinin. Nakatuon lamang at tila pinako ang mga nanlalabo ko nang mga mata dahil sa namuong luha sa lalakeng kahalikan niya kanina. At ngayon ay nakatingin din sa akin, nakita ko pa siyang napalunok. Tila naaalangan kung lalapitan ako para batiin. Maraming sumisigaw na salita sa utak ko, na kumakalabit ng samo’t saring emosyon sa dibdib ko. Gusto kong sabihin sa kaniya na nagkaroon kami ng hindi sinasadyang isang gabing ugnayan. Nagbunga iyon at pinatay ng babaeng ngayon ay kaulayaw niya. Pero lahat ng mga salitang iyon na gusto kong ibulaslas sa harapan nila ay hindi ko nagawang sabihin. Binitawan niya ang baywang ni Mama at aktong hahakbang palapit sa akin. “H-Hi, Jacky.. I’m your Tito Andres, your mom’s —“ bago pa niya naituloy ang sasabihin ay agad na akong tumalikod palabas ng kusina at nagmamadaling tinungo ang hagdan paakyat. “Jacky! Saan ka pupunta? Kinakausap ka pa ng Tito Andres mo! Bumalik ka dito! Huwag kang bastos!” Dinig ko pang galit na tawag ni Mama sa akin. Pero mas nangibabaw ang emosyon ko kaysa ang pangamba sa galit niya. “It’s alright sweetheart. Give her a time. I’m sorry, I think nabigla natin siya,” nadinig ko pang ani Andres na kinangitngit ng kalooban ko. Hindi puwede! Hindi ko matatanggap na siya ang nobyo ng walang hiya kong Ina! Hindi ko matatanggap iyon kahit na kailan!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD