CHAPTER-15

2006 Words
JACKY Ilang buwan ko nang hindi nakikita si Andres. At malakas ang pakiramdam kong iniiwasan niya ako. Bakit ko nasabi? Naririnig ko kasi sa mga usapan ng bodyguards at kasambahay ang pagpunta punta niya sa bahay namin ngunit laging natataon naman na wala ako. Natataon lang ba talaga, o, sadyang sinasadya niyang pumunta kapag wala ako? Tsk. Sinasadya niya ‘yun, ramdam ko e. “I’m getting ready, sweetheart. Papunta na po ako diyan,” napatigil ako sa pagnguya. Nagkatinginan kami ng kapatid kong si Ricky nang marinig ang boses niya. Nagpatuloy si Ricky sa pagkain. Sinulyapan ko ang dereksyon kung saan galing ang boses ng aming ina. Mula sa dining ay bahagya ko siyang natatanaw mula sa sala. Nakabihis, parang may pupuntahan. Nasa tapat ng tainga ang cellphone. Base sa naririnig kong pakikipag-usap niya, parang nahuhulaan ko na kung sino ang nasa kabilang linya. Andres.. “Ikaw naman, saglit na saglit lang akong nawala e, hinahanap mo na agad ako. Ganito mo ba talaga ako ma-miss?” buhay na buhay na naman ang tawa niya. “Yes, sweetheart. Huwag ka na pong mainip, nariyan na ako,” ang masigla niyang sabi. Nagngingitngit ang kalooban ko, nabubuwesit akong marinig ang napakasiglang boses ng aking ina. Unconsciously, napanggigilan ko ang pagkain sa harapan ko. Tumikwas bigla mula sa kamay ko ang kubyertos na gamit ko. Naglikha iyon ng ingay, napatingin agad sa akin si Ricky. Pilit ang ngiting binigay ko sa kaniya. “D-Dumulas sa kamay ko,” ang dahilan ko. Hindi siya sumagot. “I love you, sweetheart. Sige na, huwag ka nang magtampo at papunta na ako diyan,” muli akong napasulyap kay Mama. “Bye, see you very very soon,” ang nakangiting pagpapaalam niya sa kabilang linya. Awtomatikong nag-iba ang tabas ng mukha ng aming ina pagbaba na pagbaba nito ng cellphone mula sa kaniyang tainga. Malakas na tinawag nito ang pangalan ng kasambahay namin. “Ayos lang ba ang damit kong ito?” halata ang yamot sa boses niya. Napapasada rin ako ng tingin sa damit niya, honestly, it looks good on her. Pero alam kong hindi niya tipo ang mga ganiyang gayak. Simple, may pagka konserbatibo. Napipilitan siya marahil na magsuot ng mga ganyan dahil kay Andres. Si Andres kasi ay isang lalakeng tila mas naa-attract sa mga babaeng simple at may pagka-konserbatibo tulad ng kaniyang namayapang asawa. Kabaliktaran na kabaliktaran ng aking ina na sanay maghubad sa harapan ng kahit sino. Kung makikita lamang ni Andres ang itsura ng aming ina noon baka nga masuya siya. Laging maiksi ang suot at halos labas na ang kaluluwa. Laging makapal ang make-up at napakahilig nito sa paglalagay na lipstick na pulang pula. “Okay naman po, Madam. Bagay na bagay po sa inyo—“ “Bagay na bagay? Kating kati na nga ako sa mga damit na ito, letse!” I mentally smirked. Marahan kong pinagpatuloy ang pagkain ko. “Dalhin mo ang maleta ko sa sasakyan,” kapag kuway, utos nito. Nag ring ang phone niya. Napatingin akong muli sa kaniya, even Ricky looked at her. Tiningnan niya ang cellphone, huminga ng malalim at saka sinagot. “Yes, pupunta kami.. Naroon din ba sila?” napapikit at napahilot siya sa sintido. “I need more time, hindi ko siya makukumbinsi ng basta basta lalo na kung ganun kalaking halaga ang bibitawan niya, alam mo ‘yan. Napakalaking halaga ang pinag-uusapan dito. Hindi siya ganun katanga para pumayag sa isang sabi ko lang,” nagkatinginan kaming muli ng kapatid kong si Ricky. “We will be there, Juancho. Just be patience, ang mahalaga ngayon unti unti ko nang nakukuha ang tiwala niya. I was now inside of his company, our plan is running well. Walang magagawa ang ibang board members kung patuloy man nilang tutulan ang pagpapasok sa akin ni Andres, si Andres pa rin ang masusunod sa lahat,” makamandag ang ngiting namutawi sa labi niya. “Kampanti akong magtatagumpay ang mga plano natin, kita mo naman kung gaano nabaliw agad sa akin ang kaibigan mo,” sinundan nito ng malanding halakhak ang sinabi niyang iyon. “Ano ka ba, Juancho. Kulang pa ba ang tiwala mo sa alindog ko? Makakaya ko siyang pasunurin kahit pa walang kasal na magaganap, all I need is enough time, mylove.” Wala sa sariling naningkit ang mga mata ko sa kaniya. Sagad hanggang buto na talaga ang kasamaan nila ng Juancho na iyon. “I’m done, akyat na ako.” Napatingin ako kay Ricky na inatras na ang upuan at tumayo na. Tango lamang ang nagawa kong maisagot sa kaniya. Napasunod ako ng tingin sa kapatid kong papunta sa dereksyon ng hagdanan. “Son,” dinig kong tawag ng aming ina. Napatigil si Ricky at tiningnan siya. Sa totoo lang, ngayon lamang din niya tinawag na anak ang kapatid ko at sa malambing na tono pa. “Nababalitaan ko ang magandang samahan niyo nila Jeffrey, Bryan, at Xander at gusto kong ipabatid saiyo kung gaano mo ako pinasaya, you’re doing a great job anak. You’re learning.. Nasa tamang mga tao ka na dapat pakisalamuhaan at pakisamahan,” ang puri niya sa kapatid ko. “T-Thank you, Mama..” mahina niyang tugon. “Ipagpatuloy mo yan, sa pagsama-sama mo sa kanila, unti unti ka ring makikilala sa lipunan tulad nila, anak.” “Opo, Mama.” Maikli nitong sabi. Kimi itong ngumiti sa aming ina, saka na ito humakbang paakyat ng hagdan. Muli kong narinig ang malakas na boses ng aming ina at tinatawag ang ilang tauhan. “Hindi ko alam kung kailan ako makakabalik, basta kayo na ang bahala dito, huwag niyong pabayaan ang trabaho niyo. Ang mga pinag-uutos at bilin ko sundin niyo,” madiin at maotoridad niyang utos. “Yes po, Madam. Makakaasa po kayo,” tanging sagot na naririnig ko sa kanilang lahat. “Sherwin,” baling nito sa isang tauhan niya. “Madam,” “Kung ano man ang magiging problema rito, alam mo naman siguro kung saan ako mapupuntahan.” “Opo, madam. Agad ko po kayong pupuntahan sa hacienda kung saka sakali po,” ang sagot ng tauhan. Nag ring muli ang cellphone nito, tiningnan kung sino ang caller. Nakita ko pa nang umikot ang mga mata niya, huminga siya ng malalim bago iyon sinagot. “Yes, Sweetheart. Heto na po, pasakay na ako ng sasakyan,” ang muli tila sweet na sweet niyang boses. Hindi ako makapaniwalang ganito katindi ang pagkahumaling ni Andres sa aming ina. Sa tanang buhay ko ngayon lamang ako nainggit ng ganito. Bakit kasi kung sino pa ang hindi karapat dapat ay siya pang tila mas pinagpapala. Ang mas pinapanigan ng tadhana. Napaka unfair talaga ng mundo. Parang pinipiga ang puso kong isipin na mas pinipili nitong iwasan ako para pangalagaan ang relasyon nila ni Mama. Tang ina, sige lang. Magpaka-faithful at loyal ka sa babaeng alam kong siya ring sisira ng buhay mo. Sa ngayon, wala akong choice kun ‘di ang magpatangay muna sa agos at maghintay ng tamang pagkakataon. May kasabihan nga na, you can run but you cannot hide. Puwes, naniniwala akong hindi ako maiiwasan at mapagtataguan ni Andres habang buhay. Pero sa ngayon, tatanggapin ko muna ang pagkabigo. Alangan naman kasi na puntahan ko siya tirahan niya? Ipilit ko ang gusto ko ng harapan? ‘Di patay agad ako sa bruha kong ina. Madalas akong nasa school, sinisikap kong mag-focus sa pag-aaral. Lagi ko rin sinasabihan at pinapaalalahanan ang kapatid ko na mag-aral siyang mabuti habang may pagkakataon. Edukasyon lamang ang maari naming maging puhunan at sandata sa oras na dumating ang pagkakataon na kailangan na naming takasan si Mama. Kapag walang pasok at walang mga takdang aralin or school project, ay lumalabas din ako. May mga pagkakataon kasi na niyaya ako nila Bryan para sumama sa kanila. Lagi na nilang kasama sa mga lakaran nila ang kapatid kong si Ricky so, pinipili ko na rin na sumama kung wala rin lang akong gagawin. Kaysa sa ma-bored sa bahay at makaramdam ng lungkot ay nagagawa kong makihalubilo sa grupo nila. Payag naman si Mama na umalis-alis kami kapag sila ang kasama namin e. Though, ganun pa rin ang sistema, may mga bantay na siyang nakabuntot lagi sa amin. Indikasyon na wala pa rin siyang tiwala sa amin at naniniguro pa rin siya na hindi kami makakatakas. Masasabi kong, okay namang kasama sila Bryan at Xander. Kahit paano, maipagkakatiwala ko sa kanila ang kapatid ko. Pero siyempre, naroon pa rin ang pag-iingat. Medyo nakasanayan ko na rin ang ugali ni Jeffrey, but still, I don’t fully trusted him. There’s something I felt really weird about Jeffrey. Madilim ang mga mata niya. Kakaiba ang awra niya. Parang may tinatagong dahas. “Don’t let your guard down, don’t trust anyone so easily, Ricky. You will never know. They maybe just acting as friends. Especially, Jef. Sa panahon ngayon, tayong dalawa lang ang siguradong magkakampi.” Hindi ako nagkukulang kay Ricky ng paalala. Hindi siya sumagot pero alam kong matalino rin naman ang kapatid ko para hindi maunawaan ang ibig kong sabihin. I trust my brother, hindi siya papasok sa isang bagay na ikapapahamak naming pareho. Ngunit ang mahalaga sa ngayon, hindi nila kami pinapakitaan or tinatrato ng masama. And as long as they keep it that way, we’re good. Kaya hindi ko na tinutulan ang pagiging malapit ng kapatid ko kay Bryan at Xander. Masaya rin naman kasi akong makita siya na unti unting nagbabago but for the better. Noon, halos hindi siya nagsasalita kapag kaharap ang ibang tao. Ngayon, masalitain na kasi siya. Lagi ko na rin siyang nakikitang nakangiti. Hindi tulad noon na madalas, dalawang emosyon lamang ang mababasa mo sa mukha niya. Kung hindi malungkot, takot dahil kay Mama. Kaya dahil sa nakikita kong pagbabago sa kapatid ko, napagpasyahan kong yakapin na rin ang pakikipagkaibigan sa grupo nila Jeffrey. Okay rin naman makisama ang dalawang babae sa grupo nila na sina Luiza at Myrna. Sosyal, maarte, at may pagkamataray ang dalawa. Lumaki kasi ang mga ito na may gintong kutsara sa bibig. Pawang mga spoiled brat yata ang dalawa. Pero, kilala ko naman ang sarili ko e, matapang ako. Kaya ko ring magtaray at lumaban. Pinapangako kong una at huling tao nang aapi sa aming magkapatid ang aming sariling mga magulang. Hindi ako papayag na may dumagdag pa. Kaya ko rin naman makipagsabayan sa lahat pagdating sa pakikipag-sosyalan. Pinag-aaralan ko yata ‘yan ng halos araw-araw. Huwag lang nilang malaman laman ang nakaraan namin, ang totoong pinanggalingan naman ni Ricky. Kung anong buhay mayroon talaga kami noon, na lumaki kaming mahirap pa sa daga. Dahil kapag nalaman nila ang tungkol dun, nasisiguro kong mag-iiba ang trato nila sa amin. Sa ngayon, sisikapin ko munang maging mahusay sa pagpapanggap bilang isang sosyal at animo’y babaeng lumaki rin sa mayamang pamilya. Dahil isa iyon sa mga sandata ko para hindi basta basta ma-bully ng kahit na sino. Hanggat dala dala ko ang mataas na estado ng pamumuhay tulad nila, alam ko, mangingimi ang mga itong kantiin ako. MABILIS pang lumakad ang mga araw, madalang umuwi si Mama. Napag-alaman kong sa hacienda na pala ng mga Salcedo ito naglalagi. Muling nakaramdam ng ngitngit ang dibdib kong isiping araw-araw at gabi gabi silang magkasama. At habang tumatagal kami sa lugar na ito, mas lalo kong nakikilala at nadidiskubre ang probensya namin. Dati kasi wala akong panahon at pakialam sa mga bagay bagay tungkol sa aming probensya pati na rin ang tungkol sa kasalukuyang nangyayari at mga namumuno sa bansa. Ang tanging nasa isip ko lamang ay alagaan ang kapatid ko. Ganun din ang pag-aaral ko, kung paano magkaroon ng pera at pagkain sa hapag. Ngayon ay nagkakaroon na ako ng panahong makilala at madiskubre kung sino sino ang mga nakahanay na matataas na tao sa lipunan. At hindi ko inaakala na isa ang pamilya ni Andres sa pinakamayaman at tanyag na tao sa probensya namin. Mayaman at sa kilalang pamilya rin pala galing ang namayapa nitong asawa. Nalaman kong pag-aari pala nila ang isa sa mga pinakamalaking hacienda dito sa Pilipinas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD