CHAPTER-16

2351 Words
JACKY It was Saturday afternoon, magkakasama kami noon ng buong grupo. Bali, si Jef lamang ang wala sa hanay namin. Hindi raw kasi siya puwede at may mas mahalaga siyang pupuntahan. Other than Myrna, wala na naman nag react pa sa amin. Nakita ko ang agad na pag-ingos niya. Ang pag-ikot ng eye balls niya na halos ikaputi ng kaniyang mga mata. Then, maarte niyang tiningnan ang mahahaba at bagong kulay na mga kuku sa kaniyang mga kamay. “Hmp, kapag mahalagang pupuntahan, malamang at siguradong sa mga Salcedo lang ‘yun nagpunta.” Pabusangot niyang turan. Lihim akong natigilan pagkarinig sa apilyedo ni Andres. Kumislot ang puso ko, ganito lagi ang epekto niya sa akin marinig lamang ang pangalan or apilyedo niya. Everything about him could affect me so easily. “Nagseselos ka na naman? Bakit kasi kung saan saan ka pa tumitingin e, narito naman ako,” kindat ni Xander sa kaniya. Inirapan niya si Xander. Pero nang akbayan siya nito ay hindi rin naman niya ito sinaway. Hindi siya pumalag. I stayed quiet and just watch each of them. Nakikiramdam lang ako habang ang kalahati ng isip ko’y okupado na ni Andres. So, na kila Andres ngayon si Jef? Ang naririnig-rinig kong usapan minsan nila Myrna at Luiza, may malaking pagkakagusto si Jef sa anak na babae ni Andres. Sa kanilang grupo, kay Jef lang daw malapit talaga ang anak na babae ni Andres. Though, medyo nawerdohan ako. Sa opinyon ko lang, kung ikukumpara sila Bryan at Xander kay Jef, masasabi kong mas mapagkakatiwalaan pa itong dalawa. Pero siguro, iba ang pakikitungo ni Jef sa kaniya dahil may pagtatangi nga siya rito. Isa pa, magkababata sila. At kung matalik na magkaibigan sina Andres at Gov. Juancho hindi malabong close din talaga ang mga anak nila. ‘Yun nga lang, walang kaalam-alam si Andres na hudas pala ang tinuturing nitong kaibigan. That he's plotting an evil plan against him together with my mom. Hindi pa man malinaw sa akin ang plano ng mga ito kay Andres pero sigurado akong ito ay punong puno ng kasamaan. Medyo bad news rin para sa akin ang pagiging malapit ni Jef sa anak ni Andres. Unang una, ramdam na ramdam kong may tinatagong itim na budhi itong si Jef. ‘Yung tipong, makakasundo mo lamang siya kung aayon ka sa lahat ng sinasabi at kagustuhan niya. Tipong kakampi mo siya kung magiging sunod sunuran ka sa kaniya na parang aso. He’s like a male version of my mother, siguro mas mapagkakamalan silang mag-ina kung ang pagbabasihan ay ang ugali. Biglang nagyaya si Luiza at Bryan na manood ng sine, patuloy lamang akong nagpapatangay sa agos sunod sa kanila. “Guys, ayaw ko pang umuwi ah, wala na naman tayong ibang gagawin ‘di ba? Bakit hindi na lang tayo manood na muna ng sine?” Ani Luiza. Hindi ako nagbigay ng reaction. “Oo nga, matagal tagal na rin tayong hindi nakakapanood ng sine na magkakasama,” segundang pagsang-ayon ni Bryan. Hindi ko magawang makisali sa usapan nila, laman pa rin ng isip ko si Andres. Kumusta na kaya siya? Ang totoo, kahit na anong gawin kong pagbaling sa ibang bagay, abalain ang sarili para lamang kahit sandali ay mawaglit siya sa isip ko, hindi ko magawa. Kahit saan ako magpunta, kahit anong gawin ko, sumisingit singit ang anino niya sa loob ng utak ko. Pabalik balik sa isip ko ang eksena ng huling pagkikita namin. Ang aming naging pagtatalo. That was a mess up. Sa pagtulog naman, sa tuwing tahimik na ang buong paligid at mag-isa na lang ako, may mga sandaling hindi ko mapigilan ang emosyon ko at kusa na lamang pumapatak ang mga luha ko. Ramdam na ramdam ko ‘yung lungkot at sakit. Gustong gusto ko na siyang makita. Miss na miss ko na siya. Kahit pa nga sa huli, alam kong ako lang din yung masasaktan. Sarili ko lang din ang mahihirapan. Pero hindi kayang pigilan ang damdamin ko. Naramdaman ko ang tila pag-init ng bawat sulok ng mga mata ko. Kasabay ng tila pag kislot ng puso ko dahil sa pagkirot nito. Kinurap ko ng ilang ulit ang mga mata para pigilan ang aking mga luha. Shit, Jacky. Anong kabaliwan ba itong napasukan mo? Sa huli, hinamig ko ang sarili at pilit na kinalma. Kasunod ng aking pangungundina sa sariling damdamin. Heto ako’t lungkot na lungkot sa tuwing maiisip ko siya. Halos araw araw kong hilingin na sana sa pag-uwi ko, madatnan ko siya sa bahay namin. E, siya kaya ganun din ba? Mangarap ka, Jacky! Siguradong masaya ‘yun dahil magkasama sila ng makamandag mong ina. Bulag na yatang talaga sa pag-ibig si Andres—- damn. Tulad ko? Bigla akong nakaramdam ng iritasyon dahil sa naisip na iyon. Nabubulag siya ng pagmamahal niya kay Mama, at ako? Parang bulag na rin sa pagmamahal ko kay Andres. s**t. Mas lalo akong nairita sa isiping, naging malaya nga si Andres dahil biyudo na ito at may pagkakataon na sana ako sa kaniya ngunit tila napaglaruan naman kami ng tadhana dahil umibig nga itong muli pero sa kasamaang palad ay sa ina ko pa! Ano kaya ang pakikitungo ng aking ina sa mga anak ni Andres? Lihim akong napangisi, sigurado kasi akong sa ngayon ay nagpapanggap talaga itong isang ulirang ina na maaaring pumalit sa nasirang asawa ni Andres. Mga kawawang nilalang, wala silang kaalam alam kung anong klasing buhay ang pinapasok nila kasama si Mama. “Masyadong tahimik itong si Jacky,” kapag kuwa’y dinig kong turan ni Luiza. Napa-angat ako ng tingin sa kaniya. Nakita kong nakatingin na rin sa akin sina Bryan at Ricky. I forcedly smiled at them. “M-May iniisip lang ako,” mahina kong sabi. “Love life ba? Huwag mo na siyang isipin, mahal ka nun,” biro ni Luiza. Natigilan ako. “Oy, natigilan ka, sino yang iniisip mo?” Ewan ko pero kahit biro ay medyo nakaramdam ako ng pagka-alarma. Shit. Manghuhula yata itong si Luiza. “I-Iniisip ko lang ang.. a-ang kakatapos na exam,” ang nahagilap kong sagot. Nakatingin sa akin si Ricky, but I avoided to have an eye contact. Nakahinga na ako ng maluwag nang nilubayan na ako ni Luiza at hindi na kinulit pa. Laging magka- usap sina Bryan, Ricky at Luiza. Paminsan-minsan ay binabalingan ako para tanungin ng kung ano anong bagay at doon lamang ako nagsasalita. “Anong gusto niyong panoorin?” “Kayo?” “Any suggestion, Jacky?” “Hey, Jacky?” “Ha?” bigla akong napapilig ang ulo. “Inaantok ka pa yata, parang lagi kang tulala diyan,” biro ni Bryan. Pilit akong ngumiti at nagkibit balikat. “Y-Yes, puyat talaga kaka-review kagabi,” ang dahilan ko na lang. “Sabi ko, kung mag suggestion ka bang movie para panoorin natin?” hindi na ako nag-isip pa at agad akong sumagot. “Wala akong alam sa mga bagong labas na movie ngayon, hindi rin ako mahilig manood,” simple kong turan. Wala naman akong alam sa mga movies. Wala akong panahon noon para manood dahil mas tinutuon ko ang sarili sa pag-aaral at trabaho. “Hoy, Xander and Myrna? We’re going to watch movie?” baling niya sa dalawang mas nahuli na sa akin. May mga sarili ring mundo habang magka-akbay pa. “Sure! I like that, madilim.” Makahulugan at pilyong ani Xander na kay Myrna nakatingin. “Umayos ka ha,” irap na ani Myrna naman sa kaniya saka binalingan si Bryan. “Ano bang magandang movie ngayon?” “I have no, idea.. Kaya nga ako nagtatanong.” Sagot ni Byran sa kaniya. Nakahalukipkip lamang ako habang nasa tabi at nakasunod sa kanila. Ni wala akong ganang sumali-sali sa usapan gaano man ka-alive ang mood ng mga ito. “Kahit ano basta kasama ko si Myrna,” ang pahabol pa ni Xander. Papunta na kami sa bilihan ng ticket nung time na iyon. “Hoy, sila Tito Andres,” kapag kuway, ani Bryan. Pakiramdam ko, parang pumintig ng malakas bigla ang puso ko pagkarinig ng pangalan niya. Agad akong nag-angat ng tingin. Gumala ng mabilis ang mga mata ko para makitingin na rin sa dereksyon kung saan sila nakatanaw. Nakatanaw ang mga ito sa loob ng isang restaurant. We saw Andres and my mother. Nakangiting nakikipag-usap si Andres sa isang lalake na ang hula ko ay pinaka-manager ng restaurant na iyon or ‘di kaya’y may-ari, I don’t know. Pero sure akong boss ito sa restaurant na iyon. Ibang iba kasi ang kasuotan nito kumpara sa mga waiter at waitress na makikita sa loob at abalang umaasikaso ng ibang customers. The restaurant itself looks elegant and expensive. Lahat yata ng nakikita ko sa loob ay naka pormal na damit. Napatingin ako kay Mama. Ang aming ina ay tila isang mahinhin na ginang na inaasikaso ang isang binatilyong kasama nila. At base sa pagkakahawig nito ng itsura kay Andres, ay alam kong anak niya ito. Magiliw ang pakikipag-usap ni Mama sa binatilyo. Tila asikasong asikaso niya habang nakikipag-usap pa rin si Andres doon sa lalake. Kahit tanaw lang, at kung ang pagbabasihan ay ang nakikita kong ekspresyon sa mukha ng binatilyo, masasabi ko na tila naiilang ito at kimi sa presensya ng aking ina. Napangisi ako ng lihim, sana nga ay marunong kumilatis at makiramdam ang mga anak ni Andres at ayawan nila ang aking ina. Alam kong yun lamang ang paraan para makawala ang mga ito sa anino ni Mama. Kung aayawan nila ang aking ina, marahil ay mas ikukunsidera ni Andres ang kagustuhan ng kaniyang mga anak at mas pipiliin nito na iwan si Mama kung iyon ang hihilingin ng kaniyang mga anak. Mabait na asawa at ama si Andres, kaya alam kong mas papahalagahan nito ang magiging damdamin ng kaniyang mga anak sa binabalak nitong muling pag-aasawa. LUMAPIT sila Bryan, bumagal naman ang lakad ko pero nanatili ang mga mata ko sa kaniya. Malawak ang ngiti niya. Napaangat ang tingin niya sa amin, sa akin agad naglanding ang mga mata niya. Is he felt my eyes on him? Kind of. Sa akin siya unang tumingin kahit nasa harapan naman sila Bryan. Nakita kong natigilan siya kasabay ng pagkawala ng malawak niyang ngiti. Wala sa loob na napalunok ako nang magsalubong ang kilay niya. “Tito Andres, Tita Julia,” doon lamang nabaling ang tingin niya kay Bryan. Napatingin ako sa katabi ko, doon ko lamang nalaman na nagpahuli rin pala ang kapatid kong si Ricky. I felt his tension. Hindi siya komportable siyempre nandoon ang magaling naming ina. Nakita kong titig na titig siya sa ina namin na nang mga sandaling iyon ay panay pa rin ang asikaso sa anak ni Andres na lalake. Mabait na mabait ang kaniyang mukha, bagay na kahit kailan ay hindi namin naranasan ng kapatid ko sa kaniya. Ginagap ko ang kamay ng kapatid ko, at magaan na pinisil. Tiningnan niya ako. Pilit ko siyang nginitian. Marahan kaming sumunod palapit sa mesa nila. “It was nice to see you here Tito, hey Andrie, kumusta na,” magiliw na bati nila Xander sa anak ni Andres. Ginulo pa ni Bryan ang buhok nito. Tipid na ngiti lamang ang tugon ng bata. Napansin ko naman ang pagtiim ng tingin ni Mama sa amin ng kapatid ko. Tumaas pa ang kilay niya saka umirap. Pero muling bumait at sumigla ang mukha ng kausapin siya ni Luiza at Myrna. Ewan ko kung may ibang nakapansin sa reaction niya bukod sa akin. Dumating si Jef kasama ang isang napakagandang babae. Hawak niya ito sa siko. Alalay na alalay niya. Sigurado akong anak din ito ni Andres. “Iba talaga ang ngiti ni Jef kapag kasama si Andrea,” ang birong salubong agad ni Xander. Ngumisi lang si Jef sa kaniya, napansin kong pilit ang ngiti ni Andrea at nahihiyang nagkibit balikat. “Ikaw ba naman ang may kasamang dalaga na sing ganda nitong ni Andrea, siguradong mapapangiti ka talaga segu-segundo,” pinalambing na boses ng aming ina. “True yan, Tita. Pero aminin napakaganda rin po ng anak niyong si Jacky, di ba?” Ani Myrna habang may mapaglarong ngisi akong tiningnan. Natigilan ako at medyo nailang. Kahit na si Andrea ay natigilan din at napatingin sa akin. Tiningnan nga rin ako ng kapatid niyang si Andrie. Sinulyapan ko si Andres, nakita ko ang pagtiim ng labi niya at pagseryoso lalo ng mukha. Tumikhim si Mommy. “O-Oo naman, maganda rin ang anak kong si Jacky, pero hindi ko lang tipo ang paraan niya ng paglalagay ng make-up it was too much in my taste. Kita niyo naman,” she displayed her dismay. “Matigas ang ulo ng anak kong iyan, hindi nakikinig sa mga payo ko. Mas kaaya-aya pa rin ang simpleng ganda at natural, parang itong si Andrea,” masaya nitong baling sa anak ni Andres. Tumikhim siyang muli. “And.. of course like me too. Do I look so beautiful too with my simplicity, sweetheart?” tila lambing nitong tingin kay Andres. Natigilan si Andres. “Aahm— yes of course sweetheart!” Parang pabiglang tugon ni Andres. Lihim kong nilunok ang ngitngit sa kalooban ko. I am her real daughter but I'm the one she wants to embarrass here. Siya ang nag-utos at may kagustuhan ng ayos ko. Pero parang plano talaga ng ina kong hiyain ako sa harap ni Andres at sa mga anak niya. To portray me as a hard headed daughter. Isang pasaway at suwail na anak. I get it now. Kinukuha nito ang loob ng mga anak ni Andres. Nagpapalapad ito ng papel. Si Andres naman ang tumikhim. Ngumiti ito kahit alam ko naman na pagkukunwari lamang para pagaanin ang tila bumigat na hangin na nilalanghap naming lahat. “Sayang at hindi sa pormal at maayos na okasyon namin kayo napagtagpo at maipapakilala sa isat isa. But anyway, since narito na kayo, gusto namin na ipakilala kayo sa isat isa,” Andres said as he looked at his daughter and his son. Then, binalingan niya kami. “Andrea, Andrie, she is Jacky and Ricky, the children of your mommy Julia,” heck. Mommy?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD