CHAPTER-14

1822 Words
JACKY Hindi siya agad nakakilos, nabigla siguro sa ginawa ko, nabigla sa kapangahasan ko. I mentally smirked, ganyan nga.. Just let me kiss you, Andres.. Hayaan mo sanang muli kong matikman ang sarap ng labi mo. Pero pakiramdam ko, kulang. Gusto ko sana, halik na tulad ng gabing iyon na pinagsalihan namin. Kung saan ramdam na ramdam ko ang panggigil niya at kapusukan. Para bang pareho kaming sabik na sabik sa isa’t isa. Though, alam kong asawa niya ang nasa isip ng sandaling ayon pero at least ay gumaganti siya sa init na binibigay ko. Hindi tulad ngayon na ako lamang ang may kagustuhan.. At heto siya walang mababakas na emosyon sa mukha niya. Sinamantala ko ang pagkakataon, tinangka kong palalimin ang halik ko. Hindi nakapinid ang mga labi niya at bahagyang nakabuka. So, malayang nakapasok ang dila ko. I explored inside his mouth. My tongue touched his. I felt his hesitation. Para siyang biglang naguluhan? Ilang sandali rin siyang tila hindi alam kung anong gagawin. Parang natuliro? Remember me my love? I just wished that he will kiss me back. I wished he would remember me and that night. Abot abot ang hiling kong sana ay makakita ako ng sign or maramdaman kong nagugustuhan niya ang halik ko. Na apektado siya.. Pero bigo ako.. Para siyang tuod. Kapag kuwa’y naramdaman ko ang mga kamay niya sa magkabilang baywang ko. Pakiwari ko ay aawatin na niya ako. Ilalayo sa katawan niya. I immediately protested. Please, ayaw ko pa! Gusto ko pa na magkalapat ang mga labi natin. Gusto ko pa na ganito tayo kalapit sa isa’t isa. Ngayon ko na lang muli ito naramdaman, inaamin ko na labis akong nangulila sa kaniya. Hindi ko hahayaan na maputol agad ang pagkakataong ito na matikman kong muli ang halik niya. Mas naging mapangahas ang halik na ginawa ko. Inatake ko talaga siya ng mas mapusok pa. Please, kiss me back, Andres.. Paulit-ulit kong pagmamakaawa sa isip ko. Kiss me savagely and hungrily like you did that night. Nung gabing yun na halos mamaga at mamahid ang mga labi ko dahil sa tila gutom na gutom mong pag angkin. Naramdaman ko ang paglipat ng mga kamay niya sa magkabilang balikat ko. Tinangka ko pang lunurin siya sa halik kalakip ng pag-asa na kahit kaonti ay maging pamilyar siya at maalala ako pati ang gabing may nangyari sa amin ngunit ganun na lamang ang pagkadismaya ko nang pinilit niyang ilayo ako sa kaniya at iiwas niya ang labi— ang mukha niya mula sa mga halik ko. Pero hindi agad ako sumuko, kumandong na ako sa kaniya para muling hulihin ang mga labi niya pero naging maagap siya. “Jacky, ano ba?!” “A-Andres, kiss me back, please!” Saglit akong nawala sa sarili. Madiin ang naging hawak na niya sa akin palayo sa kaniya. “Please, kiss me back,” pagmamakaawa ko pa. Naguguluhan ang mga mata niyang umiling ng sunod sunod sa akin. Pinagpatuloy ko ang pagtatangka, mas humigpit ang mga kamay niya sa balikat ko para pigilan ako. Nasaktan ako, nasasaktan ang puso ko.. “Jacky, stop this!” Malakas na boses niyang bulyaw sa akin. Ako naman ang napailing ng sunod sunod. Nangilid ang mga luha ko habang pilit pa rin na inaabot ang mga labi niya. Pero dahil sa matangkad siya, malaki ang katawan at malakas, kayang kaya niya talaga akong pigilan. “What are you doing?!“ Sa tindi ng emosyon ko at sakit na naramdaman ko sa tila pagtanggi niya, ay wala sa sariling dumapo ang palad ko sa isang pisngi niya. Malakas ang sampal ko. Hingal na natigilan siya, sunod sunod na pumatak ang mga luha ko. Nang makahuma siya sa pagkabigla dahil sa ginawa kong pagsampal ay galit niya akong tiningnan. “You’ll stop this, or you want me to tell to your mother?!” Unti unti akong tinakasan ng lakas kasunod ng pagbangon ng galit sa dibdib ko. Tuluyan na nga yatang nalason ni Mama ng maling pag-ibig ang puso niya. “What is your problem, Jacky? What’s happening to you?!” Medyo inalog niya ang balikat ko. Galit din ang boses niya. “You shouldn’t do that!” Aniya pa kasunod ng mahinang pagmumura niya. Hilam sa luha ang mga mata kong napasandal. “Are you out of your mind? I’m your mother’s boyfriend! You’re fifteen! Parang anak na kita, Jacky!” May diin niyang sabi. Gusto kong sumagot, marami akong gustong isagot pero hindi bumuka ang bibig ko sa maraming dahilan. I’m not fifteen. I kissed you because, I love you.. I already love you for so long.. May nakaraan tayo, nagbunga yun.. Ngunit nagawang patayin ng babaeng ngayon ay tila kinababaliwan mo.. Ako dapat ang mahalin mo, Andres.. Mas ako karapat dapat sa ‘yo kumpara sa walang hiya kong ina! Pero lahat ng mga iyon ay hindi ko nagawang sabihin. Para kasing sa reaksyon niya, agad na akong nawalan ng pag-asa. Kitang kita ko na ang kasagutan.. Kapag nagpumilit pa ako baka kung saan pa kami humantong. Sasabihin niya kay Mama ang mga pinaggagawa ko sa kaniya.. at ayaw kong umabot pa sa ganun.. Masakit man tanggapin pero, ang nangyari sa pagitan namin ng gabing iyon ay natuldukan na. Literal na isang pagkakamali. Dahil sa aming dalawa, ako lang ang umaasa na sana madugtungan pa. Nanginig ang mga labi kong tinulak siya sa dibdib at nanghihina akong kusang lumayo sa kaniya. Kung kanina ay gustong gusto kong magkadikit kami, ngayon naman ay kusa kong nilagyan ng distansya ang pagitan namin. Kita ko siya sa sulok ng mata ko, nakatingin sa akin. Then, napasabunot sa sariling buhok. “Fvck!” halos mapapitlag at mapapikit ako nang hampasin niya ng sunod sunod ang manibela. Nagsumiksik ako sa sulok ng kinauupuan ko at tumingin sa labas ng bintana. Mula sa tabi ko ay dinig ko pa rin ang malalalim niyang paghinga. Pinaandar niya ang sasakyan, wala pa rin akong imik at nakatingin lamang sa labas. Ni wala akong balak magbigay ng sagot sa mga tanong niya kanina. Wala rin naman akong maidadahilan kung bakit ko iyon ginawa. Binabagtas na namin ang daan pauwi, nararamdaman ko ang panaka-naka niyang pagsulyap sa akin. Hanggang sa ihinto niya sa isang tabi. Nanatili akong nakatingin sa labas at inignora ang paghinto niya ng sasakyan. “Hindi ko alam kung bakit mo nagawa yun, Jacky. Or, kung bakit mo ginagawa ito.. Maling mali ang ginagawa mo. And please, nakikiusap ako saiyo, huwag mo nang uulitin yun, mahal ko ang mommy mo.. ayaw kong magkaproblema kami..” Napapikit ako ng madiin, kasabay ng tila paninikip ng dibdib ko dahil sa tila tahasan niyang paghayag ng pagmamahal para kay Mama at tahasang pagtanggi sa akin. “Sana maintindihan mo, nakikiusap ako saiyo, Jacky.. hindi mo kami masisira ng mommy mo sa ganitong paraan kung yun ang gusto mong gawin, hinding hindi ko siya magagawang pagtaksilan.. at hinding hindi ko rin magagawang patulan ang isang batang tulad mo,” lalong nagngitngit ang damdamin ko. Kung galit ako kay Mama, parang biglang damay na rin si Andres sa galit ko. Though, alam kong hindi ko siya masisi dahil wala siyang alam sa lahat ng nangyari at mga nangyayari. Wala siyang alam about our past, wala siyang alam sa mga plano ni Mama about sa kaniya. Inosente siya. Pero dahil nasasaktan ako at nabubuwesit na marinig sa paulit ulit niyang pagsabi na mahal na niya ang aking ina, of course, pati siya nadadamay at napapasama na rin sa galit ko. HININTO lamang niya ang sasakyan sa harap ng gate namin. Marahil, wala ngayon ang aking ina sa bahay. Binalingan niya ako kasunod ng paghugot niya ng malalim na paghinga. I ignored him. Umibis ako agad ng sasakyan niya. “Jacky..” Dinig ko pang mahinang tawag or sambit lamang niya sa pangalan ko. Ewan ko, pero hindi ko na siya nagawang tingnan at agad kong sinara ang pintuan ng kotse niya. Hindi siya agad umalis, ramdam kong nakatingin lamang siya. Sunod sunod ang ginawa kong pagpindot sa buzzer ng gate namin. Hanggang sa lumabas ang katulong at pinagbuksan ako. Nakita ko pang napatingin siya sa sasakyan ni Andres. Iniwan ko na siya at nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay. Nagderitso ako sa taas, sa kuwarto ko at pagpasok sa loob, doon ko inilabas ang iyak ko. Pinagsusuntok ko ang kama at inilabas lahat ng sakit at galit ko. Pero alam kong ang sakit at galit na nararamdaman ko ay hindi basta basta mauubos. Marahil ay huhupa lamang ng sandali ngunit mananatiling naroon pa rin. Hanggat nakikita ko silang magkasama alam ko, hindi ako magiging masaya. Pero siguro matatanggap ko pa at magagawa kong magparaya kung totoong mahal siya ni Mama. Sure ka? Kaya mong ipaubaya si Andres sa ina mo? Ang tila pang-aasar ng isang bahagi ng utak ko. At sa huli, agad kong kinundina ang naging pahayag ko dahil na-realised kong hindi ko kayang ipaubaya si Andres sa aking ina kahit pa dumating sa puntong mahulog nang tuluyan ang loob niya kay Andres at totoong mahalin niya ito. Sa totoong asawa niya lamang ako maaring magparaya dahil tanggap kong iyon ang nauna sa buhay niya. Pero ngayong patay na ito, wala nang dahilan para pigilan ko pa ang nararamdaman ko. Makasarili si Mama, puwes pagdating kay Andres, magiging makasarili rin ako. At sa kaso namin ng mama ko, hinding hindi ako papayag na mapunta sa kaniya ng tuluyan si Andres. Akin siya, at hinding hindi ko siya isusuko. Hinding hindi ko siya ipapaubaya, lalo na’t ako naman talaga ang nauna sa kaniya! Kaya sa akin si Andres! LUMIPAS ang mga araw, linggo at buwan. Hindi ko nasilayan ang mukha ni Andres sa bahay namin. Siguro, umiiwas na. Sa isang punto, napatunayan ko kung gaano siya katapat na karelasyon dahil pinipili talaga nito na huwag magkasala. Hindi siya basta basta nadadala sa tukso. At kung mabuti siyang asawa, sigurado akong napakabuti rin niyang ama sa kaniyang mga anak. Sayang lamang at maagang binawian ng buhay ang asawa niya. Sobrang suwerte sana talaga niya kay Andres. At marahil masayang masaya pa ang pamilya nila magpahanggang ngayon at walang anay na nakakapasok tulad ni Mama. At kung sana sa isang karapat-dapat na babae at hindi tulad ni Mama ang minamahal ni Andres ngayon, baka maaring mabago pa ang kagustuhan kong mapasa-akin siya. Pero hindi e, sakim at mapanganib ang aking ina. At alam kong hindi ligtas si Andres at maging ang mga anak niya sa mga kamay ni Mama. Ano kayang maari kong gawin para maagaw si Andres at mailayo sa aking Ina? Kung ganito siya ka-loyal at ka-faithful, wala na talagang pag-asa para sa akin. Sa kabilang banda, naisip ko rin na baka wala talaga akong dating sa kaniya. Baliwala ang ganda ko kasi nga mahal na niya si Mama at ang turing lamang niya sa akin ay bilang anak na rin. That’s bullshit. Anak? E, ako nga ‘yung muntikan nang naanakan niya. Tsk.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD