CHAPTER-3

1824 Words
JACKY Dalawang beses ko siyang hinampas, nawalan siya ng malay. Nabitawan ko ang vase. Hingal at nanlalaki ang mga mata kong agad nilingon ang pintuan. Matindi ang takot na naramdaman ko na baka biglang pumasok ang mga tauhan niya, ganun din ang takot kong isipin na baka napatay ko siya. Dumudugo ang ulo niya pero nang pulsuhan ko siya ay humihinga pa naman. He’s alive. Masamang damo kaya siguro mahirap din mamatay. Mabilis kong hinagilap ang damit ko at sinuot. Taranta at nanginginig pa ako. May ingat akong bumaba ng kama, kung gaano ko pinag-iingatan na huwag makalikha ng ingay, kabaliktaran naman ang ingay na nagmumula sa kabog ng dibdib ko. Agad akong pumunta ng pintuan, tinapat ko ang tainga ko doon at nakiramdam. Wala akong marinig na mga boses. Isang beses ko pang nilingon si Mr. Ching. Sana naman ay buhay pa siyang datnan ng mga tauhan niya. Siyempre, ayaw kong makapatay ng tao. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan, marahan ko ding dinungaw ang ulo para silipin ang labas. Wala ang mga tauhan niya, agad na akong lumabas. Nakayapak lamang ako, hindi ko na inabalang hanapin ang sandals kong nahubad sa mga paa ko. Palingon lingon ako sa paligid habang panay pa rin ang kabog sa dibdib ko. Paliko na ako noon sa isang pasilyo. “ Pre, balik na tayo dun, baka tawagin tayo ni Boss. Kanina may kalabog akong narinig- . “Kalabog ng sarap lang yun! Kita mo naman kung paano tayo singhalan kanina di ba?” Nag tsk siya. “Akala natin kung napaano na siya, yun pala kinakabayo na siya nung babae!” Napahinto ako. Ewan ko, pero para bang saglit akong itinulos sa kinatatayuan ko. Marahil sa takot hindi ako agad nakakilos. “Tsk, yung babaeng yun akala mo kanina takot na takot at pakipot pa pero kung makagiling sa ibabaw ni Boss parang sabik na sabik!” “Pero nakita mo yung katawan niya kanina? Sobrang ganda, sana nga patikimin tayo ni Boss mamaya,” ramdam ko sa boses niya ang tila pagkahayok sa laman. Lalo akong napupuno ng takot, kailangan ko talaga silang matakasan. Kapag nahuli nila ako, alam kong malalagay ako sa piligro dahil sa ginawa ko sa boss nila. “Pupunta muna ako sa baba, nagugutom ako.” “Ako rin, gusto kong manigarilyo,” nang marinig ko ang pagkilos nila ay doon lamang ako tila nahimasmasan. Unti unti akong napaatras, tumakbo ako sa kabilang deriksyon ng pasilyong iyon. Mabilis ang takbo ko, nakita ko ang sign kung saan ang elevator. Hindi na ako lumingon, pero narinig ko pa ang sinabi ng isa sa kanila. “Hindi ba’t siya yung babae ni Boss?” “Ay, oo nga no?! Si Boss?!” “Hoy! Bumalik ka rito!” Mas bumilis ang takbo ko patungo ng elevator. Luckily, may nakahintong elevator sa floor na iyon. Agad akong pumasok. Nakailang pindot ako pasara ng elevator sa pagmamadali at takot na maabutan ako. “Please! Please!” Nanginginig kong dasal habang panay ang pindot sa closing button. Saktong malapit na malapit na siya ay saka iyon sumara. Napasandal ako at kahit paano ay huminga. Ngunit hindi pa rin ako nagpakakampanti. Kahit na nasa loob na ako ng elevator ay alam kong hindi pa rin ako ligtas. Siguradong alam na nila ang nangyari sa kanilang boss at marahil ngayon ay inaabangan na nila akong makalabas ng hotel na iyon. Bumaba ako sa 16th floor, pero muli akong napabalik nang makita ko ang dalawang tauhan niyang tila naghahanap sa akin. Napaawang ang labi ko nang makita ako nung isa. “Nandito siya!” Ang dinig kong sigaw niya. Naalarma ako. Halos maiyak ako nang hindi na bumakas ang elevator at bagkus ay bumaba na ito ng floor. Mabilis kong tinungo ang hagdanan, pero imbes na bumaba ako ay mas pinili kong umakyat muli. Hingal kong narating ang 17th floor. May nadaanan akong pintuan, sinubukan kong buksan, sarado. Tumakbo akong muli, naririnig ko pa ang boses nila kaya alam kong nakasunod sila sa akin. Tinutugis ako. Muli, may nadaanan akong pintuan, sinubukan kong pihitin ang knob, nanlaki ang mga mata ko nang bumukas iyon. Mabilis akong pumasok at isinarang muli ang pinto. Ini-locked ko pa. Napaatras ako habang nanginginig na nakatingin lamang sa pintuan. Hindi ko na pinansin ang dilim ng buong paligid. Parang umaalon ang dibdib kong nanatili sa harapan ng pinto. Puno ng takot ngunit taimtim na nagdarasal na sana ay hindi ako matagpuan ng mga lalaking iyon. Sana hindi nila maisip na narito ako sa silid na ito, sana tumigil na sila sa paghahanap sa akin. Narinig ko ang tila mabibilis na yapak mula sa labas, naalarma ako. “Dito lang yon nagsuot, bakit biglang nawala?” “Baka umakyat pa?” “Hindi yun basta makakaakyat ng dalawang palapag. Siguradong sa baba rin ang tungo nun dahil wala na siyang ibang mapupuntahan. Kailangan natin bantayan ang elevator. Tara, abangan natin sa baba,” nang marinig ko ang papalayong yapak nila ay parang nanlambot bigla ang mga tuhod ko. Kahit paano ay nakahinga ako. Ngunit hindi pa man ako nakakabawi ay ganun na lang muli ang pagkabigla ko, at para akong nanigas mula sa pagkakatayo nang may bigla na lamang yumakap sa akin mula sa likuran ko. Sa laki ng mga braso niya at katawan na para akong binalot ay damang dama ko ang pangliliit. Nasa gilid ng leeg ko ang mukha niya, dama ko ang mainit niyang hininga. I smelled the strong scent of alcohol. He’s drunk. “A-Are you the woman who sent here to comfort me?” pausan niyang bulong sa tainga ko. Medyo napaawang ang mga labi dahil sa narinig. “W-What w-woman?” nanginginig man ay nagawa kong itanong. He softly smirked. Walang halong pang-uuyam, para pa nga siyang na-amused. “The woman I paid,” mahina niyang sabi. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako babaeng bayaran! s**t. Mukhang dito naman ako mapapahamak, hindi maari! Agad nagprotesta ang isip ko, pero paano kung sabihin kong hindi ako then, palabasin niya ako sa unit niya at mahuli ako ng mga tauhan ni Mr. Ching? Damn it. Bakit ba puro kamalasan na lamang ang inaabot ko? Kumawala ako mula sa kaniyang pagkakayapos, malaki nga ang bulto niya. Napakatangkad niyang tao at malapad ang katawan. Tiningala ko siya, at mas lalo akong nabigla nang maaninag ko ang mukha niya. Parang may kung anong pumintig sa dibdib ko. Sa isang iglap, hindi ko maipaliwanag kung ano ang nararamdaman ko. Bakit ganun, bakit pakiramdam ko, medyo pamilyar ang presensya niya? Napagtanto ko rin na parang narinig ko na rin ang boses niya? Sa agaw dilim at liwanag ay inaninag ko ng mabuti ang mukha niya. Namamalikmata lamang ba ako? Bakit parang kilala ko siya. Ang lalaking unang nakuha ang interest ko, ang lalaking kahit iwasan ko ay siyang tinutungo pa rin ng pantasya ko. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin at umangat ang palad ko sa mukha niya, hinaplos ko pa nga ang pisngi niya. I felt him smiled. Magaan niyang kiniskis ang pisngi niya sa palad ko na para bang nagustuhan niya ang paghaplos ko at humihiling na haplusin ko pa siya. So, I did caress his cheek. Nang sandaling iyon, may mga tanong na biglang dumagsa sa isipan ko. Bakit siya tila lasing na lasing? Though, hindi pa naman bulol ang pagsasalita niya pero dama kong malalim din ang tama ng alcohol sa katawan niya. Sa pagkakatayo niya, at buga ng matapang na amoy ng alak sa katawan niya. Kaya sigurado akong lasing na lasing nga siya. “I-I’m so s-sorry,” medyo yuko niyang sabi. Muli akong natigilan. Bakit ganun, ramdam na ramdam ko sa boses niya ang lungkot? “D-Did scare you? Siguro, nabigla kita..” Medyo tuliro at malungkot na aniya. Napailing ako at hinaplos muli ang pisngi niya. “H-Hindi talaga ako n-nagbabayad ng babae, hindi ako kumukuha ng bayaran, but tonight I feel like, I need someone to—“ hinalikan ko siya. Halik na sa mga malilikot na himahinasyon ko lamang nagagawa kasama siya. Wala man akong karanasan sa larangang iyon ay ginawa ko ang alam kong tama para magustuhan niya ang halik ko. Saglit lamang siyang natigilan, ngunit hindi rin nagtagal sa ilang hagod ko ng labi ko sa labi niya ay mas maalab ang halik na ganti niya sa akin. Mas hinapit niya ako sa katawan niya. Nanguyapit naman ako sa leeg niya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, pero sa isang iglap parang nakalimutan ko ang lahat at ang tanging mahalaga sa akin ng mga sandaling iyon ay ang pagkakataong iyon na muli ko siyang nakita, at pagkakataon na maangkin siya. Ni ang takot na kanina lamang ay damang dama ko ay tila biglang nawala na parang bula. Hindi ako makapaniwalang narito siya sa pananatili ko noon sa eskuwelahan at makailang beses ko itong nakita ay mas tumindi ang paghanga at nararamdaman ko sa kaniya. Lagi kong naiisip noon kung gaano kasuwerte ang asawa niya. Lahat ng mga kababaihan sa school namin ay may matinding crush din sa kaniya. Lagi kong naririnig ang pagka-inggit din nila sa asawa niya. Pero hindi tulad ko, tahimik ko lamang siyang pinagpapantasyahan. Tahimik ko lamang siyang pinapangarap. Sa nakikita ko rin naman kasing pagmamahal niya sa asawa niya ay talagang malabo na magkaroon ng himalang mapalapit sa kaniya. Pero narito kami ngayon at magkasama sa iisang silid. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanila ng asawa niya. Nagkahiwalay ba sila? Or gusto lamang talaga niyang magloko at tumikim ng ibang babae? Alin man sa dalawa, hindi ko na inisip pa iyon. Wala na akong pakialam, ang mahalaga ng mga sandaling iyon sa akin ay ang chance na makasama siya. Mapusok ang naging halikan namin, ang pagiging agrisibo ko ay kusang lumabas. Napansin kong wala na siyang damit pang itaas, at hula ko ay boxer short lamang din ang kaniyang suot. Pinisil niya ang isang dibdib ko. Napadaing ako sa ginawa niya. May panginginig man ang mga daliri ko ay gumanti rin ako ng haplos sa ibabang bahagi ng katawan niya. Sa tiyan, sa abdomen niya. s**t. Dama ko sa palad ko ang tigas at tila bato batong abs niya. He softly chuckled. “You want that immediately, hmp?” tila nanunukso niyang anas sa akin. Napakagat ako sa labi ko. Humantong kami sa malambot na kama, agad akong pumatong sa kaniya. Inabot naman niya ang switch ng lampshade. Napaawang ang labi ko, tinitigan ako ng mapupungay niyang mga mata dala siguro ng kalasingan. Napaiwas ako ng tingin, hindi kaya mamukahan niya ako? Hinaplos niya ang pisngi ko, napatingin ako sa kaniya, then dumausdos sa labi ko ang nanginginig na mga daliri niya. Tila masuyong dinadama ang mga labi ko. Medyo napaawang ang mga labi ko, nakita kong nanginginig ang mga labi niya habang namumula ang mga mata. Kita ko ang matinding kalungkutan. “Fia, miss na miss na kita..” A/N: Unedited pa
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD